Chapter 29

1.2K 34 2
                                        

Alex's POV

Pumunta ako sa ospital para sa check up ko dahil gusto ko na rin naman bumalik nasa trabaho. Miss ko na turuan yung mga bagong internship sa radiology.

"Ano ang ginagawa mo dito?" Tanong ni Aizen sa akin pagkarating ko sa clinic niya.

"Check up."

"Ngayon na ba iyon?" Tumango ako. Kinalimutan ang tinext niya sa akin kahapon. Tsk. "Sorry, kung nakalimutan ko. Ang dami kasing ginagawa ngayon tapos dumating pa yung gurang kanina."

Ang ibig sabihin ni Aizen na gurang ay ang board member. Hindi ko masisi si Aizen dahil kahit ako naman ay naiinis rin sa mga board.

"Ayos lang. You are the head of this hospital kaya marami kang ginagawa para hindi bumagsak ang mga pinaghirapan natin for 6 years."

"Tingnan na muna kita bago tayo magusap."

Ang daming tinanong sa akin ni Aizen at mabuti na lang ay alam ko ang mga sasabihin ko. I'm a doctor too like him.

"Kailan mo pala balak magpropose kay Callie?" Tanong nito sa akin.

"Soon. Or maybe sa araw mismo ng anniversary ng ospital."

"Malapit na rin pala ang 6th anniversary ng ospital natin. Ang bilis talaga ng panahon. Kahit onti pa lang tayo noon but year by year ay nadagdagan tayo ng ibang staff, include my beloved wife."

"So, this weekend?"

"Yep, this weekend. Hindi mo na kailangan pumunta dito sa Friday ng gabi dahil ayaw ko naman mapagod ka."

"Pero may improvement naman ang pagpahinga ko, diba?"

"Yes. Good for you. Isipin mong buntis ang girlfriend mo ngayon at dapat siya ang inaalagaan mo ngayon."

Tama si Aizen dapat si Callie ang inaalagaan ko hindi ako yung inaalagaan niya. Kailangan ko talaga gumaling para sa kanya.

"I have to go. See you this weekend, bro."

"Sige, ingat ka ah."

Pagkabalik ko sa bahay ay nakita kong may tao ang naghihintay sa pagdating ko. Wait, si Callie ba iyon?

"Babe?" Tumingin siya sa akin at tumayo. "Ano ang ginagawa mo dito?"

"Hinihintay ka."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka ngayon?"

"Biglaan lang kasi ang punta ko kasi ang sabi ni mama ay dalhan daw kita ng makakain." May paper bag siyang inabot sa akin. "Try mong kainin ang mga iyan. Kung may natirang pagkain ilagay mo na lang sa ref."

"Thank you, babe. Pasok ka na muna." Pag alok ko sa kanya bago buksan ang gate at pumasok na kami pareho.

"Saan ka pala pumunta kanina?"

"Ospital. Nagtext kasi si Aizen na ngayon ako magpacheck up."

"Musta na? Any improvement?"

"Of course. Ayaw ko naman kasi magaalala sa akin ang soon to be wife ko."

"Good for you." Makikita ang pagkasigla sa mukha ni Callie.

"At pinagusapan na rin namin ni Aizen tungkol sa event gaganapin this weekend."

"Event? Para saan?"

"Anniversary ng ospital. At iniimbitahan rin kita pumunta."

"Ano naman ang gagawin ko doon? Hindi naman ako empleyado ng ospital."

"Yes, but I'm your boyfriend. I'm also part of that hospital."

"Sige na nga kung mapilit ang boyfriend ko."

Definitely YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon