Chapter 16

1K 31 0
                                        

Alex's POV

Nagulat ako noong makita ko si Callie pero mukhang nakita niya rin ako nakatingin sa kanya dahil nagtago siya sa likod ng puno. Iniwanan ko na si Luca pero huminto sa paglalakad nang nasa tabi na ako ng puno kung saan nagtatago si Callie.

"Alam kong narinig mo ang pinagusapan namin." Narinig ko ang paghinghap niya bago tumingin sa akin. "Hindi ko alam kung bakit mo kami sinundan hanggang dito."

"Nagaalala ako sayo baka kasi may gawing masama si Luca. Hindi nga ako nagkamali." Hinawakan niya ako ang mukha ko kung saan ang may galos. "Sorry. Dahil sa akin kaya sinuntok ka niya."

"Hindi mo naman kasalanan. I did provoked him." Naglakad na ulit ako para magpaalam na aalis.

"Alex, wait!" Hindi ba talaga titigil si Callie? Kailangan talaga niya malaman ang totoo.

"Ano?" Tiningnan ko siya habang nakakunot ang noo ko. "Hindi ka ba talaga titigil?"

"Wala na ba talaga? Alam naman nating dalawa na mabal mo pa rin ako."

Hindi ko pwedeng tanggihan iyon dahil narinig niya ang sinabi ko kanina.

"Yeah, tama ka. Mahal pa rin kita pero hindi ko naman ipagpipilit ang sarili ko sa isang tao na---"

"Mahal rin kita, Alex."

"Mahal? Hindi mo ko maloloko, Callie. Alam ko naman na siya ang mahal mo, hindi ako."

"Ikaw pa nga ang nagsabi na huwag ipagpilit ang sarili sa ayaw. Siguro nga tama ka na mahal ako ni Luca pero noong sinabi mo sa akin na seryoso ang nararamdaman mo para sa akin ay doon ako napaisip dahil hindi mawala sa isip ko yung sinabi mo sa akin. Hinintay ko ang pagbalik mo pero hindi ko naman alam bumalik ka na pala."

Wala naman talaga ako balak bumalik pero pinilit ako ng pamilya ko na bumalik dahil tinatanong sila ni Aizen kung kailan daw ako babablik. Alam rin ng pamilya ko kung bakit wala na akong balak bumalik ng Pilipinas.

"Wala akong balak bumalik dito kung hindi ako pinilit ng pamilya ko. Kung hindi rin ako hinahanap ni Aizen."

"Huli na ba ako, Alex?"

"Anong huli ang pinagsasabi mo diyan?"

"May girlfriend ka na."

"Girlfriend?" Lalo tuloy kumunot ang noo ko. "Ah, si Chelsea. Hindi ko siya girlfried. Walang pagitan sa aming dalawa dahil kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Kung iniisip mo kung bakit ko siya kasama kanina... simple lang dahil kasama ko siya sa trabaho at nagpumilit na sumama dito."

"May gusto akong sabihin sayo." Sabi nito habang nakayuko.

"Kung nay gusto kang sabihin sa akin dapat nakatingin ka sa akin hindi yung nakatingin ka sa ibaba." Tumingala siya para tingnan ako. Nagulat ako noong may luhang tumutulo sa mga mata niya. Pinunasan ko agad ang luha niya. "Bakit ka umiiyak?"

"Hindi ko rin alam."

"Weird. Pero ano ba iyong sasabihin mo?"

"Noong tinanong ako ni Aya kanina kung hanggang kaibigan lang ba ang tingin ko sayo pero hindi ko talaga alam ang sagot kung hanggang kaibigan lang ba talaga."

"Ibig sabihin hindi mo rin alam kung mahal mo talaga ako."

"Hindi. Sigurado na ako pagkatapos ko marinig ang pinagusapan niyo ni Luca kanina."

"Tsk." Lumapit ako sa kanya pero unaatras siya hanggang wala na siya maatrasan pa. Puno na kasi ang nasa likod niya at hinalikab ko na rin siya sa labi. "Dahil ninakawan mo ko ng halik noon kaya hahalikan kita kahit kailan ko gusto. Kahit sa harap pa ng maraming tao."

"Hindi ka ba nahihiya? Wala tayong relasyon tapos hahalikan mo ko."

"You're right. At ikaw lang pa lang ang unang babaeng nagtanggkang halikan ako."

"First kiss mo?"

"Malamang. Wala pa naman ako naging girlfriend kahit noon pa."

Bumalik na ako kila Aizen para magpaalam na dahil gusto ko na rin ang umuwi.

"Saan ka galing, Alex?"

"Nagpahangin lang muna ako kanina. At magpapaalam na rin sana ako dahil kailangan ko ng umuwi."

"Sige. Salamat sa pagpunta."

Pumunta na ako kung saan ko pinark ang sasakyan ko pero laking gulat ko noong makita si Callie.

"Ano ang ginagawa mo dito?"

"Sama ako sayo uuwi."

"Nagpaalam ka na sa kanila na uuwi ka na?"

"Tatawagan ko na lang si Aya mamaya na umuwi na ako ng maaga."

"Sakay." Pinagbukas ko siya ng pinto sa passenger's seat at sumakay naman siya agad. Sumakay na rin ako sa driver's seat bago patakbuhin ang makina.

"May tanong ako sayo, kung ayos lang."

"Go ahead."

"Bakit hindi mo sinasbi sa ibang tao ang tungkol sa sakit mo?"

"Dahil sa ayaw ko. Hindi ko na iniisip noon na may sakit ako pero lalong tumatagal ay sumasakit ang dibdib ko."

"Kailan ka ba magkaroon ng sakit sa puso?"

"Since birth. Kaya noong maliit pa ako ay palagi lang ako nasa loob ng bahay. Noong lumalaki ako ay gusto ko maging normal na teenager. Katulad nga ng sinabi ko kanina hindi ko iniisip na may sakit ako."

"May iba pa bang paraan para gumaling ka?"

"Okay na ako ngayon. Napapilit ako ni Aizen na magpaopera noon."

"Mabuti naman kung ganoon."

"Mamahalin mo pa rin ba ako kung hanggang ngayon ay may sakit pa rin ako?"

"Huh?" Tumingin ako sa kanya noong naipit kami sa traffic. "Oo naman. Aalagaan kita at hindi kita iiwanan."

Ngumiti ako sa sagot niya. Iyon ang gusto ko sa isang babae ang hindi niya ako iiwanan kung malaman niya na may sakit ako.

"At hindi pa rin kita iiwanan dahil mahal kita." Namilog ang mga mata ko dahil may pahabol pa siya.

Pagkarating namin sa bahay ay pinababa ko na muna siya baka kasi hindi siya makababa pagpinarada ko na sa garahe yung sasakyan.

Kinabukasan...

Nagising ako sa tunog ng phone ko. Sino naman kaya ang tatawag sa akin sa ganitong oras? Bumangon na ako pero tumingin na muna ako sa katabi ko. Tama ba itong ginawa namin? Wala kaming relasyon ni Callie at panigurado akong malalagot ako nito sa kapatid niya.

"Hello?"

"Alex, nasaan ka?"

"Nasa bahay. Bakit?"

"What? Nasa bahay pa rin. Anong oras na! Kailangan kita ngayon dahil nagpatawag ng meeting ang board pero hindi ako makarating."

"Bakit? Nanganak na ba si Aya?"

"Hindi. Marami akong pasyente. Hindi ko naman sila pwedeng iiwan kaya ikaw na lang ang pumunta sa meeting with the board."

"Alam mo naman ayaw ko---"

"Please, Alex."

"Fine, fine. Pupunta na ako." Napalingon ako noong may yumakap sa akin mula sa likod. Binaba ko na rin yung tawag dahil busy rin naman si Aizen. "Kailangan ko ng pumasok dahil may meeting pa ako sa board."

"Hindi ba dapat si Aizen ang pupunta dahil siya ang may ari ng ospital?"

"Yes pero marami siyang pasyente ngayon at hindi daw niya maiwanan ang mga iyon." Bumitaw na siya sa pagkayakap sa akin kaya napatayo na ako. "Hatid na muna kita sa inyo."

"Huwag na. Importante ang meeting niyo sa board at hindi ka pwede mahuli baka mapagalitan kayo."

"Thanks. Ingat ka sa paguwi mo ah." Tumango siya sa akin.

Definitely YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon