Chapter 20

1K 33 0
                                    

Nandito na kami ngayon ni Callie sa states. Sabi ko nga sa kanya isa o dalawang linggo ang bakasyon. Depende rin kasi. Dumating na kami ngayon sa bahay namin.

"Kuya, mabuti nakabalik ka." Pagkasalubong sa akin ni Dave. Tumingin siya kay Callie. "Siya na po ba ang girlfriend mo?"

"Yes, bro. Cal, si Dave kababatang kapatid ko. Dave, si Callie. Tawagin mo siyang ate Callie ah."

"Hi, ate Callie. Ano po ang pinakain sayo ni kuya?"

"Maya na iyang kalokohan mo, Dave. Pagod kami ng ate Callie mo sa biyahe. Tulungan mo na lang ako buhatin yung ibang gamit namin at ilagay mo sa kwarto."

Kinuha na ni Dave yung mga gamit namin para ilagay sa kwarto ko.

"Saan ako matutulog, Alex?" Tanong ni Callie sa akin.

"Sa kwarto ko but no worries I can sleep on the couch."

"Nakakahiya naman. Bahay mo ito pero ikaw ang matutulog sa couch."

"I won't let you sleep there. Buntis ka rin." Sinamahan ko na siya sa kwarto ko. Malinis at maayos ang kwarto ko ah. Talagang pinaghandaan ni mama ang pagpunta namin. "Mamaya na kita pakilala sa kanila. Pahinga ka na muna."

Hinintay ko na muna matulog si Callie bago lumabas ng kwarto.

"Alex... son." Tumingin ako dahil nandito si papa.

"Pa." Niyakap ko si papa.

"Ang sabi ng mama mo sa akin ay may girlfriend ka na daw."

"Yes po. Kasama ko po siya ngayon pero natutulog muna dahil sobrang haba ng biyahe namin."

"Dapat sinamahan mo siya. I know you're tired too, son."

"Later, pa. May gusto lang po akong sabihin sayo."

"Okay. Ano iyon?" Alam ko kasing maraming contacts si papa dito baka matulungan niya ako.

"May kilala po ba kayong Tan ang apilyido?"

"Tan? Yes, I have. Bakit?"

"Gusto ko po malaman kung saan sila nakatira. Baka po matulungan mo ko."

"Bakit? Mga magulang ba sila ng girlfriend mo?"

"Yes po. Gusto ko po kasi sila makausap."

Sinabi sa akin ni papa kung saan sila nakatira. Sabi na nga hindi ako nagkamali kay papa humingi ng tulong.

"Hindi ako sigurado kung doon pa rin sila nakatira dahil matagal na rin noong huling kita ko sa magasawang Tan."

"Salamat po, pa."

Bumalik na ako sa kwarto pero ang sarap pa rin ng tulog ni Callie. At umupo na ako sa hilid ng higaan habang hinimas ko ang pisngi niya.

"Hmm..." She moaned while sleeping. Nagiinit ang katawan ko dahil ungol niyang iyon. Tsk. Humiga na rin ako sa tabi niya pero nakaharap sa kanya habang pinagmamasdan ko ang maganda mukha niya. Totoo ang mga nagyayari ngayon. May babae akong ipapakilala sa pamilya ko. May mga magulang ako kailangan kausapin para maging official kami ni Callie. Ginagawa ko ito para sa kanila ng anak namin. Damn, hindi ako makapaniwalang magkakaroon kami ng anak at si mama pa lang ang nakakaalam tungkol doon.

Kinabihan...

Ang tahimik namin kumakain ng hapunan dahil wala nagsasalita. Kahit si Dave na sobrang daldal tahimik rin.

Tumikhim ako para makuha ang atensyon nila.

"Ma, pa, Dave, gusto ko pakilala sa inyo si Callie. Girlfriend ko." Napatingin sa akin dahil pinakilala ko siyang girlfriend sa kanila.

"Girlfriend?" Bulong na sabi ni Callie. As in kaming dalawa lang ang makarinig. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Cal, these are my family. My most beautiful mother, Mathilde. And of course my handsome father... kung saan pa ba ako nagmana, Ryan."

"Hello po." Mahinhin na bati ni Callie sa mga magulang ko. Ang layo talaga ng pagkadescribe ng mga kaibigan ko kay Callie. Hindi naman war freak, eh.

"Hello, hija. Nagagalak akong makilala ka." Masiglang sambit ni mama. Tumango naman si papa sa kanya.

"Ate, ano po ang pinakain sayo ni kuya?"

"Dave!" Singhal ko sa kapatid. Hindi talaga kontrolin ang bunganga ng lalaking ito.

"Why? Nagtatanong lang naman ako ah."

"Tumigil nga kayo magkapatid. Nasa harap kayo ng hapag kainan." Saway ni mama sa amin.

"Walang pinapakain sa akin ang kuya Alex mo, Dave. Baka ako ang may napakain sa kanya." Sagot naman ni Callie sa walang kwentang tanong ng kapatid ko.

"Napakain ah? Yeah, masarap naman kasi ang luto mo." Ngumiti sa akin si Callie. Those genuine smile. Damn my heart skip a beat.

"Alex, Callie." Napatingin kami kay mama na ng tinawag niya kami.

"Bakit po, ma?"

"Kailangan niyo balak magpakasal?"

"Darling, kasal agad? Hindi pa nga tumatagal ang relasyon nilang dalawa." Tugon ni papa kay mama. Wala pang alam si papa sa pagbubuntis ni Callie.

"Oo nga po, ma." Sumabat naman si Dave.

"Ma, chill ka lang. Hindi pa po namin pinaguusapan ni Callie tungkol sa pagpapakasal at wala pa alam sina Dave at papa kaya kami nandito ni Callie ngayon."

"Ano iyon, Alex?" Tanong ni papa.

"The reason why we were here because Callie's pregnant. Mama knew about dahil sa huli paguusap namin. Planado na po ang pagbakasyon namin dito."

"God. Alex, aatakihin ako sa puso sa binalita mo sa amin ngayon." Napahawak si papa sa dibdib niya.

"Pa, wala naman po kayong sakit sa puso." Sabi ni Dave.

"Stop with the heart problem." Sabi ko.

Pagkatapos namin kumain ay naglakad kami ni Callie sa labas ng bahay pero napapansin kong niyayakap niya ang kanyang sarili dahil sa lamig ng panahon. It's almost Winter season.

"Wear my jacket." Pinasuot ko sa kanya ang jacket ko.

"Hindi mo naman sinabi sa akin malamig ang panahon ngayon dito."

"Alam mo naman na malapit na ang Winter season. It's already Autumn, babe."

"Kasalanan ko pa talaga."

Huminto kami noong nakarating kami sa park. Niyakap ko siya sa likod.

"Alex?" Napalingon ako sa likod noong may tumawag sa akin. "It's really you, Alex."

"Yeah. I'm here with my girlfriend."

"Girlfriend."

Tumingala sa akin si Callie para tingnan ako.

"Sino siya, Alex?"

"From the past, I guess but it's not important after all." Hinawakan ko na ang kamay ni Callie para maglakad ulit pero sa kalagitnaan ng paglalakad namin ay huminto siya sa paglalakad kaya napalingon ako.

"From your past? Nagkaroon ka na ba talaga ng girlfriend? Ako ba talaga ang unang girlfriend mo?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin.

"Almost. I thought she is the one. Nangligaw ako sa kanya ng 5 years pero pinaasa lang niya ako dahil mas mahal niya ang kanyang ex boyfriend. And yes, you are my first girlfriend."

"But she was your first love." Yumuko na ito at hindi ako makasagot.

"You know what, Cal." Tumingin siya sa akin na may luhang pumapatay sa mga mata niya. Pinunasan ko iyon agad. "She is from my past. Kalimutan na lang natin iyon dahil ang mahalaga sa akin ang ngayon. Ikaw at ang magiging anak natin. And we're quits."

"Quits?" Nakatitig lang ito sa akin. Salubong na rin ang mga kilay.

"I'm not your first love because Luca... he is your first love."

Bigla ko na lang inisip kung paano hindi ako nakilala ni Callie? Siguro magulo pa rin ang buhay niya ngayon dahil hindi niya alam ang gagawin. Her brother hates Luca, iyon kasi ang sinasabi nina Aizen at Chuck.

Definitely YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon