Chapter 15

1K 38 0
                                        

Bigla kong naalala na malapit na pala ang birthday ni Mykiel ngayon at ngayon din ang unang birthday niya na kasama si Aizen.

Biglang tumunog ang phone ko kaya tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Si Aizen. Bakit naman siya tumatawag sa akin?

"It's very rare to call me like this, Aizen."

"Wala naman siguro mawawala sa akin kung tatawagan kita, Callie. Hindi naman pwede si Aya dahil buntis siya at para rin naman ito sa birthday ni Mykiel."

"Kahit ano basta sa bata." Napamahal na rin kasi sa akin si Mykiel kaya gagawin ko lahat para sa kanya.

"Aba, himala hindi mo na ako sinigawan."

"Nagbago na ako ngayon. Hindi na rin ako galit sayo. So, ano ang gusti mong gawin ko?"

"Gusto ko kayo ang magluto para sa birthday. Sabihin ko na lang sayo kung saan gaganapin."

"Okay. No problem."

Binaba ko na yung tawag at dumating yung message ni Aizen. Alam ko ang lugar na ito, eh kaya walang problema pumunta.

Ilang araw rin ay naging busy kami para sa birthday ni Mykiel. Habang abala ang lahat ay napatingin ako sa bagong dating. Si Alex na ba iyon? Pero may kasama siya.. Siya yung babaeng kasama niya sa ospital. Hindi kaya sila na? Bigla na lang tumunog ang phone ko, baka si Aizen na ito at hindi nga ako nagkamali.

"Nandito na ba kayo?" Tanong ko pagkasagot ko ng tawag.

"Get ready, guys. We're here already."

Nandito na sila kailangan paghandaan na yung mga kailangan.

"Guys, nandito na sila kaya yung mga kailangan ilabas na. Yung pagkain mamaya na iyan dahil may iba pa tayong gagawin." Sabi ko sa kanila. Nandito na rin yung mga kaklase ni Mykiel.

"Daddy, mommy, ano po ito?" Narinig ko na ang boses ni Mykiel.

"It's your birthday, lad." Lumuhod naman si Aizen sa harapan ni Mykiel.

"I thought you already forgot today is my birthday, daddy." Natatawa ako dahil nagpapacute si Mykiel.

"Hindi ko pwede makalimutan ang birthday mo." Ginulo ni Aizen ang buhok ni Mykiel. Napangiti ako dahil ang laki na talaga ng pinagbago ni Aizen simulang nalaman niyang anak niya si Mykiel.

"Daddy! Huwag niyo naman po guluhin ang buhok ko." Natawa ako sa sinabi ng bata.

"Sorry, lad."

Lumapit na ako kay Aya pero niyakap niya rin ako. Sobrang namiss ko talaga itong kaibigan ko.

"Ang laki ng tyan mo." Nagulat kasi ako na malaki na iyon. Ibig sabihin malapit na siya manganak.

"Yep, malapit na kasi ako manganak."

"Alam niyo na ba ang gender ng kambal?"

"Not yet dahil gusto namin surprise."

Ano ba iyan. Gusto pa nila surprise...

"Ganoon ba? May balak pa sana kami ni Niks."

"Ano na naman ang gimmick niyo? Buntis ako, Callie."

"I know you're pregnant. Baby shower sana pero rerespetuhin ko na lang ang desisyon niyo magasawa."

"Ayos lang. Alam ko namang busy ma sa restaurant mo ngayon. Anyway, musta ang love life mo?"

"Love life? Wala ako noon."

"Bakit? Hanggang kaibigan lang ba si Alex?"

Kaibigan nga lang ba? Hindi ko nga alam kung magkaibigan ba kaming dalawa. Kahit hindi sabihin sa akin ay alam kong nasaktan ko siya noon.

Definitely YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon