Chapter 12

1K 33 0
                                        

Callie's POV

Kainis. Ang ganda ni Aya kahit buntis siya. Halata namang buntis siya kasi noong magkasama kami sa mall na dalawa bigla na lang bumaliktad ang sikmura niya katulad kasi iyon noong bagong dumating si Mykiel sa kanya. Pero nakita ko siyang umiiyak. Simtomas ba ng pagbubuntis? O miss niya ang parents niya?

"Gosh, Aya. Nasira na ang make up mo." Bungad ko. Kasi naman naawa na ako sa make up artist, nakailang ulit na siya.

"Sorry, I missed my parents."

"It's okay, ate Aya. Kung saan man ang mga magulang mo ay paniguradong proud sila sayo." Sabi ni Nika. Tama siya.

"Tama si Niks. Kaya huwav ka na umiyak at malapit na magsimula ang seremonya."

"Pupunta ba si Caleb?" Tanong ni Aya sa akin. Paano ko ba sasabihin sa kanya na wala talagang balak si Caleb pumunta ngayon dahil nasaktan siya noong nalaman niyang ikakasal na si Aya.

"Ayaw ko man sabihin sayo ito pero walang balak pumunta si Caleb." Nakita kong nalungkot si Aya. Lagot na ako nito kung umiyak na naman itong kaibigan ko.

"Who's Caleb?" Tanong ni Nika. Hindi pa pala niya nakilala ang kakambal ko.

"Kakambal ko na crush ni Aya noong high school kami."

"Si Aizen kasi ang lamang sa kanilang dalawa ni Caleb. Kaya siguro si Aizen ang pinili ko."

Nagsimula na ang seremonya ng kasal nina Aizen at Aya. Naiiyak ako dahil masaya ako para sa kaibigan ko.

"Do you Aizen Evergreen take Aya Collins as your wedded wife?"

"I do."

"Do you Aya Collins take Aizen Evergreen as your wedded husband?"

Wala kaming marinig na sagot si Aya. Huwag mong sabihin ngayon pa siya magdadalawang isip.

"I do."

Mabuti na lang at nag-I do siya. Ngayon na ang exchanging vows na nila.

"We maybe hate each other before pero iba ang nararamdaman ko noon. Hindi ko alam nagkagusto na pala ako sayo pero noong grumaduage tayo ng elementary ay hindi ko alam ang gagawin ko dahil hindi na kita kaklase pero mabuti nakapaglaro ang tadhana para sa atin dahil nagkita ulit tayo. We've been classmates for 10 years. Masaya ako na maging girlfriend ka for 2 years kabit alam natin maraming huhusga sa atin but in the end hindi pala tayo magkapatid." Pero wala naman nanghusga sa pagmamahalan nilang dalawa noon. Dahil ang alam ko tanggap si Aizen ng mga kaibigan at suportado pa sila. "Nagkahiwalay man tayo pero sa hindi inaasahan ay nagkita ulit tayong dalawa on my graduation and after 6 years hindi ko alam na may anak pala ako sayo. Kaya masayang masaya ako na ikaw ang ina ng mga anak ko. I love you."

Kainis naman. Kahit hindi ako ang kinakasal pero nasisira ang make up ko dahil umiiyak ako.

"Kahit malaki ang kasalanan ko sayo noon ay nagawan mo pa rin akong mahalin. Noong nalaman kong may girlfriend ka na ay nasaktan ako ng lubusan dahil ang iniisip ko ay kung huli na ba ako para mahalin mo ulit ako. After 6 years nagkita ulit tayo sa sementeryo pero binalita mo sa akin na ikakasal ka na kaya lalo akong nasaktan dahil may anak tayo. Pero sa tuwing magkasama kayo ng anak natin at nakikita kong masaya siya ay masaya na rin ako. Ikaw lang ang lalaking minahal ko ng ganito. Ikaw lang ang lalaking gusto ko makasama habang buhay. Ikaw lang ang lalaking nagpatibok ng puso ko. I love you."

"And now I pronounce you husband and wife. You may kiss the bride."

Hinalikan na nga ni Aizen si Aya kaya pumalakpak ako. Masaya ako para sa kaibigan ko. Nagpicture na kami kasama ang bagong kasal.

Pumunta na kaming lahat sa reception nila. Maganda dito at siyempre masarap ang pagkain dahil ang kami ang nagluto ng mga ito.

Lumapit na ako sa bagong kasal para batiin sila.

"Congrats sa inyo ah."

"Salamat, Callie." Sabi ni Aya sa akin.

Pabalik na sana ako sa table pero napatingin ako sa table ni Alex. Kaya lumapit ako sa kanya.

"Hello." Tumingin sa akin si Alex na may ngiti sa labi niya. "May nakaupo ba dito?"

"Wala pa naman." Sabi niya. Umupo na ako sa tabi niya.

"Parang ang layo ng iniisip mo ngayon. Ano ba iyon?"

"Hm? Iniisip ko lang kasi malapit na ang graduate ng kapatid ko pero hindi ko alam kung makakarating ako bago ang graduation niya. Ayaw ko naman umasa si Dave."

"Nasubukan mo na bang kausapin si Aizen?"

"Hindi pa dahil alam kong busy si Aizen sa kasal nila ni Aya. Pagkatapos siguro nito doon ko na lang siya kausapin."

"Alex..." Tumingin siya sa akin. Ngayon ko lang napansin ay maganda ang mga mata niya. Kulay tsokolate.

"Yes? May gusto ka bang sabihin sa akin?"

"Yes. May napupusuan ka na ba ngayon? Sa gwapo mong iyan kaya imposibleng walang nagkakagusto sayo."

"Lahat kayo iyan ang tinatanong sa akin. Hindi ko alam kung bakit gusto niyo malaman kung may napupusuan na ako."

"Wow ah. Hindi lang pala ako ang nagtatanong noon."

"Yup. Isa na doon ang kapatid ko." Natatawa na lang siya.

Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Ang bilis ng tibok ng puso. Hindi kaya nagkakagusto ako kay Alex? Kailan ko lang siya nakilala at hindi pa ganoon kilala si Alex.

"Ikaw ba... may napupusuan ka na bang lalaki?"

"Huh? Yep, pero hindi ko magawang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko."

"Bakit?" Nakasalubong na ang mga kilay nito.

"Una sa lahat, hindi siya tatanggapin ng kakambal ko."

"May kakambal ka pala." Tumango ako sa kanya.

"At ang huli, kung sabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko baka hindi siya maging seryoso sa akin."

Napansin kong hindi na nagsalita si Alex.

"Alex?"

"Huh? Sorry. Wala naman masama kung subukan mo dahil kasama rin naman sa isang relasyon ang masaktan."

"Talaga bang NGSB ka?"

"Yes. Why?"

"Hindi halata dahil parang may karanasan ka na magkaroon ng girlfriend at nasaktan ka na noon."

"Sa tagal kong kasama si Aizen siguro doon ko nakuha iyon."

Hindi nga pala naging seryoso si Aizen sa relasyon. Naikwento sa akin ni Aya iyon.

"Change topic. Ayaw ko kasi ganoon ang topic natin." Pagiba ni Alex ng topic namin.

Nagkakatuwaan kaming dalawa ngayon. Inaanin ko masayang kausap si Alex dahil lalo na't nakilala ko siya ngayon. Mabait at mapagmahal siya sa pamilya niya. Sigurado akong maraming babae ang magkakagusto sa kanya.

Definitely YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon