Chapter 7

1.1K 30 0
                                        

Hindi nga ako makapaniwala na si Aizen nga ang ama ni Mykiel. Kaya pala nakikita ko sa bata ang lalaking iyon. Sa pagkahilig sa basketball ay Aizen na Aizen, ang ngiti.

"I will tell him the truth once he got the results."

"Ano na pala ang gagawin niyo pag nalaman na niya ang totoo?"

"He said he wants to marry me."

"What?! Gosh! Kunin mo kong bridesmaid." Kumikinang na siguro ang mga mata ko ngayon.

"Oo naman. Ikaw ang bridesmaid ko."

"Sino kaya ang magiging best man ni Aizen?" Sana gwapo. Hindi ko na aawayin si Aizen kung gwapo ang best man niya." Nakita kong umiling ng ulo si Aya. Pero imposibleng si Luca o kahit sino sa dalawa pa niyang kaibigan ang kukunin nito.

"Wala pang kasal."

"Pero papayag ka bang magpakasal sa kanya?"

"Sinabi ko naman sayo kanina gagawib ko ito para kay Myke."

"Pero paano ka naman?"

"Makita lang masaya ang anak ko ay okay na ako."

"Ang laki na talaga ng pinagbago mo. Naging palaban ka na,"

"Palaban naman talaga ako kahit noon pa. Nagalit rin naman ako kay Aizen noon dahil naubos na talaga ang pasensya ko sa nga pinagsasabi niya. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman iyon."

"Gago naman kasi ang ama ng anak mo. Kung hindi siya ganoon ay sana tahimik ang buhay ko noon pa."

"Pero ayos lang din. Kahit ganoon si Aizen ay naging masaya naman ako."

"Inaamin mong mahal mo pa rin siya hanggang ngayon."

"Hindi nga! Singhal niya. Tanggi pa, Aya halatang mahal mo rin si Aizen. "Pero inaamin ko siya ang first love ko kahit ganoon siya."

"Gosh! Bakit hindi mo sinabi sa akin tungkol diyan?! Ang akala ko si Caleb first love mo."

"No, crush ko lang si Caleb. Masaya ako sa tuwing kasama ang kakambal mo. Pero iba ang nararamdaman ko kay Aizen noong maliliit pa kami."

"Tapos siya din ang first boyfriend mo." Tumango si Aya sa akin. Si Aizen talaga ang unang naging boyfriend ni Aya, hindi nga ako makapaniwala na magiging sila dahil alam ko ayaw sa kanya ni Aizen pero nagkamali ako. "Kung siya ang first love mo, hindi mo na siya magagawang mahalin ulit? Promise, Aya. My lips are sealed."

Bumuga ng hangin si Aya. Sige na nga tatahimik na ako dahil sa nakikitang naguguluhan ngayon ang kaibigan ko.

"I don't know pero masaya ako pagkasama ko siya, Callie. Naapreciate kasi niya ang luto ko."

"Balik teenager lang? Huy, you're alrady 27."

Ganoon ka rin naman, Callie.

"I know. Alam ko naman hindi na ako bumabata."

"Mas mabuti sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo bago mahuli ang laha, Aya."

"Niyaya niya ako magpakasal once nakuha na niya ang results, diba?"

"Oo nga pala. Pero pag magkasama na kayo ulit sa isang bubong baka todo iwas ka na naman sa kanya katulad noon." She sighed. Halatang gulong gulo na siya ngayon.

"Okay. Kung magkakaroon man ako ng lakas na loob na sabihin sa kanya kung ano ang nararamdaman ko."

Biglang may phone ang tumunog. Hindi iyon akin. Nakita kong kinuha ni Aya ang phone niya sa coffee table.

"Is this the sign? Mukhang naramdaman ni Aizen na siya ang pinaguusapan natin. Sagutib mo na." Ngumiti ako ng pagkaloko. Nakikinig lang ako kay Aya habang kausap niya si Aizen sa kabilang linya.

"May incest pa kayo ng half sister mo. Tapos sabi ni Callie pedophile ka daw." Hinampas ko si Aya sa braso niya. Binisto daw ba ako.

Tapos na siguro sila magusap dahil binalik niya ulit ang kanyang phone sa coffee table.

"Pinapasabi pala ni Aizen hindi daw pinagpantasya si Nika kaya no sexual attraction."

"Sira ka talaga. Bakit mo iyon sinabi sa kanya?" Binigyan lang niya ako ng kibit balikat. "Pero bakit siya tumawag?"

"Niyaya niya ako sa party ng step father niya."

"Kasama si Mykie?"

"Yes, party naman iyon at sigurado ako may mga bata siyang kalaro doon."

"Uwi na ako para makapaghanda na kayo mamaya." Tumayo na ako sa pagkaupo. "Pero tandaan mo itong sasabihin ko sayo, Aya. Kahit si Aizen ang ama ni Mykie ay hindi pa rin kayo kasal na dalawa kaya pwede ka pa agawan ng ibang babae kay Aizen. Kung ako sayo sabihin mo na sa kanya agad."

Pagkauwi ko da bahay ay nakita ko si Caleb nagluluto ng hapunan namin.

"Nandito ka na pala, Callie." Nilapag na niya ang mga niluto niya sa mesa kaya naglalagay na rin ako ng plato.

"Yes. Umalis kasi si Aya ngayon kasama si Mykie."

"Ano ang pinagusapan niyo ni Aya? Kung ayaw mong sabihin sa akin ayos lang."

"Inamin na niya sa akin ang lahat. Kahit tungkol sa ama ni Mykie." Nakita kong natigilan si Caleb sa ginagawa niya.

"Sino ang ama ni Eizen? Si Aizen ba?"

"Yes. Si Aizen nga ang ama ni Mykie."

"I see." Umupo na ito sa harap ng hapag. Nagsimula na rin kami kumain.

"Ayos lang iyan, kambal. Hindi pa naman end of the world kaya makakahanap ka pa ng ibang babae na magagawang mahalin ka."

"Hindi na ako umaasa na makakahanap ng ibang babae na katulad ni Aya."

"Huwag mo ikumpara ang ibang babae kay Aya. Hindi lahat ay katulad ni Aya."

Ako tuloy ang nasasaktan sa kakambal ko. Mahal kasi nito si Aya pero ang kaibigan ko mahal si Aizen ayaw lang aminin. Sana nga sabihin na niya kay Aizen bago mahuli ang lahat.

"Ano pa ang sinabi ni Aya?"

"May balak na si Aizen yayain si Aya magpakasal pag nalaman na niyang may anak sila."

"Wala pa ba siyang alam? Palagi sila magkasama ni Aya ah."

"Hindi pa niya sinasabi kay Aizen. Ang sabi niya ay pagkakuha na lang ni Aizen sa resulta ng DNA test, doon na lang daw niya sasabihin ang totoo."

"Ang bulag naman ng lalaking iyon dahil hindi niya napansin anak niya si Eizen."

"Alam ka na bang anak ni Aizen si Mykie?" Kunot noo kong tanong.

"Wala akong alam pero nakikita ko si Aizen sa kanya." Tama si Caleb dahil iyon din ang nakikita ko kay Mykiel. "Hindi imposible dahil naging boyfriend niya noon si Aizen. Pero kailan nangyari iyon?"

"Noong panahon na dumalo si Aya sa graduation ni Aizen." Napahinto si Caleb sa pagkain at tumingin ito sa akin. "Bakit ganyan ka makatingin sa akin?"

"May relasyon ba kayo ni Luca?"

Bakit bigla napunta sa akin ang usapan? Si Aya ang topic namin kanina tapos bigla sa akin na.

"Wala kaming relasyon ni Luca. Bakit mo naman naitanong?"

"Nakita kita noong isang araw kung saan nagtatrabaho ang lalaking iyon."

"Ah. Gusto kasi ng CEO nila kunin kami kaya nakipag invest ako sa kanya at nang dahil rin kay Luca kaya kami ang pinili."

"Tsk. Sabi na nga ba." Kumunot ang noo sa sinabi ni Caleb.

"Sinabi na nga ba ang alin?"

"Wala. Kumain na lang tayo."

Definitely YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon