Dahil wala naman ako masyadong gagawin ngayon sa restaurant kaya nagpasya akong puntahan si Aya ngayon. Pagkarating ko sa bahay nila ay pinagbukas ako ng pinto si Mykiel. I missed this little guy.
"Tita Callie!" Lumuhod ako sa kanya para yakapin pero bumitaw naman agad sa akin si Mykiel at tumalikod. "Mommy, nandito po si tita Callie!"
Hindi ba namamaos ang batang ito kasi naman sumisigaw.
"Napadalaw ka yata ngayon, Callie."
"Because I missed you, sis." Tumayo na ako at pumasok sa loob. Wala pang sinasabi na pwedeng pumasok. Wala akong pakialam. Kaibigan naman ako ni Aya.
"So, maiisipan mo lang ako dalawin kung namiss mo ko." Palihim akong tumawa dahil nagtatampo ang kaibigan ko.
"Sira. Alam mo naman marami akong ginagawa sa restaurant this past few days. Lalong tumatagal kasi maraming customers ang kumakain."
"Maraming ginagawa sa restaurant? O baka naman busy ka kay Alex." Pakiramdam ko ay umakyat ang dugo ko sa ulo. Namumula na naman ako. "Akala mo hindi ko malalaman na boyfriend mo na pala siya. Hmph! Nakakatampo ka na."
"Sorry. Wala naman akong balak itago sayo ang tungkol sa relasyon namin ni Alex."
"Panalo pala ako sa deal natin dahil nagkagusto ka sa kanya ngayon." Tumango ako sa kanya. Hindi nga nagkamali si Aya na magkakagusto ako kay Alex. "Paano na si Luca?"
"Anong paano na siya? Wala naman kami ni Luca. Ni hindi ko nga siya kaibigan, hindi katulad niyo ni Caleb noon."
"Yeah, maybe Caleb is my friend guy pero hindi ko naman naging boyfriend ang kapatid mo at mas lalong hindi ko naman siya pinaasa."
"I know, girl."
"At sinabi pala sa akin ni Aizen ang nangyari sa inyo ni Alex. Sorry kung wala ako sa tabi mo."
Talagang gusto ko sakalin si Aizen. Sinabi ko sa kanya noon na huwag niya ipasabi na kahit sino pero kaibigan ko naman si Aya kaya ayos lang siguro.
"Ayos lang. Nandiyan naman si Alex para pasayahin ako."
"May alam na ba si Caleb?"
"Wala pa. Hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang nangyari sa akin."
"Alam ko naman ayaw mong magaalala sayo si Caleb at baka magalit siya kay Alex pero mas mabuti pang sabihin mo sa kanya. Halata kasi sa mukha mo ang kalungkutan."
Ganoon bang obvious ang mukha ko ngayon?
"Kung halata pala sa mukha ko ang kalungkutan, bakit hindi ako tinatanong ni Caleb?"
Binigyan lang ako ng kibit balikat ni Aya bago magsalita.
"Baka ang gusto lang niya na sayo mismo ang manggaling ang lahat. Kapatid mo siya kaya handa siyang maghintay hanggang handa ka."
Kinabihan...
Humiga na ako sa kama ko at naalala ko yung sinabi sa akin ni Aizen noong isanc araw na bumisita siya sa restaurant ko. Ang akala ko nga hindi siya seryoso kaya hindi ako agad naniwala sa kanya pero nakikita kong seryoso ang mukha niya noong araw na iyon.
"Ano ba ang gusto mo sa akin ah, Aizen?" Tanong ko sa kanya habang nakatayo lang sa tabi ng table niya. Tapos na rin kasi kunin ng isang waiter ang order niya.
"Maupo ka na muna para makapagusap tayo ng maayos at chill ka lang dahil alam kong sa tuwing nakikita mo ko ay mainit ang dugo mo sa akin." Inikot ko na muna ang mga mata ko bago umupo sa harapan niya.
"Ayan nakaupo na ako. Sabihin mo sa akin kung paano makabawi kay Alex sa lahat na ginawa niya para sa akin."
"Always stay at his side. Alam ko naman miss na niya ang pamilya niya sa states pero ayaw lang niyang sabihin sa akin."
"Palagi ako sa tabi niya at hindi ko siya iiwanan kahit kailan."
"Sa nakikita kong mahal mo talaga ang kaibigan ko. But I'm not sure kung alam mo na ang tungkol sa sakit niya."
"Yes, I accidentally saw his medical record noong bumisita ako noon sa bahay niya. He has a heart problem since birth."
"Yes, Dave told me dahil pati sa akin ay tinago sa akin ni Alex ang tungkol doon."
"Bakit ba natin pinaguusapan ang sakit niya? Hindi ba nagpaopera na siya?"
"Yes, but it's not 100%."
"What do you mean?" Kumunot ang noo ko. Huwag mong sabihin na may chansang mamatay si Alex. Please, huwag sana.
"It's not 100% success, Callie. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang lumalabas sa resulta niya kaya hanggang ngayon ay pinagaaralan ko pa para makatulong kay Alex."
Napatingin ako sa mga kamay ko nakapatong sa mesa dahil nanginginig ang mga iyon ngayon.
"But don't worry... gagawin ko ang lahat para mabuhay ng matagal si Alex."
Dumating na yung mga inorder na pagkain ni Aizen. Hindi siya ganoon gutom, no? Ang dami kasi niya inorder.
"Pwede magtanong?"
"Sure. Anything." Sagot niya sabay higop ng sabaw.
"May alam ka bang ibang bagay na gusto ni Alex?"
"Yes, meron naman pero hindi ko alam kung magagawa mo talaga."
"Kahit ano gagawin ko para mapasaya lang siya." Naging seryoso ang mukha ko na nakatitig sa kanya.
"Lagot ako kay Alex pag sinabi ko ito sayo." Tuloy pa rin siya sa pagkain. Sarap na sarap talaga si Aizen sa pagkain niya.
"Ano iyon, Aizen?"
"Baby." Naubos ako sa sagot nito sa akin.
"What?! Seryoso ka?"
"Yes, I'm serious. Alam ko ang pagkasal ay papayag ka doon pero ang bigyan ng anak si Alex ay hindi ako sigurado, Callie. Pagkatapos nangyari sa anak niyo noon."
"Paano mo nalaman ang tungkol doon? May sinabi ba si Alex?"
"Wala. Kaibigan ko ang OB at isang beses nakita kitang lumabas sa clinic niya. Nagtataka ako kung bakit nandoon ka kaya tinanong ko si dra. Patricia kung bakit nandoon ka sa clinic and she told me that you're pregnant. Hindi ko alam kung sino ang ama ng dinadala mo pero napapansin ko napapadalas ang pagkikita niyo ni Alex. Ikaw rin ang kasama niya noong umuwi siya sa states."
"Yes, pero hindi ko pa boyfriend noon si Alex. Sa sobrang tigas ng ulo kahit pinapaalis na niya ako pero hindi ako nakinig sa kanya hanggang sa may nangyari sa amin." Yumuko ako dahil iniisip ko kung paano bibigyan ng anak si Alex. Natatakot na ako, eh.
"Tsk. Nasaan na yung Callie na kilala ko ah?" Tumingala ako kay Aizen. Seryoso na ang mukha niya. "Ang Callie na palagi akong inaaway sa tuwing nagkikita kami. Ang Callie na palaban. Nasaan na?!"
"Nandito pa rin ang hinahanap mo na ugali ko pero matagal na ako nagbago, Aizen."
"Tsk. Wala naman masamang magbago pero sana huwag mong kalimutan ang dating ikaw. Hindi agad sumusuko."
"Thank you." Ngumiti ako ng pilit.
"You don't have to thank me. Ginagawa ko lang ito para hindi na magaalala masyado sayo si Alex."
"Pwede favor?"
"Okay. Shoot."
"Pwede bang huwag mo ipagsabi sa iba ang nangyari sa akin noon? Kahit kay Aya. Ayaw ko lang kasi magaalala sa akin ang asawa mo."
"Hindi ako mangangako pero susubukan ko."
"Okay. Thanks."
Bibigyan ng anak si Alex. Paano ko naman gagawin iyon? Ang hirap kaya ng sinabi ni Aizen sa akin.

BINABASA MO ANG
Definitely Yours
RomanceAno na lang ang gagawin mo kung magkagusto ka sa isang lalaki na mukhang hindi seryoso sa isang bagay? Pipilitin mo pa rin ba ang sarili mo para makuha siya? O magagawan mo magmahal sa ibang lalaki na kabaliktaran ng first love mo? Meet Callie Tan a...