Chapter 13

1K 36 0
                                        

Alex's POV

Ang sayang kausap si Callie kaya tuloy pa rin ang kwentuhan namin.

"Kung kasama ka ni Aya sa trabaho so, ibig sabihin doctor ka rin." Tumango ako habang nakangiti. "Saan ka nagtatrabaho?"

"Sa ospital na pagmamay ari ni Aizen."

"Pagmamay ari ni Aizen?!"

"Yep. Co-founder rin ako ng ospital kaya boss rin ako doon pero pantay-pantay lang ang trato namin sa mga staffs."

"Kaya pala nagkaayos sina Aya at Aizen." Natawa ako ng mahina. Tama naman kasi iyon. "Anong department ka?"

"Radiology."

"Masaya ba maging doctor?"

"Sobrang masaya dahil marami kang tao naliligtas." Sabi ko habang nakangiti pa rin. "Ano ang trabaho mo?"

"Chef naman ako. Yung mga pagkain nakahanda dito ay kami ang gumawa."

"Really. Kaya naman pala masarap."

"Bolero." Natatawang sabi nito.

"Totoo kaya."

Pero napansin kong nakatingin sa amin si Luca. No, nakatingin siya kay Callie. Don't tell me he likes Callie.

"Callie." Tawag ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin. "Do you like Luca?"

Namilog ang mga mata niya. Totoo nga ang iniisip ko. Si Luca pala ang gusto niyang lalaki.

"Bakit mo naman biglang tinanong iyan sa akin?"

"Just answer my question. Not ask me another question." Naging seryoso ang mukha ko ngayon. Ngayon ko na napaisip na gusto ko si Callie.

"Sorry." Yumuko siya sa akin. "Hindi naman kailangan malaman ang tungkol diyan."

"I have to know because I really like you, Callie."

"Ayan ka na naman, Alex. Ngayon lang ulit tayo nagkausap."

"Hindi. Seryoso na ako ngayon dahil napaisip kong gusto na kita." Nakayukom ang mga kamao ko. Dahil hindi ko tanggap na magiging karibal ko ay isa sa mga kaibigan ko.

Nakita ko ng tumayo na si Aizen para sa speech niya. Nagpasalamat na siya sa amin at hindi lang iyon dahil buntis pala si Aya ngayon. Masaya ako para sa kanila.

Pagkatapos ng reception ay nagpaalam na ako sa kanila dahil gusto ko ng umuwi.

"Alex.." Huminto ako noong may tumawag sa akin. "Hindi ko alam kung ano ang sasagutin ko sayo."

"You don't need to answer my feelings. Alam ko namang mahal mo talaga si Luca." Naglakad na ulit ako para sumakay ng sasakyan. "Damn!"

Minsan ka na nga lang magmahal sa maling babae pa.

Kinabukasan...

Dahil wala si Aizen ngayon kaya ako na muna ang bahala dito sa ospital. As a vice niya. Habang naglalakad ay nakita ko si Luca. Ano ang ginagawa niya dito?

"Pre, pwede ba tayo magusap?" Seryoso na ang mukha ni Luca ngayon.

"Okay. Doon tayo sa coffee shop." Nauna na ako naglakad patungo sa coffee shop, umorder na rin kami ngayon. "Ano ba ang gusto pagusapan natin?"

"May gusto ka ba kay Callie?" Biglang tanong nito sa akin.

"Ano na lang ang gagawin mo kung may gusto ako sa kanya?"

"Tsk. Matagal na ako may gusto kay Callie pero hindi ko lang masabi sa kanya dahil sa kakambal niya. Galit si Caleb sa akin dahil kaibigan ako ni Aizen at hindi naging seryoso sa ibang bagay. Tapos ikaw kailan mo lang nakilala si Callie. Wala akong laban sa kabaitan mo."

"Sinisi mo pa sa akin ang pagiging mabait ko ngayon."

Dumating na yung order naming kape kaya uminom na ako.

"Kung wala ka ng sasabihin sa akin ay babalik na ako sa ospital dahil marami pa akong pasyente na kailangan asikasuhin." Tumayo na ako at kinuha ko na yung kape ko.

"Walang kaibigan-kaibigan dito ngayon, Alex. Tingnan natin kung sino ang mahal ni Callie."

"I refused. Hindi ako makikipaglaban sayo kung sino ang mamahalin niya." Sabi ko bago iniwanan si Luca.

"Doc." Tumingin ako sa dalawang interns ko.

"Ito na ang huling araw na tuturuan ko kayo kaya galingan niyong dalawa."

Nagsimula ko ng turuan sila pero hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Luca. He wants to compete me. Desperado siya kay Callie dahil mahal niya. Ang problema lang nila ang kakambal ni Callie.

Pagkatapos kong turuan sila ay nagra-rounds na ako sa mga pasyente. Pero napatingin ako sa phone ko dahil may message galing kay Aizen. Hindi na niya sana muna isipin ang ospital ngayon dapat ay magenjoy silang dalawa sa honeymoon.

From Aizen;

I need your help.

Kumunot ang noo ko sa text niya sa akin. Wala sana mangyaring masama sa kanila. Matawagan na nga lang siya.

"Bakit ganoon ang message mo?"

"Inaasar ko lang naman si Aya kanina pero mukhang sineseryoso niya."

"Baliw ka ba, Aizen? Alam mo namang buntis ang asawa mo at sensitive sila."

"Tama ka. Nawala lang sa isip ko ang pagiging sensitive niya. Ano ang gawin ko?"

"Gumawa ka ng paraan. Tutal nasa cruise naman kayo gumawa ka ng pagkain na gusto niya."

"You gave me an idea. Sa upper deck?"

"Pwede din." Napatingin ako dahil may pasyente na ako. "Kailangan ko ng ibaba ito, Aizen."

Pagkatapos ng trabaho ko ay nakita ko si dra. Chelsea palabas rin ng isang kwarto ng pasyente niya pero mukhang napansin niya ako.

"Uuwi na ba kayo, dr. Alex?" Tanong niya sa akin.

"Oo, gusto ko na rin ang magpahinga sa bahay."

Masyado ako naging busy lalo na't wala si Aizen ngayon. Ang hirap pala maging boss dahil ang daming gagawin.

Dahil bihira lang ako magdala ng sasakyan kaya sabay na kami ni dra. Chelsea magabang ng taxi.

"Malayo ang tirahan mo, Chel kaya ikaw na muna ang sumakay ng taxi."

"Ang gentleman mo naman." Pinagbuksan ko pa siya ng pinto para makapasok na siya sa loob ng taxi. Alam ko rin naman pagod siya sa dami niyang pasyente.

"Ingat ka." Kumakaway ako habang nakangiti sa kanya.

Habang naghihintay ng taxi ay parang nakita ko si Callie kaya sinundan ko siya. Ang bilis niya maglakad parang may tinatakasan. Kung meron man, sino? Nagulat na lang ako noong tumakbo kaya tumakbo na rin ako para mahabol siya.

"Callie, wait!" Nahawakan ko ang wrist niya para huminto siya sa pagtakbo. Mukhang kinapos ako ng hininga dahil hindi ako sanay tumakbo ng mabilis.

"Anong kailangan mo sa akin?"

"Bakit ka tumatakbo kanina na parang may tinatakasan ah?" Kunot noo kong tanong sa kanya pero nakayuko lang ito ngayon. "Callie, sagutin mo ang tanong ko."

"Mind on your business." Nagulat ako noong hinawi niya ang kamay niya. Galit ba siya sa akin? May nagawa ba akong mali? Wala akong naalalang may nagawa akong mali sa kanya.

"Kung may nagawa man akong mali... sorry." Sabi ko bago naglakad palayo sa kanya.

Definitely YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon