Ngayon ay nakipagkita ako kay Aizen at sa mga kaibigan namin. Kahit hindi pa kami okay ni Luca dahil sa nangyari noon.
"Hey, guys." Sumulyap ako sa bagong dating na si Enzo, ang pinsan ni Aizen.
"Bakit nandito ka pa rin?" Bungad ni Aizen sa kanya.
"Wow. You're so sweet as ever."
Nakikinig lang ako sa mga kalokohan ng iba pero ako ay tahimik lang. Hindi ako sumasabay sa kanila.
"Alex, ang tahimik mo naman yata." Sabi ni Aizen kaya napatingin sa akin yung iba.
"Huh? Ah, iniisip ko lang yung sinabi ni mama sa akin noon?"
Hindi ko kasi pwedeng sabihin sa kanila ang tungkol sa amin ni Callie. Kahit sa pagbubuntis. Ang gusto ko pamilya ko na muna ang makakaalam noon.
"Ano iyon, pre?" Tanong ni Luca. He called me pre. Ano iyon? Okay na ba kami? I don't know. Pero wala akong inagaw sa kanya ah.
"Pinauuwi ako sa states." Sagot ko. Wala akong maisip na excuse. Sorry for that.
"Ano?! Paano naman ako? Hindi ko naman kaya hawakan yung ospital na magisa." Napatingin kaming lahat kay Aizen. Kung kinaya kong hawakan ang ospital, kaya rin niya.
"Alam ko naman kaya mong hawakan ang ospital habang wala ako. Babalik rin naman ako agad."
"Pumapayag kang bumalik ng states?" Tanong ulit ni Luca sa akin. Naging seryoso na ang mukha nito.
"Yes. Bakit?"
"Paano na ngayon si Callie? Iiwanan mo siya dito?" Hindi ako makasagot dahil hindi niya pwedeng malaman kasama rin si Callie.
"Ano meron? Gusto mo si Callie, Alex? Eh, tomboy ang kaibigan ni Aya." Tumingin ako kay Buck. Hindi naman tomboy si Callie, eh.
"Yeah, since I met her." Tumingin ulit ako kay Luca. "Kahit alam ko naman may gusto ka kay Callie pero akin pa rin siya."
"Totoo pala ang sabj ni Aizen na may gusto ka kay Callie, Luca." Sabi ni Buck.
"Yes, hindi ordinaryong babae si Callie kaya siguro nagustuhan ko rin siya."
"Pero ang alam nating lahat hindi ka pumapasok sa isang seryosong relasyon." Tugon ni Aizen. Tumingin ulit kami sa kanya.
"Mas mabuti pang huwag mo ng ituloy kung ano ang plano mo, Luca." Nagsalita na rin sawakas si Chuck kasi naman ang tahimik niya.
"Sang ayon ako kay Chuck. Kung hindi lang buntis ang asawa ko baka masuntok ka noon pag nalaman niyang pinaiyak mo ang kaibigan niya. At hindi lang iyon malalagot ka rin kay Caleb."
"Yung Caleb yung kakambal, no?" Tanong ko. Hindi ko pa siya nakilala pero naririnig ko ng ilang beses kay Callie. At nakita ko siya isang beses noong birthday ni Mykiel.
"Yes, katulad ni Akzen magaling rin sa basketball si Caleb at mabait. Hindi siya nagagalit na walang dahilan, hindi katulad ni Callie." Kwento ni Buck. War freak ba si Callie? Hindi ako makapaniwala kung ganoon siya.
May narinig akong tumunog na phone. Hindi iyon akin. At nakita ko kay Aizen pala iyon.
"Aya, bakit?" Kumunot ang noo ni Aizen. Bakit kaya? May nangyari ba kay Aya? "Lad, what's wrong? Bakit ka tumawag?"
Napatingin kaming lahat sa isa't isa. Ano ba ang nangyayari? Napatayo na si Aizen kaya napatingin kami sa kanya.
"Okay. Pupunta na ako diyan." Binaba na rin nito ang tawag.
"What's wrong, cous?" Tanong ni Enzo.
"Sinunod si Aya sa ospital. Kailangan kong pumunta doon."

BINABASA MO ANG
Definitely Yours
RomantizmAno na lang ang gagawin mo kung magkagusto ka sa isang lalaki na mukhang hindi seryoso sa isang bagay? Pipilitin mo pa rin ba ang sarili mo para makuha siya? O magagawan mo magmahal sa ibang lalaki na kabaliktaran ng first love mo? Meet Callie Tan a...