Pagkatapos kumain ay nakikita kong masaya si Alex kausap ang mga kaibigan niya tapos si Caleb naman ay kausap si Aya. Mabuti nga hindi nagseselos si Aizen sa kakambal ko. Mabuti na lang. Nakita kong lumapit na sa akin si Alex at tumabi.
"Malapit na sila."
"Sino?" Natatakang tanong ko.
"Basta. You'll find out."
"Mama?! Papa?!" Rinig ko ang boses ni Caleb kaya napatingin ako sa gawi niya na ngayon ay nakayakap na siya sa dalawang bagong dating at narinig ko na rin ang hikbi ni Caleb. Umiiyak ang kakambal ko. Pati tuloy ako umiiyak dahil hindi ko inaasahan babalik sila.
"Sila ba ang tinutukoy mong supresa sa amin?" Tanong ko kay Alex na tuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko. Tumango naman siya sa akin. "Thank you, babe."
"Wala akong maisip na pwedeng ipangregalo sa inyong dalawa hanggang naalala ko na gusto niyo umuwi ang mga magulang niyo."
"Paano mo sila nakumbinse?"
"Tinakot ko sila. Ang sabi ko pag hindi sila dumating sa araw ng birthday niyo ni Caleb ay uuwi ako sa states para kunin sila at kukunin ko ang passport nila para hindi na mabalik sa states."
"Grabe ka pero salamat. Hindi lang ako ang pinasaya mo pati na rin si Caleb." Tumingin ako kay Caleb dahil kitang kita sa mukha niya ang saya nang makita ulit ang mga magulang namin.
"We should announce them about the good news?" Tumango ako sa kanya saka siya tumayo. "Guys."
Tumahimik yung mga bisita at napatingin sa gawi ni Alex.
"There is something we want to announce."
"Good news ba iyan, dude?" Tugon ni Chuck.
"Loko. Malamang good news ito." Sagot ni Alex.
"So, what's the good news? Napagusapan niyo ba ang kasal?" Tanong noong isang guy na mala-Apollo. Still don't know his name pero nakita kong siniko siya ni Aizen sa taligiran. "That's hurt, cous."
Wait, magpinsan ang dalawa? Mabuti na lang hindi pareho ang ugali nila at mukhang close silang dalawa.
"Callie and Caleb's parents are here, Enzo." Saway ni Aizen sa pinsan niya.
"No, it's alright." Sabi naman ni papa. Mukhang okay sa kanila si Alex. Pasado agad.
"Okay, pwede na ba ako magsalita ulit?" Natatawa ako sa sinabi ni Alex. "Babe, you're laughing at me."
"Sorry." Sabi ko but I can't stop laughing. Tumahimik na rin yung iba.
"Hindi na ko magpapaligoy ligoy pa ngayon dahil ang gusto lang namin sabihin sa inyo na buntis ngayon si Callie." Anunsyo ni Alex sa kanila, tutal alam na rin naman ni Aizen kaya hindi na siya nagulat. Tumingin ako kay Caleb dahil ang seryoso ng mukha niya pero naglaho na rin agad ang pagkaseryoso nito.
"Waa! Callie, congrats sa inyo ni Alex." Sabi ni Aya sabay yakap sa akin. "Alagaan mo maigi ang sarili mo ah."
"Nice one. Congrats, pre." Nakangiting saad ni Luca kay Alex. Tanggap na ba ni Luca ang mga nangyari.
"Tatay ka na rin!" Hibakbayan siya ni Chuck.
Kahit gago ang mga kaibigan ni Aizen ay mababait naman sila at paginape ang isa sa kanila ay handa silang makipagaway. Lalo na si Luca, naalala ko pa noong nakipagaway siya kay Bryce dahil inasta nito sa kanila sa party.
"Hindi na pala si Aiz ang tatay ngayon, pati na rin si fafa Alex." Tumatawa ako sa sinabi ni Buck. May tinatago pa lang ganoon si Buck ngayon.
"Tita Callie, magkakaroon na po ba ako ng playmate?" Napatingin ako kay Mykiel.

BINABASA MO ANG
Definitely Yours
RomantikaAno na lang ang gagawin mo kung magkagusto ka sa isang lalaki na mukhang hindi seryoso sa isang bagay? Pipilitin mo pa rin ba ang sarili mo para makuha siya? O magagawan mo magmahal sa ibang lalaki na kabaliktaran ng first love mo? Meet Callie Tan a...