Chapter 5

1.3K 31 0
                                        

Gusto ko lang magpasalamat sa mga nagbabasa ng stories ko simulang Mafia's series and sequels hanggang sa mga bagong stories ko. =)

~~~~

Callie's POV

Nakita kong nandito na pala si Aya para kunin si Mykiel pero kasama na naman niya si Aizen. Akala siguro hindi ko malalaman na may naghahatid sa kanya pagkauwi. Ano iyon? Bumabawi kay Aya pagkatapos niyang iiwan ang kaibigan ko? Kakaiba talaga ang lalaking ito.

Tumalikod na ako pero nakita kong sumisilip sa itaas si Caleb.

"Bakit ka sumisilip lang diyan? Hindi ka bumaba dito."

"Si Aizen ba yung kasama ni Aya?"

"Hindi ako sigurado kung siya ba talaga iyon dahil 6 years na rin noong huling kita ko sa lalaking iyon."

Baka nga maitapon ko lang siya sa universe pag nakita ko siya. Pagkatapos niyang saktan si Aya tapos magpapakita sa kaibigan ko. Hindi ko siya mapapatawad. Akala niya ah.

"Siya ba ang ama ni Eizen?"

"Bakit ako ang tinatanong ko? Dapat si Aya, hindi ako."

Ngayon ko lang naisip ang tungkol doon. Ang pangalan ni Mykiel ay Eizen Mykiel. Magkatunog ang pangalan nila ni Aizen, iniba lang ang isang letra sa pangalan ni Mykiel. Onti na lang magiging detective na ako.

"Nakakasigurado lang ako dahil ikaw palagi ang kasama ni Aya. Baka may alam ka kung sino ang ama ni Eizen."

"Walang nababanggit si Aya tungkol sa ama ng bata. Ayaw naman sabihin sa akin pero sasabihin ko sayo kung sino kung handa na si Aya sabihin kung sino.

"Hindi ko naman pipilitin si Aya kung ayaw niyang sabihin sa akin kung sino ang ama ni Mykiel." Tumingin ako kah Caleb dahil nakakunot ang noo nito. "Bakit? May balak ka ba maging ama ng bata?"

"Kilala ko rin si Aya, Callie. At saka palagi ako nirereject noon dahil alam ko naman hanggang ngayon ay mahal pa rin niya si Aizen."

"Paano mo naman nasabing mahal pa rin niya si Aizen?"

"Sa tingin mo ba sa daming nangliligaw sa kanya ay wala niisa sa kanila ang sinagot ni Aya. Sa tagal namin magkasama noon at isa rin ako sa mga lalaking nireject niya."

Sabagay may point naman doon si Aya. Maganda ang kaibigan ko kaya imposibleng walang nagtangkang mangligaw sa kanya noon.

"Pero kung nasaktan talaga siya sa nangyari sa kanila ni Aizen kung bakit sila naghiwalay. Bakit ka pa maghahanap ng ibang lalaki kung alam mo namang masasaktan ka?" Naka-cross arms ako habang nakatingin pa rin sa kanya.

"Being hurt is also a part of a relationship, twin. Hindi mawawala iyon."

"Bakit? May karanasan ka na ba pumasok sa isang relasyon at nasabi mo ang mga bagay na iyan?"

"Hindi. Alam mo naman wala pa ako naging girlfried. Kung meron man ako naging girlfriend ay malalaman mo naman iyon dahil palagi siyang kasama."

"Malay ko bang ihatid mo siya sa kanila bago ka umuwi dito."

"Ayaw ko na rin makipagtalo pa sayo, Callie. Hindi matatapos ang usapan na ito." Naglakad na si Caleb papunta sa kusina. Siya kasi yung nagluluto palagi ng hapunan namin. Ako sa agahan, siya sa hapunan. Wala sa pananghalian dahil pareho kami wala sa bahay. Yung mga parents pala namin ay nasa abroad at doon nagtatrabaho. Sinabihan na namin sila na umuwi na dito sa Pilipinas pero ayaw nila. "Nga pala, Callie."

"Bakit? May kailangan ka sa akin?"

Humarap si Caleb sa akin na may hawak na kawali.

"May gusto ka ba kay Luca?" Napakurap ako sa tanong nitong kakambal ko. "Hindi ka pwede magsinungaling sa akin dahil kilalang kilala kita."

"Paano mo nalaman ang tungkol diyan? Wala naman akong pinagsasabihan ah."

"Sabi ko nga sayo kilalang kilala rin kita." Humarap na ulit siya sa kalan para magsimula na magluto. "Kakambal mo ko kaya madali kang basahin at obvious naman."

Tsk. Hindi ako pwede magsinungaling kay Caleb dahil kilala namin ang isa't isa.

"Yes, you're right. May gusto nga ako kay Luca. May problema ba tayo?"

Hindi na sumagot pang muli si Caleb. Ano iyon? Hinihintay lang niya ang sagot ko? Bad trip rin minsan si Caleb.

"Huy, Caleb."

"What?" Ang taray naman. Sarap batukan at daig pa ang babae sa tarayan.

"Bakit hindi ka na sumasagot kanina?"

"Gusto ko lang makasigurado."

"Makasigurado?" Kumunot ang noo ko. Bakit naman gusto niya nakasigurado? Dahil ba loko-loko si Luca at hindi magiging seryoso? Alam ko naman iyon pero kung gusto ng isang tao ang magbago ay magbabago talaga sila. Sana nga ganoon din si Luca.

"I want to make sure." Nilapag na niya ang mga niluto niya sa table.

"Ininglish mo lang yung sinabi mo kanina."

"Yes."

Nagsimula na kaming kumain na dalawa. Ang tahimik talaga ni Caleb.

"Anyway, Callie baka bukas ay gagabihin akong uuwi kasi may kailangan akong asikasuhin. Malapit na rin kasi ang hearing. And by next month, depende kung pwede ako."

"Sobrang busy mo naman."

"Wala ako magagawa diyan. Marami ang kumukuha sa akin bilang abogado nila."

Isang magaling na abogado itong si Caleb kaya pinagaawagan siya ng mga nagiging kliyente niya.

Kinabukasan...

May investors na gusto maging kasama ang restaurant ko kaya kailangan ko pumunta doon ngayon.

Nandito na ako ngayon para kausapin ang boss ng kumpnyang ito. Medyo kabado ako, paano na lang kung hindi tanggap ang restaurant? Pero sila nga ang gusto kumuha sa amin, hindi ako. Pagkapasok na pagkapasok ko ay nagulat ako dahil nandito rin si Luca. Huwag niyong sabihin dito siya nagtatrabaho.

"Callie. Hi."

"Hindi ko alam na dito ka pala nagtatrabaho."

"Sorry kung hindi ko sinabi sayo kung saan ako nagtrabaho."

"Hindi mo naman kailangan sabihin sa akin."

"Ano pala ang ginagawa mo dito ngayon?"

"Kailangan kong kausapin yung boss niyo kasi ang sabi ng empleyado ko ay kailangan ko daw pumunta dito.

"That's great. Samahan na kita sa opisina."

Mas okay na rin siguro kung samahan ako ni Luca sa opisina kaysa naligaw ako.

"Hi, sir Luca." Bati ng isang babae. Huwag niyong sabihin maraming babae ang may gusto kay Luca.

"Hello." Balik bati ni Luca sa kanya.

Naririnig ko ang bulungan ng iba na ano daw ba ang girlfriend ni Luca. Wala kami ni Luca. Kakilala lang niya ako dahil pareho kami pinasukan noong high school. That's all.

"Luca." Tumingin si Luca sa akin pagkasakay namin sa elevator. "May alam ka bang kung bakit kami ang kinuba para dito?"

"I recommended them about your restaurant. Kahit alam ko naman ayaw sa akin ng kapatid mo ay gusto ko lang tumulong sayo."

Huwag kang ganyan, Luca baka lalo ako mahuhulog sayo. Ayaw ko rin naman ang masaktan dahil sa hindi ka maginv seryoso sa akin.

Definitely YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon