Chapter 23

1.1K 32 1
                                        

It is been a weeks noong bumalik kami ng Pilipinas ni Alex. Nagagalit nga siya dahil ang daming pasyente ang hindi nagpapaalam ng x-ray, CT scan o MRI scan nila. Kaya pag kinukwento niya sa akin iyon ay pumupunta ako sa ospital nila para kausapin siya kaya ito kilala na ako ng mga staffs nila na girlfriend niya. Ni hindi nga nangliligaw si Alex sa akin, bigla na lang iyon ang pakilala niya sa pamilya niya sa akin.

"Chef, nandito na po ang sundo niyo." Sabi ng isang waitress sa akin. Ang aga naman pumunta ni Alex.

Pagkatapos ko magpalit ay napangiti ako dahil natataw ko na ang kagwapuhan ni Alex dito. Lumapit na rin ako sa kanya.

"Ang aga mo naman ngayon. Wala ka bang pasyente?"

"Ayaw mo ba nandito ako, babe? At wala ako gaanong pasyente ngayon."

"Hindi naman sa ganoon. Noon kasi palagi ako ang naghihintay sayo."

"Nawawala ang pagiging maginoo ko pag ikaw ang naghihintay sa pagdating ko."

Pagkarating namin sa bahay ay bumaba na kaming pareho ni Alex.

"Pasok ka na muna sa loob. Baka nandito na si Caleb at pakilala kita sa kanya."

Pumasok na kami ni Alex sa loob at sakto naman ang pagbaba ni Caleb.

"May bisita pala tayo." Sabi ni Caleb pagkakita niya kay Alex. Talagang ayos lang sa kanya na si Alex ang maging boyfriend ko.

"Caleb." Humarap sa akin ang kakambal ko. "Gusto ko pakilala sayo si Alex."

"Boyfriend mo?" Tumango ako sa kanya. Hindi pwede malaman ni Caleb ang nangyari sa akin, sa pagbubuntis ko noon. Masakit man para sa akin pero kinakaya ko para makalimutan sa tulong ni Alex. Hindi nga niya ako iniwanan. Inabot ni Caleb ang isang kamay niya para makipagkamayan. "Nice to meet you, Alex."

"Likewise, Caleb." Kinuha na ni Alex ang kamay ni Caleb at nakipagkamayan sila.

"Take care of my sister. Pag nakita kong umiyak siya ay lagot ka sa akin."

"Don't worry my future brother-in-law."

"Hindi ka pa ba magluluto ng hapunan, Caleb?" Tanong ko sa kanya.

"Magluluto na sana ako." Pumunta na si Caleb sa kusina para magsimula na magluto.

"Dito ka na kumain, Alex. Hindi lang magaling na abogado si Caleb dahil marunong rin siya magluto."

"Ayos yun ah. Maswerte ang magiging asawa niya."

"Pero hindi ko alam kung move on na siya kay Aya."

"Aya? Yung Aya ni Aizen?" Tumango ako sa kanya. "So, siya pala yung kinaiinisan ni Aizen during his high school days."

"Alam mo ang tungkol sa paglalaban nilang dalawa noong high school kami?"

"Aizen told me before about that. Hindi ko alam na siya pala yung karibal."

"Kahit magkaribal sila ni Aizen ay siya pa rin ang pinakasalan ni Aya."

"Indeed." Bigla ako natahimik dahil iniisip ko kung paano ako makakabawi kay Alex sa mga ginawa niya para sa akin noon. "Is there something wrong? Bigla ka na lang tumahimik."

"Wala naman." Yumuko ako pero tumingala ulit sa kanya. "Pero..."

Tatanungin ko ba siya? Wala naman mawawala sa akin kung tatanungin ko siya, diba.

"Hm? Pero ano?"

"May gusto ka bang gawin?"

"Ang gusto ko lang naman gawin ang makasama ka kahit busy tayo sa mga trabaho natin. Gumagawa pa rin ako ng paraan para matapos agad ang trabaho ko." Niyakap ko siya. Alam kong naguguluhan na ngayon si Alex sa inaasal ko. "What's wrong?"

"Nothing. I..."

"Kayong dalawa diyan. Kakain na muna kayo." Narinig ko ang boses ni Caleb. Tinatawag na kami. Panira talaga ang kakambal ko.

Pagkapunta namin sa kusina para kumain pero para akong ganang kumain ngayon.

"Ano nangyari kay Callie?" Narinig kong tanong ni Caleb kaya napatingin ako sa kanya.

"I don't know." Sagot naman ni Alex. Napansin kong tumingin naman siya sa akin. "Is there something wrong? Kung may problema ka sabihin mo lang sa amin ni Caleb."

"Pagod lang siguro ako ngayon." Pagdadahilan ko sa kanila.

"I told you don't stress yourself. Kung ayaw mo ako ang sasabi sa kapatid mo." Napatingin ako bigla sa kanya. Seryoso siya? Baka masuntok lang siya ni Caleb pag sinabi niya iyon.

"Ano iyon?"

"Pinuntahan kasi namin ang mga magulang niyo noong nasa states pa kami." Sagot naman ni Alex. Iyon ba ang gusto niyang sabihin kay Caleb? Akala ko pa naman tungkol sa pagbubuntis ko noon.

"Oh. Let me guess hindi pumayag na umuwi." Saad naman ni Caleb. Hindi na kasi bago sa amin iyon ng kakambal ko. They always choose their work than their children. "Hindi na bago iyan sa amin, Alex. Taun-taon na namin sila kinukumbinse pero ayaw talaga nila umuwi para sa amin ni Callie."

Hindi na ngayon makasagot pa si Alex hanggang matapos kami kumain ng hapunan. Hinatid ko na rin si Alex sa labas ng bahay namin.

"Pahinga ka na ah." Sabi ni Alex at tumango ako sa kanya.

"Drive safe."

"I will dahil papakasalan pa kita." Para tuloy umakyat ang dugo ko at paniguradong namumula na ang pisngi ko. May balak pakalasan ako ni Alex. Hindi na ako makapaghintay na mangyari iyan.

Kinabukasan...

Busy ako ngayon sa restaurant dahil ang daming customers na pumunta lalo na't lunch break ang iba sa kanila at dito nila naisipan kumain.

"Chef Callie Tan." Napalingon ako sa likuran ko at kumunot noo ko makita kung sino iyon.

"Ano naman ang ginagawa mo dito, Aizen?"

"Restaurang ito, diba? Kaya kakain ako dito."

"Tigilan mo ko, Aizen kung ayaw mo magaaway na naman tayong dalawa ngayon."

"Chill. Kahit kailan talaga ang init ng dugo mo sa akin. Pero totoo naman na gusto ko kumain dito at makausap ka na rin."

"Marami akong ginagawa ngayon."

"Aw too bad. Naikwento kasi sa akin ni Alex na mukhang may problema ka daw ngayon." Sabi nito. Dahil kalat na rin sa ospital niya ang tungkol sa relasyon namin ni Alex kaya walang duda na alam na rin niya. Siguro sinabi na rin niya kay Aya. "Tutal ako lang naman ang nakakilala ng lubusan kay Alex kaya pwede kitang matulungan pero kung ayaw mo aalis na lang ako."

Ano ba ang pinagsasabi nito? Tutulungan niya ako? Bakit?

"May bakanteng upuan pa doon. Umupo ka na muna." Nagtawag ako ng isang waiter at lumapit naman sa amin agad. "Dalhin mo si Aizen doon sa bakanteng upuan at kunin mo na rin ang order niya."

"Yes, chef."

Bumalik na ako sa loob ng kusina dahil iniisip ko kung kailangan ko ba ang advice ni Aizen. Maybe yes at wala naman mawawala sa akin kung hihingi ako ng advice sa kanya.

Definitely YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon