Chapter 8

1K 38 0
                                    

Alex's POV

Ngayon pa lang ako papasok dahil biglang sumakit ang pakiramdam ko kaninang umaga. Hindi ko naman nakakalimutang uminom ng gamot. Bakit ganoon?

Dumaan na muna ako sa coffee shop malayo sa ospital kahit alam kong meron naman malapit pero may nakita akong isang babaeng naaksidente. Lumapit ako agad para tingnan ang kalagayan.

"Excuse me, doctor ako." Pinadaan na ako ng ibang tao. "May tumawag na ba ng ambulansya?"

"Tumawag na ako pero ang sabi 15 minutes pa bago sila makarating." Sabi ng isang babae. Tsk. Matatagalan pa ang pagdating ng ambulansya pero hindi naman pwedeng wala akong gawin habang naghihintay.

Nagpasya akong tawagin si Aizen dahil wala akong alam sa operasyon. Sana nga hindi busy si Aizen.

"Hello?"

"Bro, I need your help. May babaeng naasidente kanina pero matatagalan pa ang dating ng ambulansya. Hindi naman pwedeng antayin ang pagdating nila."

"Okay, tell me what's going on."

"Maraming dugo ang nawala sa kanya."

"Meron ka bang malinis na panyo diyan? Pigilin mo ang pagdalos ng dugo para hindi maubos." Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa.

"Okay. Ano susunod kong gagawin?"

"Ilagay mo yung panyo kung saan ang may dugo and press it para huninto."

"Okay. Heto na."

Ngayon ko lang gagawin ang bagay na ito dahil puro x-ray, MRI at CT scan lang ang ginagawa ko. Iyon naman kasi ang ginagawa ng isang radiologist. In other word, I'm not a surgeon.

"Alex, magingat ka sa gagawin mo ah. Kung magkamali ka ng ginawa ay pwedeng mawalan ka ng lisensya."

"Damn it, Aizen."

"Aizen?" Napatingin ako sa paligid. May narinig kasi ako na may nakakilala kay Aizen. Sino naman kaya iyon.

"I'm serious."

"Oo na. Ibaba ko na ito dahil nandito na yung ambulansya."

Sana maging maayos ang lahat pagkatapos kong gawin ang first aid sa babaeng iyon. Tumingin na rin ako sa damit ko dahil puro dugo, para tuloy akong pumatay ng tao.

"Doctor ka ba talaga?"

"Yes. Why?"

"Dahil hindi mo alam ang gagawin mo kanina."

"Sorry, ma'am dahil wala akong alam sa pagoopera kasi hindi naman ako surgeon. Isa lang akong radiologist kaya humingi pa ako ng tulong sa kaibigan kong surgeon. At saka maswerte pa rin siya dahil nandito ako, kahit pa paano ay may tinulong ako." Ayaw ko maging bastos sa kapwa pero nakakainit ng ulo. Akala mo pa naman ang laki ng tinulong, nakatingin lang naman siya kanina. Biglang sumakit na naman ang dibdib ko.

"Doc, ayos lang kayo?" May pagaalala yung ibang tao sa akin. Bakit kasi pinanganak ako na may sakit sa puso?! Hindi ko nga naenjoy ang kabataan ko dahil sa sakit ko.

"Yes, I'm fine."

Simulang kinausap ko si mama ay hindi ko pa nakakausap si Aizen para sa operasyon ko. Hindi ko pa kasi alam kung gagawin ko ba o hindi.

Pagkarating ko sa ospital ay dumeretso na ako sa radiology department at umupo na muna sa sofa.

"Bakit ngayon lang po kayo, dr. Alex?"

"May tinulungan lang akong pasyente kanina papunta ko dito." Sagot ko.

Hindi mawala sa isip ko noong may tumawag sa pangalan ni Aizen. Boses iyon ng isang babae. At sino naman kaya siya?

Sobrang abala ako sa ginagawa ko ay bigla akong nahilo. Bakit ngayon pa?!

And my vision went black.

Nagising na lang ako nasa isang kwarto na ako at may nakakabit na suwero sa kamay ko. Ano ang nangyari?

"Aizen?" Nakita ko si Aizen nakatayo sa tabi ng kama.

"Mabuti gising ka. Pinagaalala mo ko noong may nagsabi sa akin na hinimatay ka. Alex naman. Alam mo namang may sakit ka sa puso dapat hindi ka nagpapagod."

"Sorry. Hindi ko alam ganito ang mangyayari sa akin."

"Tumawag sa akin si Dave." Napatingin ako kay Aizen. Ano naman kaya sinabi ng kapatid ko sa kanya? "Kahit pagopera mo lang daw ang iregalo mo sa kanya sa graduation. Whether you like it or not magpapaschedule ka sa operasyon mo, Alex."

"Natatakot kasi ako baka hindi maging tagumpay ang operasyon."

"Huwag ka magsalita ng ganyan. Isipin mo na lang gagawin mo ito para sa pamilya mo."

"Wala ka bang pinagsabihan tungkol sa sakit ko?"

"Kahit hindi mo sabihin ay malalaman ng ibang doctor ang tungkol sa sakit mo."

"Okay. Magpapaopera ako. Gusto ko ikaw ang surgeon dahil may tiwala ako sayo, Aizen."

"Titignan ko ang schedule ko next month."

"Next month na ang operasyon ko?"

"Yes. Kailangan agapan agad bago lumala ang kalagayan mo ngayon. Hindi maganda ang nangyari sayo."

Wala na rin ako magagawa dahil lahat sila ay nagaalala sa kalagayan ko.

"Isipin mo na lang ang pamilya mo. At baka makahanap ka na rin ng babaeng mamahalin mo."

"Bakit mo ba pinagiinitan ang love life ko? Bago mo sabihin iyan ayusin mo muna ang sayo. Hindi mo pa nga alam kung anak mo ba yung anak ni Aya."

"Malapit ko na rin makuha yung DNA test results. Maghintay ka na lang."

"Talagang umaasa kang positive ang lalabas na resulta ah."

"Oo naman. Alam mo naman pangarap ko magkaroon ng anak kay Aya pero kung negative ay tatanggapin ko si Mykiel bilang anak ko."

"Paano kung bumalik yung ama ng bata?"

"Ipaglalaban ko para hindi niya makuha yung bata kahit umabot pa kami sa korte. At sigurado akong hindi rin naman papayag si Aya makuha si Mykiel ng ama niya."

"Ang tanong mahal ka ba ni Aya?"

"Ouch. Kahit ano gagawin ko para mahalin niya ulit ako."

"So ano balak mo pag nalaman mo ang resulta?"

"Umamin na rin ako kay Aya na mahal mo pa rin siya at sinabi ko sa kanya yayain ko siya magpakasal pag nakuha ko na yung resulta ng DNA test."

"Kasal agad?!" Hindi ako makapaniwalang ganoon ang gagawin ni Aizen.

"Huwag na natin pagusapan ang tungkol sa amin ni Aya. Pagusapan natin ang kalagayan mo ngayon, Alex kaya hindi ka na muna pwede bumalik sa trabaho. Magpahinga ka na muna."

"Ayaw ko namang walang ginagawa."

"Sumunod ka sa akin. Kung hindi ka sumunod, maghanap ka ng ibang doctor na magoopera sayo."

Tsk. Blackmail na itong ginagawa sa akin ni Aizen ah. Hindi tama ang ginagawa niya, no!

Definitely YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon