Today is my birthday and Caleb too. Kahit alam kong busy si Caleb sa trabaho niya ay hahabol siya sa dinner celebration. Maagang magsasara ang restaurant dahil mamayang dinner ay nakareserve ito para sa amin. Hindi na nga ako pinagtrabaho ng ibang chefs para daw hindi ako ma-stress at over fatigue sa trabaho, mababait silang lahat. Iyan ang gusto ko sa mga empleyado ko.
Narinig kong tumunog ang phone ko kaya agad kong tiningnan. May text message ako galing kay Luca. Matagal na rin hindi nagparamdam ang lalaking ito.
From Luca;
I'll pick Alex for you.
To Luca;
Bakit mo susunduin si Alex?
From Luca;
Alam mo naman hindi pa pwede magmaneho si Alex at kailangan pa niya magpahinga."
Napangiti ako sa inasal ni Luca ngayon. Mukhang tanggap na niya na hindi siya ang pinili ko kahit siya ang minahal ko noon. Wala naman siyang tungkol sa nararamdaman ko noon.
Malapit na gumabi kaya nilagay na ng guard ang close sign sa pinto para wala ng customer ang makakapasok. Abala na rin yung mga chef sa paghahanda para mamaya at ang mga waiter/waitress naman inaayos na ang tables. Ilan kaya ang pupunta ngayon? Pumasok na ako sa loob ng kitchen para tingnan ang mga niluluto nila.
"Chef, bawal kayo dito." Sabi ng isang chef.
"Bakit naman ako bawal pumasok?"
"Baka mapagod kayo. At saka mainit dito sa kitchen, doon na po kayo sa labas."
"Uuwi na lang ako para makapagasikaso na rin."
"Mabuti pa nga po."
Pagkauwi ko sa bahay ay dumeretso na ako sa banyo kahit half bath lang bago magasikaso. Pumasok kasi ako sa kitchen kaya naamoy pagkain ako. Pagkatapos ko magasikaso ay tiningnan ko ang oras, maaga pa at may 1 hour and 20 minutes pa ako. Matagawan nga si Alex.
"You miss me already?"
"Yes, I missed my boyfriend."
"Sweet. Don't worry, pupunta naman ako mamaya at hindi naman ako papayag na palalampasin ang unang birthday na magkasama tayong dalawa."
"I know that, babe. Nagtext na sa akin si Luca na siya ang susundo sayo."
"Really? Sana hindi niya ako suntukin dahil ang tahimik lang niya noong bumisita sila sa akin."
"Hindi na siguro gagawin iyon ni Luca sayo. Alam na rin naman nila na hindi ka pwedeng mapagod."
"Yeah, I'm so thoughtful that I met them kahit sinabi na sa akin noon pa na mga gago ang kaibigan niya."
"I agree with that. Nakakapagtataka nga dahil naging successful sila sa trabaho nila." Narinig ko ang pagtawa ni Alex sa kabilang linya. "And I want to stay with you para naman maalagaan kita."
"Ayaw ko naman mapagod ka, Cal."
"I can manage. Nagaalala lang ako sayo dahil walang nagaalaga sayo diyan."
"Still no, babe. Ayaw ko lang mapagod ka." Sumimangot ako dahil sa pagtanggi ni Alex na tumira kami sa isang bahay. I'm so worried.
Bumalik na ako ngayon sa restaurant, baka kasi nandoon na yung ibang bisita namin at nakarating ako ay nakasalubong ko si Alex.
"Babe." Salubong niya sa akin sabay yakap.
"Mukhang ikaw na itong ang nakamiss sa akin ngayon ah." Pabiro ko at ginantihan ko na rin siya ng yakap.
"Siyempre. Hindi ko kayang hindi ka makita kahit isang sekundo."
"Tapos ayaw mo tumira ako kasama mo." May pagtatampo sa boses ko.
"Hindi naman sa ganoon. Ayaw ko lang na mapagod ka at baka hindi ka payagan."
"Hindi ako payagan? Nino? Ni Caleb? Al naman. Hindi ko tatay si Caleb para hindi ako payagan."
Tumawa ng mahina si Alex at pinagtawanan daw ba ako. Hmph!
"Okay, ikaw bahala. Basta huwag mong pagurin ang sarili mo ah." Biglang sumigla ang mukha ko sa pagpayag ni Alex sa akin. "At may surpresa ako sa inyo ni bayaw. Mamaya pa makakarating."
"Ano iyon?" Kumunot noo ako nakatitig sa kanya.
"Secret. You will know later." Hinalikan ako ni Alex sa labi. "Happy birthday, babe."
"Thank you." Ngumiti ako sa kanya at nagpasya na kami ni Alex na pumasok.
"Waa! Happy birthday, Callie." Niyakap ako no Aya.
"Wifey, can you help me to carry Irene? Ang kulit niya kasi, eh." Natatawa ako kay Aizen dahil nahihirapan siya sa kambal.
"Okay. Coming, hubby." Lumapit na si Aya kay Aizen para kunin sa kanya si Irene.
Umupo na ako sa isang bakanteng table hanggang may nakikita akong batang lumalapit sa gawi ko.
"Tita Callie, happy birthday po!" Bati sa akin ni Mykiel. Ngumiti ako sa batang ito.
"Thank you, Mykie."
"Thank you rin po kasi nandiyan kayo palagi para alagain ako pag wala sa bahay si mommy."
Naku! Pinaiyak ako ng batang ito o baka dahil sa hormones ko.
"Wala iyon. Kaibigan ko ang mommy mo kaya handa akong tumulong sa kanya pero ngayon nandiyan na ang daddy mo at ang dalawa mong kapatid. Dapat tulungan mo sila magalaga ah."
"Yes po. Palagi ko po pinapalitan ng diaper ang mga kapatid ko pag busy sila mommy at daddy." Napangiti ako kay Mykiel dahil ang bait niya sobra. Ang swerte nina Aizen at Aya dahil nagkaroon sila ng anak na kasing bait ni Mykiel. Sana hindi magbago ang ugali ng batang ito paglaki niya.
Nagsimula na rin kami kumain at nagkukwentuhan na rin. Nagkakasayahan kaming lahat ngayon gabi pero wala pa rin si Caleb. Mukhang busy talaga siya.
"Sorry, I'm late." Napatingin kaming lahat sa bagong dating. Tumayo naman si Alex para lumapit sa kanya.
"Happy birthday, bayaw."
"Bayaw?!" Sabay ang lahat na kaibigan ni Alex.
"Bakit? Caleb is my future brother-in-law."
"Oo nga naman. Ang oa niyong lahat." Natatawa ako sa sahot ni Chuck.
"Thanks, bayaw." Nakangiting saad ni Caleb.
"Doon ka na sa tabi ni Callie umupo. Tutal kayong dalawa ang may birthday ngayon."
Pagkaupo ni Caleb sa tabi ko ay humarap ako sa kanya dahil naka work attire pa siya. Hindi na niya inabalang umuwi sa bahay at magpalit ng damit dahil dumeretso talaga siya dito.
"Kailan niyo pala balak magpakasal?" Tanong ni Buck sa amin.
"Hindi pa nga ako nagpropose sa kanya. Kasal agad?"
"Bilisan mo baka maunahan pa kita." Sabi ng isang lalaki na ngayon ko lang nakita.
"Why, Enzo? Sinagot ka na ba ng babaeng sinundan mo dito sa Pilipinas?" Tanong ni Aizen sa lalaki kanina.
"Not yet. Bigla na lang kasi siya nawala."
"Paanong nawala, pre?" Tanong ni Luca.
"Pumunta ako sa tinitirahan niya noong isang araw pero walang sumasagot. Hindi ko alam kung saan siya mahahanap na."
"Baka hindi ka niya mahal at nagtago na." Natatawang saad ni Buck.
"Teka, kami ni Callie ang topic dito tapos napunta na kay Enzo at doon sa babaeng mahal niya."
"Oo nga. Bakit sa akin na ang topic?" Nagkibit balikat lang yung apat sa kanya. Inaamin kong may itsura siya para nga siyang greek god.
"Kailan mo ba balak magpropose sa kaibigan ko?" Tanong ni Aya.
"I can't tell when but soon."
Kumuha ulit ako ng pagkain dahil nagugutom pa ako. Tatlo kaming kumakain kaya kailangan maging malusog ang kambal.

BINABASA MO ANG
Definitely Yours
RomanceAno na lang ang gagawin mo kung magkagusto ka sa isang lalaki na mukhang hindi seryoso sa isang bagay? Pipilitin mo pa rin ba ang sarili mo para makuha siya? O magagawan mo magmahal sa ibang lalaki na kabaliktaran ng first love mo? Meet Callie Tan a...