Callie's POV
Ilang buwan na rin noong nawalan ng malay si Alex, sa tingin ko 2 buwan na rin iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapayagan na bumalik sa trabaho si Alex. Sana ay ngayon okay na siya para hindi na ako magaalala sa kanya.
Pagkatapos ng trabaho ko sa restaurant ay palagi ako lumalabas ng maaga para dalawin si Alex sa ospital. Pagkarating ko sa kwarto niya ay nakita ko si Alex na tumatayo sa hospital bed niya.
"Ang aga mo naman yatang bumisita, Cal." Sabi niya sa akin at umupo sa dulo ng kama.
"Araw-araw naman ako umuuwi ng maaga para bisitahin ka." Umupo naman ako sa silya malapit sa kama niya. Alam na rin ng pamilya niya ang nangyari sa kanya. Tinawagan ko kasi si Dave noon. Kinakamusta nila sa akin ang kalagayan ni Alex. "Nagdala pala ako ng makakain."
"Finally, ayaw ko talaga ang pagkain dito sa ospital. Mabuti makakain ako ng matinong pagkain." Natawa ako sa sinabi niya.
"Kain ka lang ah."
"Mas gusto ko pa ang dinala mong pagkain sa akin kaysa mga pinapadalang pagkain galing dito." Nagsimula na siyang kumain ng mga dinala kong pagkain.
"Musta na ang pakiramdam mo ngayon? Nakikimusta kasi sila tita sayo."
"Si mama talaga. Okay na ako ngayon. Gusto ko na ngang lumabas dito, 2 buwan na rin ako walang ginagawa."
"Hindi ka pa pwedeng bumalik sa trabaho mo. Baka mapagod ka. Siguro naman ayaw mo ko magaalala sayo, babe."
Sa hindi ko inaasahan ay parang bumaliktad ang sikmura ko. Kanina naman okay naman ako ah at tumakbo ako papunta sa banyo. May banyo dito sa loob ng kwarto ni Alex at nilabas ko lahat na kinain ko. Hinugasan ko na rin ang bibig ko pagkatapos, lumabas na rin ako ng banyo.
"Ayos ka lang?" May pagaalala sa boses ni Alex. Tumango ako sa kanya.
"May pupuntahan lang ah. Babalik ako agad." Siya naman ngayon ang tumango. Lumabas na ako ng kwarto niya.
Habang naglalakad ay nakasalubong ko si Aizen.
"Nandito ka na pala, Callie."
"Bakit? May gusto ka pang sabihin sa akin?"
"Naging maayos na ang kalagayan ni Alex ngayon at sana patuloy na. Delikado na kung hindi pa okay ang kalagayan niya at hindi ko masasabi na pwedeng mangyari sa kanya."
Yumuko na lang ako. Hindi ko kaya kung mamatay si Alex.
"And remember what happened on him after the operation? Muntik na siya mamatay at natatakot rin ako baka matuluyan si Alex." Dagdag pa niya. Ako rin naman, eh. Natatakot akong iiwan ni Alex. "Anyway, saan ka pala pupunta?"
"Magpapacheck up lang kasi bigla akong nagduwal kanina."
"Buntis ka?"
"I'm not sure yet."
"At talagang ginawa mo ang sinabi ko sayo noon ah." Natatawang saad nito. "Binigyan mo nga talaga ng anak si Alex."
"Hindi pa nga nakakasigurado. Ayaw ko naman umasa si Alex."
"Samahan na lang kita pero hindi ako siguro kung may on duty pang OB sa ganitong oras."
Nang makarating kami sa tapat ng OB clinic ay kumatok na si Aizen sa pinto.
"Oh, dr. Aizen. Ano maitutulong ko sayo?"
"Uuwi ka na ba, dra. Patricia?" Tanong ni Aizen.
"Pauwi na ako. Bakit?"
"Before you go home may isa ka pang pasyente. Pwede bang patingnan siya?" Pinapasok na ako ni Aizen sa loob ng clinic. "She is a good friend of Aya."
"I know her. Siya ang girlfriend ni dr. Alex."
Inutusan na akong humiga sa kama para macheck up na ako. Gusto ko agad malaman ang resulta.
"You thought dra. Chelsea will be Alex's girlfriend."
Sinong Chelsea? Yung babaeng palaging kasama ni Alex noon na doctor rin?
"Oo, eh. Palagi silang magkasama na dalawa noon."
"You have to face the fact. Hindi siya ang girlfriend ni Alex dahil kaibigan lang ang tingin niya kay Chelsea."
"I guess you're right."
Pagkatapos akong tingnan ay nagayos na ako ng sarili ko and take note nasa labas nakatayo si Aizen dahil hindi siya pinapasok ni dra. Patricia.
"So, how is it, Pat?" Tanong ni Aizen na ngayon ay nakatayo na sa doorframe.
"Ikaw ba ang ama at excited ka pa siya sa ina?"
"What? Sira. Si Alex ang ama ng-- wait, what?!" Bakas sa mukha ni Aizen ang gulat. Binaling ko ulit ang tingin kay dra. Patricia.
"Yes. Tama ang nainisip mo ngayon, Aizen. She is 2 months pregnant."
Hindi maproseso sa utak ko ang sinabi niya. Pero biglang may luhang pumatak sa mga mata ko.
"H-Hey. Bakit ka umiiyak, Callie?"
"I guess, it's a tears of joy."
Pinunasan ko agad ang luha ko dahil totoong buntis ako, 2 buwan na ang bata nasa sinapupunan ko.
"You have to take care of yourself lalo na't dalawa sila."
"What? Kambal ang anak namin?" Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni dra. Patricia kaya tumango siya sa akin.
"Wow. Congrats, Callie. Magkakaroon na rin ng kalaro ang mga anak namin ni Aya."
"Bibigyan kita ng vitamins para maging malusog sila at huwag ka ma masyado magpapagod ah."
Pagkalabas ko ng clinic ay nagpaalam na sa akin si Aizen. Pero hindi talaga ako makapaniwala sa nangyari, buntis ako.
Pagkabalik ko sa kwarto ni Alex ay hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko.
"Mukhang masaya ka yata ah." Tugon ni Alex sa akin, tumango ako sa kanya bago lumapit.
"Thank you."
"Thank you? Bakit? Wala naman akong ginawa."
"I just want to say thank you."
"Okay? You're welcome." Sabi niya at doon ko na rin inabot sa kanya ang picture ng ultrasound. Tiningnan niya yung picture na binigay ko sa kanya at tumingin siya sa akin. "Really?"
"Yes, babe." Hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi ko.
"Yes!" Niyakap ako ni Alex sa sobrang saya niya. "Then, I should the one say thank you. Thank you, babe."
"Gusto ko lang bumawi sayo dahil palagi mo na lang ako pinapasaya. Kaya ikaw naman itong papasayahin ko."
"You don't have to do that - wait, iyan ba ang iniisip mo noon kaya ang tahimik mo?" Tumango ako sa kanya. "Hindi mo na kailangan gawin iyon. Sabi ko nga sayo kasama lang kita ay ayos na sa akin."
"Alam ko naman iyon pero gusto ko may gawin ako para sayo."
"Thank you again. Masaya na ako dahil magkakaroon ulit tayo ng anak at kasal na lang ang kulang." Ngumiti ako sa kanya. Makita lang masaya si Alex, ayos na rin sa akin.
Tiningna ulit namin ang picture ng ultrasound.
"Hindi lang isa ang magiging anak natin, Alex."
"Twins?" Tumango ako sa kanya. "Seryoso? Hindi ako makapaniwalang binigyan tayo ng kambal."
"Maniwala ka na dahil dalawang bata ang nasa sinapupunan ko ngayon." Hinimas ko rin ang tyan ko habang nakangiti. Best gift rin sila sa akin lalo na't malapit na ang birthday namin ni Caleb.
"Malapit na pala ang birthday niyo ni bayaw." Humarap ako kay Alex. "Maybe we should announce the good news on that day."
Bayaw? Tanggap kasi siya ni Caleb kaya close agad ang dalawa.
"Okay lang sa akin na sa araw mismo ng birthday ko sabihin sa iba ang balita. Pero alam na ni Aizen kasi sinamahan niya ako kanina."
"Ang pinuntahan mo kanina ay ang clinic ng OB."
"Yes. Gusto ko lang kasi makasigurado bago sabihin sayo."
"Naiintindihan ko."

BINABASA MO ANG
Definitely Yours
RomanceAno na lang ang gagawin mo kung magkagusto ka sa isang lalaki na mukhang hindi seryoso sa isang bagay? Pipilitin mo pa rin ba ang sarili mo para makuha siya? O magagawan mo magmahal sa ibang lalaki na kabaliktaran ng first love mo? Meet Callie Tan a...