Chapter 10

1.1K 43 2
                                    

Nakatanggap ako ng text message galing kay Aizen. Ang sabi niya niyaya niya ako sa bachelor party niya. Bachelor party?! Ibig sabihin pala malapit na ikasal si Aizen.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin malapit ka na pala ikasal?" Tanong ko kay Aizen habang nandito kami sa kotse niya papunta sa isang bar kung saan gaganapin ang bachelor party niya.

"Nawala lang sa isip ko. Masyado akong busy sa trabaho, Alex." Tumingin sa kanya yung isang lalaki. Hindi ko siya kilala at ngayon ko pa lang siya nakita.

"Masyadong busy. Busy kay Aya kaya nakalimutan niya ang tungkol doon." Namilog ang mga mata ko dahil may accent ang Tagalog niya.

"Tumigil ka diyan kung ayaw ko isipa kita palabas ng sasakyan."

Mukhang close silang dalawa ah.

Pagkarating namin sa bar ay may tatlong lalaki na doon. Mukhang pinareserve talaga itong bar ah. Nice.

"Hindi mo naman sinabi sa amin nandito ka na pala sa Pilipinas, Aiz."

Sila yata yung mga kaibigan ni Aizen na kinukwento niya sa akin noon.

"Kaya nga. Kung hindi ka tumawag sa amin hindi namin malalaman."

"At malalaman na lang namin ikakasal ka na. Damn, sino ang malas na bride?" Natawa na lang ako sa tanong niya.

"Sorry. Masyado lang akong busy sa trabaho ngayon. Ang hirap kaya maging doctor." Sagot ni Aizen sa dalawang nauna at humarap siya sa isang kaibigan nito. "Sapak gusto mo? Kahit kailan hindi malas ang bride ko."

"Sino ba iyan?"

"Si Aya Collins." Sagot ko kaya lumingon sa akin si Aizen. Ngumisi ako sa itsura niya.

"Aya?" Kilala rin pala nila si Aya. Oo nga pala, mga kaibigan sila ni Aizen talagang kilala rin nila si Aya. Ang sabi ni Aizen simulang elementary sila magkakilala na. "Hindi ba noong bago ka umalis ay nagkahiwalay kayo?"

"Yep. Naging maayos ang pagkabalikan naming dalawa simulang nalaman ko ang dahilan niya at--"

"And he has a son." Sagot noong isang lalaki. Gusto ko tumawa sa mukha ni Aizen.

"What?! Marami kang ikukwento sa amin, dude."

"And hindi mo ba kami pakilala sa isang kasama natin?" Ako ba ang tinutukoy niya? Siguro nga ako iyon. "Si Enzo kilala na namin."

"I'm glad you guys still remember me."

"Si Alex Murry. Kaklase ko siya noong college pero kasama ko rin sa trabaho."

"Luca Salvador."

"Chuck Smith."

"James Fernandez. Pero pwede mo kong tawaging Buck."

"Bakit Buck?" Tanong ko. Sa dami pwedeng maging nickname para sa James pero naging Buck. Ang layo kasi.

"Noong maliit pa kasi kami pag bumibili kami ng street food ay palagi sinasabi nito 10 Bucks kaya tinawag na namin siyang ganoon." Sagot ni Aizen.

"Ahh... Kaya naman pala."

Ganoon pala ang history ng pangalan niya.

"Anyway Alex, si Enzo. Pinsan ko galing siya ng Australia pero nagbabakasyon lang siya ngayon dito kaya nandito."

"Hey. Pleasure to meet you." Inilahad ni Enzo ang kanyang kamay.

"Likewise." Nakipagkamayan na ako sa kanya. Mukhang mabait ang pinsan ni Aizen kumpara sa kanya.

"Simulan na natin ang kasiyahan." Mukhang excited na si Buck ngayon ah.

"Wala ba tayong babae na kasama?" Napatingin ako kay Aizen dahil binigyan niya ng masamang titig si Luca. Tama naman si Luca dapat may babaeng kasama. "What? Bakit ka ganyan makatitig sa akin?"

Definitely YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon