Chapter 6

1.2K 33 0
                                    

Ang alam ko 6 years na hiwalay sina Aya at Aizen pero nakakahalata na talaga ako kay Aya dahil gabi-gabi ay kasama niya si Aizen sa pagkakuha kay Mykiel dito sa bahay.

"Mommy!" Nakita kong niyakap ni Aya ang anak niya.

"Aya, sino ang kasama mo? Dahil napansin ko noong isang araw pa na may kotse na naghahatid sayo." Hindi makatingin sa akin si Aya. Kailangan ko malaman ang totoo. "Hindi ka pwede magsinungaling sa akin. Si Aizen ba?"

Nakita kong dahan-dahan tumango ang kaibigan ko. Hindi nga ako nagkamali na si Aizen ang kasama niya gabi-gabi, pero bakit?

"Magusap na lang tayo kung day off ko na at kahit anong gusto mong malaman ay sasagutin ko, Callie."

Dapat lang dahil marami akong gustong malaman kay Aya ngayon lalo na ang ama ni Mykiel.

"Much better. Puntahan mo na siya baka mainip pa ang lalaking iyo."

Lumabas na si Aya sa bahay kasama si Mykiel. Pero kung si Aizen nga ang ama ni Mykiel, ano na lang ang gagawin ko? Hindi ko naman pwedeng awayin si Aizen sa harap ng bata dahil napamahal na sa akin si Mykiel. Hindi rin ako pwede magkamali dahil nakikita ko sa bata si Aizen.

Napatingin ako sa phone ko dahil tumunog iyon. May text message ako galing kay Luca.

From Luca;

Are you free tomorrow?

To Luca;

Hindi, eh. Marami akong kailangan asikasuhin sa restaurant bukas. Bakit?

From Luca;

Gusto ko lang kamustahin yung paguusap niyo ng boss ko. Hindi na kita nakausap noong pumunta ka dito kasi marami akong ginagawa na.

To Luca;

Naging maayos naman ang paguusap namin. Hindi naman ako makatanggi sa offer niya kaya tinanggap ko at pumirma na rin ako ng kontrata. Salamat sayo ah.

From Luca;

Wala iyon. We're friends, Callie.

To Luca;

Hindi tayo magkaibigan, Luca. Ni hindi nga tayo close noon, eh.

From Luca;

Aw. Ayaw mo ba ako maging kaibigan? :(

To Luca;

Ayaw ko naman magalit sa akin si Caleb pag kinaibigan kita.

From Luca;

Sorry nawala sa isip ko tungkol sa kakambal mo. I understand.

Hindi ko ng inabalang replyan pa si Luca dahil gusto ko na rin matulog. Napagod kasi ako sa pagalaga kay Mykiel, hindi kasi nauubusan ng energy yung bata.

Kinabukasan...

Napatingin ako sa phone ko dahil may text message ako galing kay Aya.

From Aya;

Sorry kung ngayon ko lang sinabi sayo ang tungkol dito kasi kagabi sinabihan na rin ako ni Aizen na mag-day off na muna ako ngayon. Kung pwede lang pumunta ka dito sa bahay.

To Aya;

Okay. Pupunta na ako diyan sa inyo agad.

Pumunta na ako sa kusina para maghanda na ng agahan namin ni Caleb.

"Ah, gising ka na pala, Caleb." Nilapag ko na yung pagkain na niluto ko.

"Maaga ako ngayon papasok." Nakita ko rin na work attire na siya ngayon. Halata ngang maaga ang pasok niya.

Definitely YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon