Chapter 17

1K 37 0
                                    

Pagkapasok na pagkapasok ko sa ospital dahil tapos na rin sawakas ang meeting sa board. Naiinis talaga ako sa mga board members kung hindi lang sila ang pinakamataas ay matagal ko na sila sinagot pero siyempre mahal ko ang trabaho ko kaya hindi ko iyon gagawin. Habang naglalakad ay nakita ko si Aizen na parang problemado ngayon.

"Parang ang laki ulit ng problema natin ah." Parang parehong pareho ito noon. Natatawa na lang ako sa isip.

"As usual busy ako sa mga pasyente ko at hindi ko na talaga--" Inagaw ko na yung records ng mga pasyente niya.

"Dapat hindi ka na muna pumasok ngayon. Kailangan ka ni Aya ngayon at ako na muna bahala dito sa ospital habang wala ka. Ako na rin bahala ulit sa mga pasyente mo."

"Sigurado ka?"

"Yes, baby." Natatawa ako. Bakit ko iyon sinabi?

"Gago. Baby ka diyan!" Humalakhak ako sa itsura ni Aizen ngayon. "Uupakan kita kung may nakarating sa sinabi mo."

"Hindi ka na mabiro. Umuwi ka na kung ayaw ko itulak ulit kita palabas ng ospital."

Pagkaalis ni Aizen ay pinuntahan ko na yung mga pasyente niya para kamustahin. Yung iba pwede na sila umuwi bukas pero yung iba kailangan pa nila magpahinga. Nagtatanong yung ibang pasyente kung bakit hindi si Aizen ang pumasok, dahil alam naman nila na may asawa na si Aizen at magkakaroon ng anak ay sinabi ko sa kanila ang dahilan. Mababait ang mga pasyente niya hindi katulad ng iba na parang bulkan na onti na lang ay sasabog na.

"Dr. Alex." Napalingon ako noong may tumawag sa akin.

"Oh, dra. Chelsea. May kailangan kayo sa akin?"

"Wala naman pero ang balita ko ay may girlfriend ka na daw." Napakurap ako sa sinabi nito sa akin.

"Saan mo naman nakuha ang balitang iyan?" Tanong ko. Wala nga akong maalala nagkaroon na pala ako ng girlfriend. Kung si Callie ang tinutukoy niya ay wala kaming relasyon pero may nangyari sa amin. In other word friends with benefit.

"May isang staff kasi nakitang may babaeng lumabas sa bahay mo noong isang araw. Kaya siguro inakalang may girlfriend ka na."

"Kailan nangyari iyon?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Yung araw na pumunta ka sa meeting with the board."

Shit! Si Callie nga ang tinutukoy niya.

"Siya din yung babae sa birthday ng anak ni dr. Aizen, 'diba?"

"Bakit mo naman naitanong na siya nga iyon?"

"I doubt it. You like - no, you love her."

"Alam mo, Chel oras ng trabaho ngayon at marami pa akong pasyente na pupuntahan." Pagiwas ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit ko kailangan iwasan iyon.

"Hindi ka talaga marunong magsinungaling sa akin, Alex. For 4 years natin magkasama sa trabaho."

"Shut up, Chel." Tumalikod na ako pero namilog ang mga mata ko noong makita si Callie. Ano ang ginagawa niya dito sa ospital? Pero naglakad na siya ng mabilis kaya sinundan ko siya hanggang nahawakan ko ang braso niya para huminto siya sa paglalakad. "Cal, what are you doing here?"

"Mind your own business." Hinawi niya ang kanyang kamay. Bakit ganyan siya? Nagseselos ba siya kay Chelsea? Ugh, don't assumed Alex.

"Nagseselos ka ba kay Chelsea?" Tanong ko pero wala akong narinig na sagot galing sa kanya. "Silence means yes."

Humarap ito sa akin pero ngayon ko lang nakitang seryoso si Callie.

"Oo nagseselos ako kahit alam ko naman hindi mo ko girlfriend, Alex. Mahal kita kaya hindi ko magawang hindi magselos sa tuwing kasama mo siya." Ngumiti ako dahil ang cute niya magselos pero nakakatakot dahil nagiging seryoso at minsan hindi ako pinapansin. Hinalikan ko siya sa labi pero tumugon naman siya agad sa halik ko. "Bakit mo ko hinahalikan?"

"Sabi ko nga sayo noon ay hahalikan kita kahit kailan ko gusto. Kahit sa harap pa ng maraming tao. Dahil gusto kong sabihin sa kanila na hindi na ako pwede kasi sayong sayo lang ako."

"Wala tayo kaya hindi mo pwedeng sabihin sa akin iyan. Hindi mo rin ako pwedeng halikan."

"Ouch." Napahawak ako sa dibdib ko. Kunwaring sumasakit ito ngayon.

"Ayos ka lang?" Nagaalala siya sa akin.

"I'm fine. Pero kung ligawan kita?"

"Much better." Nakangiting saad nito.

"Okay, then. Ano pala ang ginagawa mo dito?"

"Huh? Ah, may dinadalaw lang akong kaibigan."

I know she's lying. Pero bakit pa niya kailangan magsinungaling sa akin? Hindi ko siya pipilitin na sabihin sa akin kung ayaw niya.

"Okay. Kailangan ko ng bumalik sa trabaho kasi kinuha ko yung trabaho ni Aizen ngayon."

"Bakit mo naman iyon ginawa?"

"Mas mabuti kasi kasama siya ni Aya bago manganak."

"Oo nga pala. Kailangan ko muna puntahan si Aya para kamustahin man lang." Tumango ako sa kanya bago siya umalis sa harapan ko pero may nahulog na isang bagay at pinulot ko iyon. Picture ba ito ng ultrasound? Teka nga... May nakikita akong ulo dito.

"Fuck. Buntis si Callie. Hindi imposible na ako ang ama noong dinadala niyang bata."

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko ngayon. Masaya ako dahil magkakaroon na rin ako ng anak. Alam ko akin yung bata. Pero bakit hindi sinabi sa akin ni Callie? Dahil ba sa nakita niya kanina habang naguusap kami ni Chelsea? Magkaibigan lang kami noon. Kailangan ko ulit kausapin si Callie.

Pagkatapos ng trabaho ko ay tinawagan ko si Callie pero hindi ko siya matawagan. Hindi ko naman alam kung saan siya nakatira ngayon. Damn, paano ako makakasigurado?!

Napapangiti ako habang tinitingnan ang ultrasound result ni Callie.

"Mukhang masaya yata ang anak ko ngayon ah." Nagulat ako noong marinig ang boses ni mama. Nawala sa isip ko na tinatawagan ko pala sila ngayon.

"Mama! Yes po."

"Sa anong dahilan kung bakit ka masaya ngayon?"

"This is the reason." Pinakita ko kay mama yung picture ng ultrasound ni Callie.

"What?! Alex naman. Hindi ka namin pinalaki ng papa mo para makabuntis ng babae."

"Don't worry, ma. Pananagutan ko naman po siya kahit ano mangyari dahil anak ko ang dinadala niyang bata."

"Mahal mo ba siya?"

"Yes po. Ngayon lang po ako nagmahal ng babae maliban sayo, ma."

"Iyan ang dapat, Alex. Mahalin mo siya hindi dahil may anak kayo. Kailan mo siya papakilala sa amin?"

"Soon, ma. Kakausapin ko po muna siya."

"Kami ang pupunta diyan o kayo ang pupunta dito?"

"Let see. Kami na lang po, ma. Ayaw na rin po kayo mahirapan ni papa sa haba ng biyahe."

"Kapagpumunta kayo dito dapat hindi pa malaki ang tyan niya dahil mahihirapan din siya sa mahabang biyahe."

"Alam ko po iyan. Isang doctor po ang anak niyo, ma."

"Sinasabi ko lang baka nakalimutan mo dahil excited ka sa bata na dinadala niya."

"Si mama talaga." Natatawang saad ko.

~~~~

AyaZen's story: In A Relationship With My Step Brother (Book 1) and Married With My Ex (Book 2)

Definitely YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon