Nakatingin lang ako sa kisame dahil naging tagumpay na rin ang operasyon noon. Hindi pa ako pinapayagan ni Aizen bumalik sa trabaho, baka singilin pa niya ako ng mahal kung hindi ko siya sundin. Blackmail talaga itong ginagawa niya. Akala ko ba kaibigan ko siya?! Kakaiba talaga si Aizen.
"Musta na ang pakiramdam mo ngayon?" Tumingin ako sa bagong dating na si Aizen.
"Bored na ako kaya gusto ko ng umuwi sa bahay."
"Pwede ka na rin naman umuwi na dahil bayad na rin ang bayad mo sa ospital at sa akin."
"Grabe siya. Kahit kaibigan mo wala kang patawad. Mayaman ka naman kaya hindi mo kailangan ng pera, Aizen."
"Nagtatrabaho ako para makaipon ng pera para sa kinabukasan ni Mykiel." Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Bakit naman niya iyon gagawin sa anak ni Aya?
"Bakit mo naman gagawin iyan?"
"I already got the result at inamin na rin sa akin ni Aya noon."
"Ano ang resulta? Negative?"
"Sorry ka dahil positive ang resulta ng DNA test namin ni Mykiel. Kaya anak ko siya kay Aya."
Wow. Ama na si Aizen ngayon.
"Ama ka na hindi mo man lang alam."
"Hindi importante iyon. Ang importante ay may anak ako kay Aya." Hindi nga nawawala ang ngiti sa mga labi nito.
"Congrats, Aizen. Tuloy pa rin ba ang binabalak mong kasal?"
"Yes. Of course. May anak kami kaya kailangan rin ng kasal para buo na ang pamilya namin."
Sino naman kaya ang kukunin niyang best man? Bahala na siguro kung sino.
Ilang linggo ang nakalipas ay nakabalik na ulit ako ng trabaho. Miss na nga ako ng mga kasama ko sa department. Alam na rin ng ibang staff na may sakit ako noon dahil dinalaw nila ako at nagtataka kung bakit ako magpapaopera kaya sinabi ko na lang sa kanila ang totoo.
"Doc, ayos na po ba kayo bumalik sa trabaho?" Tanong ng isang kasama ko dito.
"Yup, ayos na ako. Ilang linggo na rin noong lumabas ako dito, siguro tama na ang panahon nakahiga lang ako sa kama."
May dalawang bagong interns kaya nagsimula na akong turuan sila. Mukhang madaling turuan ang dalawang ito dahil nakikinig sila ng maigi sa sinasabi ko. Pinagpahinga ko muna sila noong lunch break na kaya lumabas na ako para kumain pero nakikita kong magkasama sina Aizen at Aya. Nagkaayos na ba yung dalawa? Ngayon ay may alam na si Aizen na may anak siya kay Aya.
"Hi, kuya Alex." Tumingin ako sa nagsalita.
"Bakit nandito ka, Nika? Kung si Aizen ang pinunta mo ay puntahan mo na lang siya sa clinic niya."
"Galing na ako doon sa kanya pero masyadong busy si kuya Aiz."
"Talagang busy si Aizen. Bakit ka pala nandito?"
Alam kong mahal ni Aizen itong si Nika kaya kung ano ang gusto ni Nika ay sinusunod ni Aizen, kahit ang family dinner. Ayaw kasi ni Aizen ang ganoon dahil hindi pa nagkaayos sila ng mama niya. Kinuwento lang niya sa akin kaya alam ko.
"Nalaman ko rin kasi na nagopera ka. Bakit?"
"Hindi mo na kailangan malaman iyon. Kakain na muna ako dahil mamaya ay marami pa akong gagawin."
Naglalakad na ako pero napansin kong sumusunod sa akin si Nika kaya huminto na ako sa paglalakad.
"Sama ako sayo, kuya Alex."
"Fine." Naglalakad ulit ako pero this time ay kasama ko ngayon si Nika.
Pagkarating namin sa canteen ay bumili na kami ng makakain.
"Wala ka pa rin ba napupusuan?" Tanong nito sa akin.
"Bakit mo naman gusto malaman? Type mo ko?" Ngumisi ako sa kanya at iyon ang kinagulat niya.
"A-Ang kapal naman ng mukha mo. Kung hindi ka lang kaibigan ni kuya Aiz kanina pa kita sinapok."
"Binibiro lang kita." Umupo na kami sa bakanteng upuan. "Bakit ba gusto malaman?"
"Wala lang. Si Kuya Aiz kasi may anak na siya kay ate Aya."
"Alam mo na ang tungkol sa anak nila?" Nagsimula na akong kumain.
"Yep, pumunta kasi si kuya Aiz kasama si ate Aya at Eizen sa bahay. Pinakilala rin niya sa amin."
Bakit walang sinasabi sa akin si Aizen tungkol doon?
"I see..."
"At saka hindi ka na bumabata kaya kailangan mo rin ng asawa."
"Tsk. Alam ko naman iyan. Hindi ko pa nahahanap yung babae para sa akin."
Pagkatapos kumain ay mabuti naisip na ni Nika umuwi dahil nakakainis rin siya minsan. Ang dami niyang tanong, talo pa yung mga reporter kung magtanong.
"Dr. Alex." Tumingin ako noong may tumawag sa akin. Isa sa mga doctor dito sa ospital.
"Yes? May kailangan kayo?"
"May pasyente kasi ako na kailangan ng x-ray."
"Okay. Kailan ba siya nagpapa x-ray?"
"Ngayon siya dapat ipa x-ray pero pagkadating namin sa department niyo ay walang tao kanina."
"Ganoon ba? Okay, dalhin mo na lang doon yung pasyente mo at ako na kukuha sa kanya ng x-ray." Sabi ko. Bumalik na ako agad para hintayin yung pasyente na kailangan ipa c-ray, dumating na rin yung dalawang interns. "Mabuti nandito na kayong dalawa."
"May ipapagawa po kayo sa amin?"
"May pasyente dadating mamaya at kailangan siya ipa x-ray. Ang gawin niyo lang alamin ang resulta ng x-ray." Sabi ko sa kanila.
"Hindi po ba matagal pa para makuha ang resulta ng x-ray, doc?" Tanong ng isa.
"Yes. Matagal pa nga makukuha ang resulta. Siguro nandito pa rin naman kayo para alamin ang resulta ng x-ray."
Dumating na yung pasyente ni dra. Chelsea. She is one of the best doctor here. Ang bali-balita dito ay may gusto daw siya sa akin, iyon kasi ang naririnig ko sa ibang staffs. I don't believe in rumors pero mabait namang tao si dra. Chelsea.
"Maybe a weeks or months pa makukuha yung resulta. Balikan niyo na lang o ako ang pupunta sa kwarto niya para sabihin ng dalawang interns ko."
"Sigurado ka po bang sila ang magsasabi kung ano ang resulta? Baka kasi magkamali sila, doc." May pagaalala sa boses ni dra. Chelsea.
"No worries. Naniniwala ako sa kakayanan nilang dalawa and I'm sure hindi sila magkamali."
"They're only a students."
"Exactly but don't underestimate their skills, dra. Chelsea. Sa nakikita ko sa kanila ay handa sila maging radiologist someday."
Pagkaalis ni dra. Chelsea kasama ang pasyente niya ay humarap na ako sa dalawang interns ko.
"Thank you po, doc." Napakurap ako sa sinabi nila sa akin.
"For what?"
"Dahil po naniniwala kayo sa kakayanan namin. Sa tagal na po naming interns sa ibang ospital ay kayo pa lang po ang nakakaappreciate ng kakayanan namin."
"So, magkakilala kayong dalawa?" Tumango sila. "I see. Kaya ko lang naman nasabi iyon dahil iyon ang nakikita ko sa inyo. Pursigi kayo matuto. Sa nakikita ko magiging magaling na radiologist kayo."
"Pangako po, dr. Alex. Hindi ba, Dash?" Tango ang kasama niya sa kanya.
"Kung makagraduate man kami dito hindi namin makakalimutan ang mga tinuro niyo sa amin."
Ngumiti ako sa kanila. Ganyan ang gusto ko mangyari.
BINABASA MO ANG
Definitely Yours
RomansaAno na lang ang gagawin mo kung magkagusto ka sa isang lalaki na mukhang hindi seryoso sa isang bagay? Pipilitin mo pa rin ba ang sarili mo para makuha siya? O magagawan mo magmahal sa ibang lalaki na kabaliktaran ng first love mo? Meet Callie Tan a...