Chapter 11

1.1K 33 0
                                        

Tinawagan ako ni Aizen ngayon dahil ang sabi niya samahan ko daw siya kung ayos lang sa akin. Wala rin naman ako gagawin ngayong araw.

"Bakit mo ba ako tinawagan kanina?" Tanong ko sa kanya.

"Dahil kukunin ko lang ang tuxedo at nandito ka rin naman kaya kunin mo na rin yung sayo."

Oo nga pala. Nagpagawa kaming lahat ng susuotin namin sa kasal ni Aizen. Malapit na rin kasi.

"Paano yung apat?"

"Ang alam ko kinuha na ni Enzo ang kanya kahapon. Yung tatlo hindi ko pa alam kung nakuha na nila."

Pumunta na kami ni Aizen sa gumawa ng susuotin namin. Sinukat na rin namin kung kasya ba sa amin. Yung akin ay sakto lang. Pagkatapos namin kunin ang tuxedo ay nakita kong nakatingin si Aizen sa phone niya.

"What's wrong?" Tanong ko.

"Nakatanggap ako ng text galing sa ospital ngayon. Kailangan kong pumunta sa ospital dahil may kailangan operahan sa madaling panahon."

"Nasaan yung ibang surgeon mo?"

"Day off ng ibang surgeon ngayon kaya onti lang ang naka duty. Kailangan nila ako."

"Okay. Ingat ka na lang. Uwi na rin ako."

Pagkauwi ko sa bahay ay nilapag ko na lang yung tuxedo sa sofa pero dahil wala rin naman akong gagawin ngayon ay nagpasya akong pumunta sa mall ngayon. Habang naglalakad ako ay parang nakita si Aya.

"Aya?" Napalingon siya noong tinawag ko siya.

"Oh, ang akala ko ba kasama ka ni Aizen."

"Yep, pero nagkahiwalay rin kami kasi may emergency ang tumawg sa kanya galing ospital. He has a patient."

Nakita kong nalungkot si Aya. Ganoon kasi kami mga doctor kailangan talaga pumunta kung kailangan ng tulong.

"And day off rin ng ibang surgeon kaya kailangan pumunta ni Aizen." Tumango si Aya. Napansin kong may lumabas na isang babae galing fitting room. "Is she your friend, Aya?"

Ang ganda naman niya. Ano kaya ang pangalan niya?

"Ah, yeah! Si Callie best friend ko." Siya pala yung tinutukoy nila Chuck na kaibigan ni Aya at once na rin nabanggit sa akin ni Aya ang tungkol sa kanya. Maganda siya. "Callie, si Alex."

"Um, nice to meet you." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Huh? Y-Yeah, same with you." Pauutal niya. Bakit naman siya kinakabahan? Wala naman akong gagawing masama sa kanya.

"Hindi ko inaasahan na maganda ka pala sa personal. Naikwnto ka kasi ni Aya sa akin." Napatingin siya kay Aya at ngumisi naman si Aya kay Callie. "Ah, hindi ka naman sinisiraan ng kaibigan mo sa akin. I think I like you."

Huli na noong nagproseso yung sinabi ko kay Callie kani-kanila. Shit, bakit ko naman iyon sinabi?! Nakakahiya.

"Huh? Ano kasi... parang weird kasi... kakilala pa lang natin at hindi pa natin kilala ang isa't isa."

"You're right. Um, how about labas tayo kahit minsan?"

"Hindi ba busy ka sa trabaho mo, Alex?" Tanong ni Aya sa akin.

"Yeah, mahirap talga ang doctor lalo na't head ako ng radiology. Marami rin kasing intern students na tinuturuan ko pero titingnan ko kung kailan ako hindi busy."

Nakita kong ngumiti si Callie. Ang cute niyang ngumiti, sana pumayag siya maging kaibigan ko.

"Okay. Walang problema sa akin."

"Great. Kunin ko na lang yung number mo at tatawagan o text na lang kita kung kailan." Binigay naman niya sa akin ang number niya kaya binigyan ko siya ng missed call. "Save my number. Anyway, I have to go. Nice to meet you again, Callie."

"Yeah, me too."

Nang naglalakad na ako ay hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil nagwawala ang puso ko kanino. Ano iyon? Bakit ganoon?

Pagkauwi ko sa bahay ay humiga na ako agad sa kama para magpahinga. Napagod ako ngayong araw. Biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko sa tabi ko para tingnan. Tumatawag sa akin si Dave, ang kapatid ko.

"Hey."

"Kuya, how are you? Kuya Aizen told us everything."

"Everything's fine. At bakit ka humingi ng tulong kay Aizen ah, Dave?"

"Alam ko kasi siya lang ang tutulong sayo."

"Next time, huwag kang humingi ng tulong na wala akong alam."

"I never say sorry, kuya. Kung hindi ko iyon ginawa ay hindi ka gagaling. Nagaalala na sayo si mama. Paano na lang kung makahanap ka ng babaeng makakasama mo tapos hindi tanggap ang sakit mo?"

Hindi ako makasagot kay Dave ngayon. May point siya doon. Ako itong matanda sa aming dalawa pero parang si Dave na ang mas matanda sa amin.

"What now? Napaisip mo yung sinabi ko kanina sayo?"

"I got it. Tama naman ang sinabi mo sa akin."

"So, nakahanap ka na ba ng babaeng mamahalin mo?"

"Hindi naman ako naghahanap dahil naghihintay akong dadating ang tamang babae para sa akin."

"Sa mabait mong iyan kaya malabong walang magkakagusto sayo, kuya."

"Ikaw nga, Dave magaral ka ng mabuti para makagraduate ka. Ilang araw na lang ay graduation mo muna."

"Uuwi ka ba dito?"

Ngumiti ako kay Dave.

"Uuwi ako pero wala na munang girlfriend ah. At kakausapin ko na muna si Aizen para makabalik diyan sa states."

"Yes! Best gift! Ang gusto ko lang ay magkakasama tayong lahat. Kumpleto."

"Wala pa. Okay? Hindi pa ako siguradong papayag ba si Aizen."

"Papayag iyan. Kaibigan mo siya."

"Sige, Dave. Papahinga na ako dahil maaga pa ako bukas."

"Alright. Good night diyan."

Kinabukasan...

Maaga akong pumasok sa ospital pero dumaan na muna ako sa coffee shop para bumili ng kape. Pagkabili ko ng kape ay hinihintay ko lang ang order ko. Mabuti dumating na agad ang order dahil kailangan ko ng pumasok. Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ay nakita ko sina Aizen at Aya. Pinagtitinginan sila ng ibang tao.

"Bro, bawal PDA dito." Sabi ko sa kanila.

"Inggit ka?" Ako? Inggit? Over my dead body. "Maghanap ka kasi ng girlfriend mo."

"Me? Nah, baka magulat ka na lang may girlfriend na ako kasi may nakilala ako. I know she is the one."

Ano ba itong sinasabi ko? Wala pa akong nakilala na maging girlfriend ko. Wala pa ako nakikita.

Naglakad na ako bago sumagot si Aizen baka hinihintay na ako bg dalawang interns ko.

"Good morning, dr. Alex." Bati nilang dalawa sa akin.

"Good morning. Get ready na ah."

"Yes po."

"Okay na ba yung resulta ng x-ray ng pasyente ni dra. Chelsea?" Tanong ko sa kanila.

"Yes po." Sagot ni Dash.

"Good. Hintayin niyo lang ako para alam niyo ang resulta baka susunod na meeting niyo sa akin ay iyon na huling pagkikita natin."

"Bakit po?"

"Babasyon na muna ako dahil malapit na rin ang graduation ng kapatid ko."

Definitely YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon