Heto na ang araw na hinihintay namin ni Callie. Ang araw ng kasal namin. Hindi nga ako makapaniwalang ikakasal na ako sa babaeng mahal ko pero kailangan kong maniwala.
"Pre, kanina mo pa iyang inaayos ang necktie mo. Maayos naman ah." Panimula ni Luca.
"Kinakabahan ka bang hindi ka sisiputin ng kakambal ko?" Natatawang tanong ni Caleb.
"Loko. Naniniwala akong sisiputin ako ni Callie. Mahal ako noon, eh."
"Hi, kuya." Parang narinig ko ang boses ni Dave kaya nilingon ko siya.
"Paano? Kasama mo na sila mama at papa dito?" Bakas sa mukha ko ang pagkagulat dahil nandito si Dave.
"Yep, pero pinuntahan na muna nila si ate Callie." Patango tango ako sa kapatid ko.
"Guys, pakilala ko sa inyo ang kapatid ko na si Dave. Dave, mga kaibigan ko... sa totoo lang mga kaibigan sila ng kuya Aizen mo."
"Salamat sa pagalaga niyo kay kuya." Sabi nito bago humarap kay Aizen. "Sayo rin, kuya Aizen."
"Wala naman ang ginagawa. Ang ate Callie mo ang nagalaga dito sa kapatid mo."
"Kahit na po. Kayo ang nagkumbinse kay kuya noon na magpaopera at kayo rin ang nagpaopera sa kanya."
"I'm doing my job as a surgeon. Ayaw ko rin naman mawalan ng isang mahalagang tao. At saka hindi naman papayag ang kuya mo pag hindi daw ako ang magpapaopera sa kanya."
"May tiwala kasi ako sayo pero hindi ko naman sinasabing wala akong tiwala sa ibang surgeon ng ospital." Singit ko sa kanila.
"Nandito na pala sila mama at papa." Sabi ni Dave kaya nilapitan na namin ang mga magulang namin.
"Hello po, tita, tito."
"Oh, Aizen. Salamat sa pagbantay kay Alex."
"I did nothing, tita."
"Pa, ma, mabuti po nakapunta kayo ngayon."
"Of course, Alex. Kinausap kami ni Callie na umuwi bago ang araw ng kasal niyo."
"Callie did that?" Hindi ako makapaniwalang na gagawin ni Callie ito. Best wedding gift niya sa akin.
"Yes, bayaw. Gabi-gabi na lang sila kinausap ni Callie para sabihan kung kailan ang araw ng kasal niyo."
Napangiti ako sa sinabi ni Caleb. Bumawi na naman sa akin si Callie pagkatapos kong kumbinsihin ang mga magulang nila na umuwi ng Pilipinas.
"Son, alagaan mo ng maigi ang asawa mo dahil ayaw ko masira ang pagkakaibigan namin ng ama nila."
Hindi nga ako makapaniwalang magkaibigan ang mga ama namin ni Callie. At mukhang tinadhana talaga kami para sa isa't isa.
Nagsimula na ang seremonya ng kasal at nakikita ko na si Callie hinahatid ng kanyang ama sa aisle.
"Take care of my daughter, Alex."
"You have my word, tito."
Nakaharap na kami ngayon ni Callie sa priest. Simpleng kasalanan lang ito at pamilya at kaibigan lang namin ang imbitado sa kasal namin. Ayaw kasi ni Callie ang engrandeng kasal. She is my boss.
"Do you Alexander Murry take Callie Tan as your wedded wife?"
"I do."
"Do you Callie Tan take Alexander Murry as your wedded husband?"
"I do."
Humarap na ako kay Callie para sa exchanging vows.
"When we first met I can't stop thinking about you. I'm not sure if you still remember that time noong may isang naaksidente and I accidentally heard your voice. Noong narinig ko ang boses mo sa unang pagkikita natin ay hindi ako pwedeng magkamali pero hindi ko alam kung ikaw na ba ang babae para sa akin kahit malaman mo ang tungkol sa sakit ko." Pinupunasan ko na ang luha na kanina pa gustong pumatak sa mata ko.
"Kahit sa unang pagkikita nating dalawa ay hindi ako makapaniwalang sasabihin mo sa akin na gusto mo ko. Simula noon ay naguguluhan na ako at noong nakilala na kita ng lubusan ay doon ako napaisip na mahal na rin kita." Napangiti ako dahil totoo naman iyon. Hindi ako pumayag sa kagustuhan ni Luca noon dahil ayaw ko naman umasa na ako ang pipiliin ni Callie kung si Luca ang mahal niya, hindi ako. Pero nagbago ang lahat bago ako nagbakasyon ulit sa states para makasama ang pamilya ko. "Dahil sa kakulitan mo noon kaya nahawa na rin ako na huwag mo ko iwanan noon pero hindi kita nakumbinse at naghintay ako sa pagdating mo. Hindi nga ako nagkamali na ikaw ang minahal ko."
"And now I pronounce you a husband and wife. You may kiss the bride."
Tinaasan ko na ang suot na belo ni Callie bago ko siya hinalikan. A gentle kiss, siyempre may kasamang pagmamahal.
Nagpalakpakan na yung mga bisita namin tapos pumunta na yung iba sa harap para sa pictures kasama kaming bagong kasal.
May onting salu-salo lang para sa reception namin.
"Mukhang ngayon ay maiintidihan ko na ang pakiramdam ni Aya." Bulong ni Callie at tama lang para marinig ko iyon.
"Why?"
"Isa kang doctor, Al. Pag bumalik ka na sa ospital ay magiging busy ka na."
"Hindi mangyayari iyang iniisip mo. Hindi naman ako katulad ni Aizen na may ari ng ospital, eh."
"Mabuti dahil hindi ko kaya kahit isang sekundo lang kita hindi makita."
"Alex, Callie, congrats sa inyong dalawa." Napatingin ako sa nagsalita. Nandito na pala sa harapan namin si Aya at Aizen. "Alex, subukan mong paiyakin si Callie at kakalimutan kong kaibigan ka ni Aizen dahil lagot ka sa akin."
"Pagkatapos mo ko takutin kaya hindi ko iyan magagawa sa kanya."
"Congrats sa inyong dalawa ah. And Alex, mabuti na lang talaga nag-improve ang kalagayan mo ngayon."
"Oo nga, eh."
"Pag okay okay na talaga ang pakiramdam mo ay welcome na welcome kang bumalik sa ospital at sabay kami magsasabi ng welcome back sayo."
"Sweet. Sige, aasahan ko iyan."
Bumalik na ang magasawa sa kanilang table at sakto naman lumapit sa amin yung tatlo pang kaibigan ko.
"Sayang wala tayong boys night out before the wedding." Rinig kong sabi ni Chuck.
"Wala kayo?" Tanong ni Callie.
"Wala rin naman kayong girls night out, eh." Sagot ko.
"Iniisip ng magasawang iyon ang kalagayan niyong dalawa." Tugon ni Luca. Tumango naman ako sa kanya.
Nang nakaalis na yung mga bisita ay umuwi na kami sa bahay. Sa hotel na muna sila mama para ma-solo ko ngayong gabi si Callie. Palagi ko naman siya nasosolo kaya nga nakabuo ulit kami.
"It's our first night together as a husband and wife." Sabi ko pero napansin kong ang tahimik ni Callie. "May problema ba?"
"Wala naman. Masaya lang ako dahil kasal na tayong dalawa."
"Me too." Niyakap ko mula sa likod si Callie. Hindi pa naman masyado halata ang umbok ng tyan niya kaya hindi iisiping buntis siya. 3 months pa lang kasi ang pagbubuntis niya, so may 2 months pa kami para malaman ang gender ng kambal.
"At iniisip ko lang din na gusto ko makasama ka sa kabuwanan ko."
"Palagi mo naman akong kasama kaya huwag mo ng isipin iyon."
"No, I mean hanggang sa loob ng delivery room."
"Subukan ko. Bawal kami pumasok sa loob, eh."
"Al, hindi ko ipapanganak itong kambal pag hindi ka sumama." Kinalas niya ang pagkayakap ko sa kanya bago umakyat sa itaas. Alam ni Callie kung saan ang kwarto ko.
Napakamot na lang ako ulo dahil sa inasal niya ngayon. Ganoon siguro pagbuntis kaya pagpasyehan na lang ang asawa ko.
~~~~
Dahil malapit na matapos ang story ng CaLex kaya may gawa na ako para sa story ni fafa Enzo. Nasa draft na siya kaya kung naipublish ko na yung last chapter doon ko lang ipapublish ang story ni fafa Enzo.
-Skye

BINABASA MO ANG
Definitely Yours
RomanceAno na lang ang gagawin mo kung magkagusto ka sa isang lalaki na mukhang hindi seryoso sa isang bagay? Pipilitin mo pa rin ba ang sarili mo para makuha siya? O magagawan mo magmahal sa ibang lalaki na kabaliktaran ng first love mo? Meet Callie Tan a...