Chapter 21

1K 32 1
                                        

Nagising ako sa sinag ng araw. Simula kasi pagkabalik namin sa bahay ay hindi na ako pinapansin ni Callie. Bigla na lang niya sinabi sa akin kagabi na gusto na niya magpahinga. Pumayag naman akong umuwi na kami dahil kailangan rin naman niya ang magpahinga.

Pagkatapos ko kumain ay umupo ako sa sofa. Iniisip ko kung paano suyuan si Callie ngayon.

"May problema ba? Ang lalim kasi ng iniisip mo ngayon." Umupo sa tabi ko si papa.

"Pa, paano niyo po suyuan si mama kung nagtatampo siya sa inyo?"

"Dinadala ko siya sa lugar na gusto niya."

"Mahirap pong gawin iyan para suyuan si Callie. Wala kami sa Pilipinas ngayon."

"Bakit? Ano ang ginawa mo kung bakit nagtampo si Callie sayo?"

"We met Lily last night."

"Kaya naman pala."

"Pa naman. You know Lily is not my ex. Hindi ko nga siya naging girlfriend."

"Kahit na hindi mo naging girlfriend si Lily ay panigurado akong iniisip ni Callie ngayon ay siya ang unang minahal mo bago siya."

"Sinabi ko rin naman sa kanya hindi na mahalaga ang nakaraan ko. At sino po ba nagsabi na minahal ko si Lily noon? I never love her. Sinubukan ko lang siyang ligawan baka makalimutan niya ang ex boyfriend. You know I hate to see a woman crying."

"Lambingin mo na lang siya. Kung nilambing mo siya ay mawawala ang pagtatampo niya sayo."

"Sana po gumana." Tumayo na ako para dalhan ng makakain si Callie baka kasi gising na siya.

Pagkarating ko sa kwarto ay hindi nga ako nagkamali dahil gising na siya. Pero hindi pa rin niya ako pinapasin.

"Babe, talk to me. Hindi ko kayang ganyan--" Namilog ang mga mata ko dahil may napansin akong dugo sa bed sheet. "Callie! Shit, dinudugo ka."

"Ahhh! Alex..." Binuhat ko si Callie at lumabas sa kwarto.

"Dave." Ang kapatid ko kasi ang unang nakita ko.

"Ano nangyari kay ate Callie?"

"Maya na tayo magusap. May alam ka bang malapit na ospital?"

"Yes po."

Sinamahan na ako ni Dave sa malapit na ospital para alamin ang kalagayan ni Callie. Bakit siya dinudugo? Stress? Imposible. Lumabas na yung isang doctor para sabihin sa akin sa nangyari kay Callie at noong sinabi na sa akin ay nanghina ang mga tugod ko dahil mahina ang kapit ng anak namin sa sinapupunan niya.

"Alex." Narinig ko ang boses ni mama kaya agad ko siyang niyakap. "Ayos lang iyan, anak. Tandaan mo yung tinanong ko sayo noon kung mahal mo ba siya hindi dahil sa bata. I know you love her."

"Masakit, ma. Hindi ko man lang nakarga ang sarili kong anak. Bakit nangyari sa amin ito?"

Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko kay Callie pagkagising niya. Ayaw ko naman lumayo siya sa akin.

"You have tell her what happened, Alex."

Pumasok na ako sa loob ng kwarto at nakita ko siyang tulala.

"Callie." Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ko ang isang kamay niya. "Alam kong masakit sayo ang nangyari sa anak natin."

May luhang pumatak sa gilid ng mata niya. Shit, ayaw kong makita siyang umiiyak. Pati ako nasasaktan.

"Maging matatag ka. Kahit nawalan tayo ng anak ay hindi ako lalayo sayo."

Ilang araw ang nakalipas noong nakalabas ng ospital si Callie pero hindi ko na muna siya sa kwarto ko pinatulog baka maalala niya ang sakit nangyari. Kahit rin sa akin ay nasasaktan ako pagnaalala ko ang nangyari. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang nangyari sa amin?! Gusto kong inisip na isa lang itong bangungot na kahit kailan pwede ka magising at gusto ko na rin magising. Pero masakit tanggapin ay hindi ito panaginip.

"Alex." Tumingin ako noong may tumawag sa akin. Si Lory. "Kailan ka pa bumalik?"

"Noong isang araw pa ako nandito. Paano mo nalaman nandito ako ngayon?"

"Sinabi sa akin ni Dave. Kaya noong sinabi niya sa akin kahapon ay tinapos ko agad ang trabaho ko para ngayon." Niyayakap niya ang braso ko. Nakita ko rin lumabas si Callie.

"Lory, si Callie girlfriend ko."

"Himala yata nagkaroon ka ng girlfriend. Akala ko tatanda ka ng binata."

"Siguro noon pero noong nakilala ko si Callie ay nagbago ang lahat."

"Hi. I'm Lory, pinsan ni Alex."

"Hello."

Isa rin makulit si Lory at nasa London ang pamilya niya pero siya ang nandito ngayon.

"You know, Alex... nasa France si Edgar tapos nasa Brazil naman si Frank."

Mga kapatid ni Lory sina Edgar at Frank. Ang lalayo ng mga lugar nila ah at miss ko na ang dalawang iyon. Simulang lumipat kami dito sa states ay wala na akong balita sa kanila. Nagulat na nga lang ako noong nakita ko ulit si Lory.

"Ano pala ang ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Lory.

"Work. Dito ko kasi naisipan nagtrabaho at mabuti na lang natanggap ako."

"Saan ka nakatira?"

"I have a house nearby. Sinadya ko talaga maghanap ng bahay malapit sa inyo para makamusta ko sila tito."

"Thank you, Lory." Pinisil ko ang kanyang pisngi. I always doing this on her. Ang chubby kasi ng pisngi.

"Masakit, Alex."

"Sorry." Tinanggal ko na ang kamay ko habang tumatawa. Humarap na ako kay Callie. "Is there anything you want, babe?"

Binigyan lang niya ako ng iling.

"Tell me if you need anything. Okay?" Tumango lang siya sa akin.

"Mga ilang araw kayo dito?" Tumingin naman ako kay Lory noong tinanong niya ako.

"Maybe 2 weeks." Sagot ko.

"2 weeks?" Takang tanong ni Callie.

"Yes, babe. Don't stress yourself after what happened. Kung magkasakit ka ay hindi ako matahimik at hindi ako makapagisip ng maayos sa trabaho."

"Sinisi mo pa talaga si Callie."

"Hindi pwedeng mapagod si Callie, Lory. We lost our baby."

"Oh, I'm sorry."

"No, it's all right. Nagiging maayos na ang kalagayan ni Callie ngayon unlike before."

"I can't leave my restaurant, Alex."

"You can trust all your employees."

"I trusted them pero hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. A week is enough. But 2 weeks?"

Bumuntong hininga na lang ako. Ayaw ko naman kasi magaway kaming dalawa. Hindi ko alam ang gagawin ko pag nangyari iyon. I love Callie.

"Okay, after tomorrow babalik na tayo ng Pilipinas pero huwag mo pababayaan ang kalusugan mo. Kung ayaw mo kada minuto ay tatawag ako o magtetext sayo."

"Hirap talaga na magkaroon ng boyfriend na doctor." Tumingin ako kay Lory. What she mean?

"Stop it, Lory. Nagaalala lang ako sa kalagayan ni Callie."

"I'm fine. Walang mangyayari sa akin. Promise."

Definitely YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon