Mabuti na lang makakabalik na ulit ako sa ospital dahil nababaliw na ako walang ginagawa sa bahay. Habang naglalakad ako ay nakakapagtataka dahil wala kahit anong tao makita ngayon sa lobby o sa labas man lang ng ospital. Nasaan na mga tao? Kaya dumeretso na ako sa department ko.
"Welcome back, dr. Alex!" Napakurap ako pagkabukas ko ng pinto. Nandito silang lahat at yung iba ay may hawak na banner.
"Let me guess, si Aizen ang pakulo nito." Natatawang saad ko. Naalala ko yung sinabi niya sa akin noong nasa reception kami.
"Sabi ko naman sayo na sabay kami magsasabi ng welcome back sayo pagkabalik mo dito sa ospital." Sabi ni Aizen.
"Thanks, guys."
"Miss ka namin, dr. Alex." Sabi ng ibang radiologist. Kasamahan ko sila kaya ganyan.
"Palagi niyo naman ako nakikita pero hindi bilang doctor, kundi isang pasyente."
"Mabuti nakabalik ka na dahil ang mga kasama mo dito ay hindi alam ang gagawin nila. Ang dami na kayang nasirang gamit dito sa radiology." Sumbong sa akin ni Aizen. Kahit wala siyang pakialam sa ibang department pero trabaho niyang alamin ang nangyayari. This is his hospital.
"Ano ba iyan. Kakabalik ko lang problema na agad ang sumalubong sa akin. Lagot kayo sa akin pag ako hindi agad nakauwi ng maaga." Napakamot na lang ako ng ulo dahil kailangan magpalit ng bagong equipment dito.
"Bakit? Takot ka na ba kay Callie?" Binigyan ko ng kibit balikat si Aizen.
"Nagiging amazona na kasi."
"Normal lang iyan dahil ganyan din si Aya sa akin noon." Sabi niya bago tinapik ang balikat ko. "So paano? Balik na kami sa kanya kanyang trabaho."
"Mabuti pa nga dahil marami pa kaming gagawin dito."
"Guys, balik na tayo sa trabaho natin. Marami pang pasyente na kailangan tingnan." Sabi ni Aizen at lumabas na ang iba na hindi naman kasama sa department ko.
"Ugh. Back to work!"
Pumasok ka nga pero hindi ka naman pinagtatrabaho. Bumalik ako dito para magtrabaho hindi yung bantayan ang mga kinikilos nila. Binayaran ako para magtrabaho. Tsk.
"Dr. Alex..." May isang intern ang pumunta dito. Hindi ko alam kung anong department niya pero alam kong intern siya.
"Alam mo naman siguro kung ano ang patakaran sa ospital, diba? Bawal tumakbo sa loob ng ospital."
"Sorry po. Yung asawa niyo daw po manganganak na at ayaw pumasok sa loob ng delivery room hanggat wala ka daw doon."
"What?!" Nagulat ako dahil manganganak na si Callie, nandito na yung kambal. At tinotoo talaga niya yung sinabi niya sa akin na hindi niya ipapanganak ang kambal pag wala ako. Damn. "Okay, pupunta na ako doon."
Tinanggal ko na yung doctor attire ko at tumakbo para makarating agad sa delivery room. Pagkarating ko doon ay boses agad ni Callie naririnig ko.
"Hindi ko ilalabas ang kambal hanggat wala sa tabi ko so Alex!" Sigaw ni Callie. Ang ito ang nahihiya sa pinaggagawa ng asawa ko.
"Misis, hindi po pwede." Sabi ng isang nurse.
"Hindi! Hindi ako manganganak! Shit! Alex, nasaan ka na ba?!"
Napakamot ako ng ulo bago lumapit sa kanila.
"I'm here, babe." Hinawakan ko ang kamay niya. "Maghihintay ako dito sa inyo. Okay?"
"No! Gusto kong samahan mo ko sa loob." Nagbuga ako ng hangin bago tingnan ang nurse.
"But doc..."
"Please, baka totohanin ng asawa ko na hindi ipanganak ang kambal namin."
Wala na rin magagawa ang nurse kaya sumama na ako sa loob. Ako yung nasasaktan dahil ang higpit ang pagkahawak ni Callie sa kamay ko habang umiire siya. Nakarinig na rin ako ng iyak ng isang sanggol, nandito na yung isang anak namin. Maya't maya ay may narinig ulit akong iyak ng isang sanggol. Nandito na ang kambal namin.
"Babe.." Tumingin ako kay Callie na ngayon ay pagod na siya.
"Magpahinga ka na muna, babe." Sabi ko sa kanya saka niya pinikit ang mga mata niya.
Maya-maya ay dinala na si Callie sa isang private room para makapagpahinga na siya. Hindi ko pinapasok yung ibang kaibigan ko dahil magiingat lang iyon dito pero ang mga magulang namin ni Callie ay pinapasok ko sa loob dahil gusto nila makita ang kambal. Ngayon ay karga ko na ang anak naming babae. Nakakatampo nga dahil wala man lang masyado nakuha sa akin ang kambal. Hmph!
"Yay! Hello, baby ako ang magiging future husband mo." Sabi ni Mykiel kaya tumawa si Aizen pero binatukan naman siya ni Aya. Babatukan ko na nga rin si Aizen pero naunahan ako.
"Aray, wifey naman."
"Kung anu-ano ang pinagsasabi mo sa bata."
"Wala akong ginagawa. Kagustuhan ni Mykiel iyan."
"Baby pa ang anak ko, Aizen kaya huwag kang ano."
"Huwag akong ano?"
"Basta. Alam mo na yun."
"Tito Alex, ano po ipapangalan niyo sa baby?" Napatingin ako kay Mykiel. Hindi pa pala namin pinaguusapan ni Callie tungkol sa pangalan ng kambal. "Kung wala pa po, ako na lang ang--"
"Lad, hush." Binuhat na siya ni Aizen.
"Bakit po, daddy?" Inosenteng bata na akala mo walang kasalanan, eh.
"Ako ang papagalitan ng mommy mo pagginawa mo iyan."
"No, it's alright. Ano ang i-suggest mong pangalan niya?" Tanong ko kay Mykiel kaya napatingin siya sa gawi ko.
"Um, Aileen po."
"Aileen? I like that name. Great choice, Mykie." Napalingon ako sa likuran dahil gising na si Callie.
"Gising ka na pala, babe."
"Kanina pa ako gising at nakikinig lang ako sa mga pinaguusapan niyong tatlo."
"Aileen and Allen. Ayos ba iyon, babe?"
"Yes. Gusto ko rin ang binigay mong pangalan sa anak nating lalaki, Al." Ngumiti ako kay Callie.
"Playmate po namin ni Aiden si Allen tapos silang dalawa naman ni Irene at Len-Len."
"Len-Len?" Sabay kaming lahat sa tawag ni Mykiel kay Aileen.
"Yes po. Iyon po ang tawag ko sa kanya. Len-Len."
Ang bata pa itong anak nila Aizen pero kung magisip ina na. Pero pag nasubrahan naman sa kadaldalan nagiging inosente.
Palihim na lang akong natawa.
"Welcome, Aileen and Allen." Hinalikan ko silang pareho sa maliliit nilang pisngi.
"Aya, sino pala kasama ng kambal niyo?" Tanong ni Callie.
"May babysitter ang kambal at hindi naman namin pwede isama baka makakuha sila ng sakit."
----THE END----
~~~~
Tapos na! Catching Her Heart will be publish later. Kaya abangan niyo na agad hahaha! Enzo's story.
AyaZen's story: In A Relationship With My Step Brother and Married With My Ex
-Skye
BINABASA MO ANG
Definitely Yours
RomanceAno na lang ang gagawin mo kung magkagusto ka sa isang lalaki na mukhang hindi seryoso sa isang bagay? Pipilitin mo pa rin ba ang sarili mo para makuha siya? O magagawan mo magmahal sa ibang lalaki na kabaliktaran ng first love mo? Meet Callie Tan a...
