Chapter 25

1.1K 33 0
                                        

Alex's POV

Bumisita ako ngayon sa clinic ni Aizen at mabuti na lang ay wala siya masyadong pasyente ngayon pero kitang kita busy siya.

"Bakit hindi ka mag-hire ulit ng assistant, bro?" Tanong ko sa kanya.

"Thanks but no thanks. Aya is only my assistant."

"Talagang gusto mo si Aya lang ang assistant."

"Of course. Madaling turuan si Aya. Kung maghahanap ako ng palit niya ay baka sumuko na agad ako."

"Okay. Bakit mo pala ako pinapatawag?"

"Here's your new schedule for next month." May inabot siyang papel sa akin kaya kinuha ko naman sa kanya at binasa ang magiging schedule ko.

"Bakit naman yata mas marami pa ang rest day ko kaysa work day. Hindi ko ito gusto, Aizen." Binalik ko sa kanya ang papel.

"I'm the boss here, Alex. Sundin mo lang ang nakalagay diyan at magkakaroon ka pa ng oras kay Callie. Ayaw mo ba iyon?"

"Gusto pero nakakabagot sa bahay kung wala akong ginagawa."

"Okay, dagdagan ko ang work day mo kaysa rest day."

"How about 4 days work day and 3 days rest day? Okay na sa akin iyon."

"Alright. Ikaw na nagsabi kaya wala ng bawian."

Kibit balikat na lang ako. Ang bilis talaga ng panahon dahil malapit na ang anniversary ng ospital ba ito. Akalain mo iyon 6 years na ang ospital. Pagkatapos ng paguusap namin ni Aizen ay bumalik na ako sa radiology department. Ang dami nga namin ginagawa ngayon tapos may pasyente pa akong kailangan puntahan sa mga kwarto.

"Alex, hindi ka pa uuwi?" Tanong ni Aizen. Dumaan siya sa department ko. Tiningnan ko yung oras, kanina pa pala natapos ang work day ko. Hindi ko man lang napansin and shit, nakalimutan ko si Callie.

"Uuwi na rin ako." Nilabas ko ang phone ko sa bulsa at nakita kong ang daming missed calls at messages galing kay Callie.

"Sige, mauuna na ako sayo ah." Tumango ako sa kanya bago buksan ang message.

"From Callie;

Anong oras ka pupunta ng restaurant ngayon?

From Callie;

Dapat nandito ka na sa ganitong oras ah.

From Callie;

Hindi ka ba pupunta ngayon, Alex?

From Callie;

Busy ka ba sa trabaho mo?

From Callie;

Okay lang na hindi mo ko sunduin ngayon basta huwag mo lang pagurin ang sarili mo ah. :)

Marami pang message galing sa kanya pero hindi ko na inabalang basahin lahat. Nawala na talaga sa isip ko na kailangan kong sunduin siya pagkatapos ng duty ko. Nagpasya na rin akong tawagan si Callie.

"Mabuti tumawag ka. Nagaalala ako sayo dahil ni isa walang reply. Ayos ka lang ba, Alex?"

"I'm fine, babe. Sorry kung ngayon lang ako nakatawag sayo at sorry rin dahil hindi kita nasundo ngayon."

"Busy ka ba masyado ngayon? Ibaba ko na ito."

"No, wala na rin naman akong ginagawa ngayon. Nakauwi ka na ba? Kung hindi pa--" Napahawak ako sa dibdib ko dahil biglang sumakit na naman. Bakit ganoon? Nagpaopera na ako pero bakit sumasakit ulit?

"Alex?" I groaned softly dahil sobrang sakit ng dibdib ko ngayon. Parang nasusunog na hindi ko maintindihan. "Alex, okay lang ba?"

"Y-Yeah, I'm fine. Sorry kung pinagaalala kita."

"You sure?"

"Yes. Anyway, pwede ka ba pumunta sa bahay mamaya?"

"Oo naman. Para sayo." Ngumiti ako kahit hindi naman ako nakikita ni Callie.

Nang nakauwi na ako ay nagpapalit na ako ng damit pero may narinig akong nagdodoorbell kaya bumaba na ko para buksan. Ngumiti ako pagkabukas ko ng gate.

"Pasok ka." Pag alok ko sa kanya.

"Nagdala ako ng pagkain mo baka kasi hindi ka kumakain ng hapunan." May dala kasi siyang paper bag at tiningnan ko ang mga dala niya. Nakakagutom naman.

"Salamat sa pagdala ng pagkain. Sobrang pagod na ako para magluto pa, eh at iniisip kong magpadeliver na lang."

"Huwag ka na magdeliver. You can call me anytime at ako na ang magluluto ng makakain mo."

"Ayaw ko naman pagurin mo ang sarili mo."

"No, I'm fine. Palagi mo ko pinapasaya kaya ako naman ang gagawa ng paraan para sumaya ka, Alex." Pinapaupo na niya ako sa harap ng hapag. Pinaghandaan na rin niya ako ng plato, nilagyan na rin niya ng kanin at ulam.

"You don't have to do that, Cal."

"I insist, babe." Hinalikan ko siya sa pisngi. "Kain ka lang diyan."

Pagkatapos kong kumain ay sobrang busog ko dahil ang sarap ng niluto ni Callie para sa akin.

"Thank you sa pagkain ah."

"Anything for you." Pinalibot niya ang kanyang kamay sa leeg ko para yakapin ako mula sa likod. "Nabusog ka ba?"

"Sobra pa nga. Ang hirap na tumayo dahil sobrang busog ko."

"Gabi-gabi ko iyan gagawin sayo pag kinasal na tayong dalawa."

"Hindi pa tayo engage tapos kasal na agad." Pabiro ko. Nasa plano ko na ang pagpapakasal basta si Callie ang bride ko.

"Ayaw mo ba?"

"Siyempre, gusto ko. Kung ikaw pa naman ang magiging bride ko." Ngumiti ako sa kanya pero nawala agad iyon na parang bula. May isang bagay pa akong gustong mangyari pero depende pa rin kay Callie.

"May problema ba, babe?" Bumalik ang ngiti ko noong tinatawag niya akong babe. Kinikilig ako kung si Callie tumatawag sa akin ng ganoon.

Kinabukasan...

Nagising ako sa sinag ng araw at inaalala ko ang mga nangyari kagabi. Tumingin ako sa katabi ko ngayon dahil sobrang himbing ng tulog niya. Pagkabangon ko ay bigla na naman sumakit ang dibdib ko. Bakit?! Kainis! Akala ko success ang operasyon pero hindi pala. Binuksan ko yung drawer sa tabi para kunin ang gamot ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa ito tinatapon pero ngayon alam ko na ang dahilan.

"Alex?" Lumingon ako sa likuran sabay ngiti sa kanya.

"Gising ka na pala. Good morning."

"Are you okay? You look pale." Namumulta na ba ako? Hindi talaga successful ang operasyon noon. Bakit hindi sinabi sa akin ni Aizen?! "Alex, dalhin na kita sa ospital. Hindi ko kayang ganyan ka."

"M-May alam ka?" Shit, ang sakit na ng dibdib ko na parang nasusunog ang puso ko.

"Yes. Sinabi sa akin ni Aizen na hindi 100% success ang operasyon mo noon pero gumagawa siya ng paraan para mabuhay ka."

"Will you stay at my side, Cal?" Mahinang tugon ko.

"Of course. Hinding hindi kita iiwan kahit anong mangyari." Napipiyok na ang boses ni Callie. Umiiyak na siya.

Pero sobrang sakit ng dibdib ko. Hindi ko na kaya ang sakit.

And everything went black.

Definitely YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon