Chapter 3

1.6K 45 0
                                        

Callie's POV

Naging busy ako sa restaurant ko dahil maraming customers na pumunta. Kasama ko si Mykiel dahil hindi ko naman siya pwedeng iiwan sa bahay kasi walang tao doon at alam naman ni Aya na kasama ko ang anak niya.

"Tita Callie." Tumingin ako kay Mykiel noong tinawag niya ako. "Saan po yung rest room?"

"Samahan kita baka may kumuha sayo. Lagot pa ako sa mommy mo."

Sinamahan ko si Mykiel sa banyo pero siyempre hinintay ko siya sa labas. Nakita ko na rin lumabas si Mykiel, mukhang tapos na siya umihi.

Pagkatapos ng trabaho ko ay umuwi na kami ni Mykiel pero pagkadating namin sa bahay ay naglalaro ulit ang batang ito. Hindi nga nauubusan ng energy. Napatingin ako sa bintana dahil may kotse ang huminto sa tapat ng bahay, hindi iyon kotse ni Caleb. Nakita kong bumaba doon si Aya. Kailan pa nagkaroon ng kotse si Aya?

"Mommy!" Tumakbo papalapit si Mykiel noong nakapasok na si Aya sa loob.

"Baby boy, naging good boy ka ba habang wala si mommy?" Tanong ni Aya sa anak niya. Kahit hindi sabihin sa akin ng kaibigan ko kung sino ang ama ni Mykiel ay parang nakikita ko sa kanya si Aizen. Pero kung ayaw talaga sabihin sa akin ni Aya kung sino ang ama ng anak niya ay hindi ko siya pipiliting sabihin sa akin.

"Opo." Tumingala siya sa akin, ngumiti ako kay Mykiel. "Hindi po ba, tita Callie?"

"Oo. Mabait ang anak mo, Aya."

Kung si Aizen nga ang ama ni Mykiel ay mabuting hindi sa kanya nagmana.

"Salamat, Callie sa pagbantay kay Myke ah."

"Ano ka ba. Ayos lang iyon."

Hindi ko na hinatid yung dalawa sa labas dahil nakita kong bumaba ng sasakyan si Aizen. Ano naman ang ginagawa ng lalaking iyon dito? Hindi kaya siya talaga ang ama ni Mykiel at ayaw lang sabihin sa akin ni Aya?

Nakita kong bumaba si Caleb galing sa kwarto niya. Busy rin itong kakambal ko dahil may mga kaso siyang kailangan lutasin.

"Si Aya ba iyon?"

"Oo, kinuha lang niya si Mykie."

"Ah okay. Magluluto na ako ng makakain natin." Tumalikod na si Caleb sa akin. Kahit hindi sabihin sa akin ng kakambal kong ito ay alam kong may gusto siya kay Aya. Madaling basahin si Caleb.

"Caleb, mabuti pang huwag mo ng pilitin ang sarili mo kay Aya."

"Huh?" Lumingon sa likod si Caleb para tingnan ako. "Ano pinagsasabi mo diyan?"

"Hindi mo ko maloloko dahil kakambal kita at alam ko ang bawat kilos mo."

"Ganoon ba ako ka-obvious?"

"Yep, simulang sinabi mo sa akin noon na may balak kang ligawan si Aya pero hindi siya pumayag dahil sa nakikita ko mas lamang si Aizen sayo."

"Tsk. Ngayon wala na silang dalawa pero ayaw pa rin ni Aya sa akin."

"Hindi naman sa ayaw ni Aya sayo. Isipin mo nga ang mangyayari kung maging kayo ni Aya... paano na lang kung bumalik ang ama ni Mykie at kunin silang dalawa?"

"Lumaki si Eizen na walang kinilalang ama." Humarap na sa akin si Caleb, seryoso ang mukha niya ngayon kumpara kanina. "Wala siya noong lumalaki si Eizen pero ako, ako ang kasama ng bata."

"Hindi ka naman kaanu-ano nila Aya kaya wala ka pa rin karapatang sabihin iyan."

"Tsk. Kapatid ba talaga kita? Maa kinakampihan mo kung sino man ang ama ni Eizen."

"Hindi ko siya kinakampihan, twin. Grumaduate ka nga ng law nasa top 1 pero hindi mo man lang alam ang tungkol doon, ikaw pa ang pinakamagaling na lawyer."

"Ewan ko sayo! Bwesit." Napikon na yata sa akin. Ayaw pa kasing tanggapin ang katotohanan. Kung itutuloy ni Caleb ang pangliligaw kay Aya ay baka siya rin ang masaktan. Ayaw ko naman makitang nasasaktan ang kakambal ko.

Kinabukasan...

Pagkarating ko sa restaurant ko ay may nakita akong familiar na mukha.

"Hi, Callie."

"Bakit nandito ka, Luca? Wala ka bang pasok ngayon?"

"Meron pero may kailangan lang akong asikasuhin."

"Ano iyon? At dito pa talaga sa restaurant ko."

Hinawakan ni Luca ang braso ko kaya bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ganitong weird ng puso ko ngayon. Inaamin kong may gusto ako kay Luca pero alam ko namang hindi siya magiging seryoso sa isang relasyon.

"B-Bakit, Luca?"

"May nagugustuhan ka na ba na lalaki?" Napahinto ako sa tanong nito. Biglaan naman yata. Wala man lang pabala tungkol sa gusto niyang tanungin.

"Bakit gusto mo malaman?"

"Ah, kasi yung isang kaibigan ko may gusto sayo at humingi siya ng tulong sa akin." Tumango tango ako sa kanya.

"I see. Yep, may gusto na akong lalaki ngayon."

Ikaw ang lalaking iyon, Luca kahit alam ko namang hindi ka magiging seryoso dahil dakilang loko-loko at sa kalokohan lang ang alam.

"I wonder who is that. Pero wala naman akong karapatang malaman kung sino."

Kung alam mo lang na ikaw iyon. For 10 years na kitang gusto pero alam ko rin magagalit sa akin si Caleb.

"Sino ba iyang kaibigan mo? Hindi naman siguro isa kila Chuck, no?"

"Huh? Hindi. Wala sa kanila." Tumango tango lang ako sa kanya. Mabuti naman kung ganoon dahil wala sa kanila.

Kung sasabihin ko ba sayo na gusto kita... magugustuhan mo rin ba ako? Magiging seryoso ka ba sa akin? Ang gulo ng utak ko. Ayaw ko rin naman ang masaktan pero alam ko namang part rin sa isang relasyon ang masaktan.

"Ano ang pangalan niya?"

"Huh? Ano kasi..." Tiningnan nito ang kanyang phone. "Teka lang ah. Tatanungin ko lang siya kung ayos magpakilala."

Lumabas sa restaurant si Luca. Sino naman kaya ang kaibigan niyang iyon? Hindi naman ako interesado sa mga lalaki hanggang nakita ko si Luca ba bagong lipat lang sa school. Hindi ko alam isa pala siya sa mga kaibigan ni Aizen. Si Aizen at ang dalawang kaibigan niya ay kilalang bully hanggang naging sila ni Aya ay laki ng pinagbago ni Aizen. He always protected Aya.

Bumalik na si Luca. Mukhang tapos na siya kausapin yung kaibigan daw niya.

"Sorry, Callie. Tumawag na yung boss ko, kailangan ko ng bumalik sa trabaho."

"Ah, sige. Ingat ka."

Pagkauwi ko sa bahay ay nakita kong paalis na si Caleb.

"Mabuti nakauwi ka na, twinny." Sabi ni Caleb.

"Bakit? May papagawa ka sa akin?"

"Hahatid ko si Eizen sa school ngayon bago ako pumasok pero kung ayos lang sayo ikaw ang sumundo sa kanya mamaya. Baka kasi mamaya pa uuwi si Aya sa trabaho niya."

"Okay. Wala na rin naman akong gagawin ngayon."

"Salamat, sis." Niyakap ako ni Caleb. Kaya mahal ko ang kakambal ko dahil siya lang ang maasahan ko maliban kay Aya. "Alis na ako."

"Ingat ka sa pagpasok mo ah."

Definitely YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon