Naging busy ako hanggat hindi pa pwede bumalik sa ospital si Aizen dahil hindi pa nanganganak si Aya. Alam ko rin malapit na dumating ang kambal nila. Damn, yung akin matagal pa. Hindi pa nga kami nagkakausap ni Callie, ang huling paguusap namin noong punta niya dito. Noong nalaman kong buntis siya. Siguro iyon ang pinunta niya kaya siya nandito noong panahong iyon.
I called Aizen para sabihin sa kanya ang sinabi sa akin ni mr. Reid, one of the board member.
"May nangyari ba sa ospital?" Bungad nito sa akin.
"Wala naman but I have something to tell you important."
"Okay, shoot. What's up?"
"Hinahanap ka sa akin ni mr. Reid dahil hindi nga ikaw ang pumunta noong huling meeting sa kanila. Kailangan ikaw talaga dahil ikaw ang may ari ng ospital."
"Damn. That old man. May ginagawa akong importante at hindi ko naman pwedeng iiwan si Aya."
"Kung hindi ka daw makapunta sa susunod na meeting ay tatanggalan ka na nila ng lisensya."
"So frustrated, man. Ayos lang sa akin na tanggalan nila ng lisensya dahil hindi lang naman ako ang mawawalan, sila rin."
I admit it, Aizen is one of the best surgeon in town.
Pero kung gaano ayaw ko sa meeting with the board ay ganoon rin si Aizen kaya lang wala siyang choice dahil siya ang head ng ospital.
"That's all. Marami pa akong gagawin ngayon." Pagkababa ko ng tawag ay tinawagan ko si Callie pero palagi cannot be reached. Asar! Pati ako ay frustrated.
"Dr. Ban, kayo na muna dito dahil may kailangan lang ako asikasuhin ngayon. Importante ito." Utos ko sa isang kasamahan kong doctor. Isa rin siya radiologist at pinagkakatiwalaan ko. "Tawag mo na lang ako kung may problema."
"Okay po, doc. Ako na ang bahala habang wala pa kayo."
"Thanks. I owe you this one."
Nagpasya na ako pumunta sa restaurant ni Callie and one of the staff greeted me.
"Good morning, sir. Do you have any reservation?"
"No, I don't have. Pero pwede magtanong?"
"Sure po. Ano po iyon?"
"Pumasok ba si ms. Callie ngayon?"
"Yes po, sir. Gusto niyo po bang tawagin ko si chef Tan?"
"Yes, please. Pakisabi na maghihintay ako sa kanya. Kung busy siya ay maghihintay pa rin ako sa kanya."
"Okay po, sir."
Umupo na ako sa bakanteng upuan malapit sa bintana. Nakatingin lang ako sa labas habang hinihintay si Callie.
"Ang sabi ng staff ko kailangan mo daw ako." Napatingin ako sa nagsalita. Ngumiti ako nang makita ulit siya. God! I missed her much!
"Yes, pero maupo ka na muna." Pag alok ko sa kanya sa upuan sa harapan ko. Umupo naman siya agad.
"Ano ba ang gusto mong pagusapan?"
"About this." Pinakita ko sa kanya yung picture ng ultrasound niya.
"Saan mo nakuha ito?" Halata talaga sa mukha niya ang pagkagulat.
"Nahulog ito noong huling pagkikita natin, Cal. So, tell me about it. I want the truth."
"Fine. Hindi ko rin naman maitatago sayo ang katotohanan." Tingnan niya ulit yung picture nasa table ngayon. "Yes, I'm pregnant."
"Wala ka bang balak sabihin sa akin? Because I know the baby is mine, Cal."
"Meron akong balak sabihin sayo ang tungkol sa dinadala ko. Wala naman akong balak itago sayo ang katotohanan. Sasabihin ko naman sayo noong nagpatingin ako dahil gusto kong malaman ang magiging sagot mo."
"Bakit hindi mo ko pinuntahan? You know where I live and you also know where I work, Cal."
"Pagkatapos ng paguusap nating dalawa noon ay nagdadalawang isip na ako dahil hindi pa ako handa sa ganitong bagay."
"I understand. Kahit rin naman ako hindi pa handa pero nandiyan na. Hindi mo naman pwedeng ipalaglag yung bata."
"Wala naman akong balak ipalaglag ito, no!"
"Pero handa akong panagutan kayo ng anak natin."
"Alam ko naman na gagawin mo ito para sa bata."
"Are you crazy, Cal? Gagawin ko ito hindi dahil ako ang ama ng dinadala mong bata. Ginagawa ko ito dahil mahal kita." Nakita kong may luha ang pumatak sa mga mata niya. "Shit. Don't cry. Baka isipin ng iba ay pinapaiyak kita."
"Totoo naman kasi."
"Wow ah. Kahit kailan hindi ako marunong magpaiyak ng babae."
Hindi ako playboy. Kung playboy ba ako aabot ba ako sa edad kong ito na NGSB? Maswerte pa ang babae kung maging boyfriend nila ako dahil gwapo na maginoo pa.
"And also I want you to take a leave for a week. Or maybe 2 weeks."
"Huh?" Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Bakit ko naman iyan gagawin?"
"Naikwento kita kay mama noong isang gabi at nasabi ko rin sa kanya tungkol sa pagbubuntis mo. That's why she wants to meet you."
"What? Ano naman ang sasabihin mo sa pamilya mo? Ni hindi mo nga ako girlfriend."
"Ako na ang bahala."
"Ano ang sasabihin mo sa kanila? Friends with benefits lang tayo?"
"What? No. I don't want to disappointed my parents kung sasabihin ko sa kanila ang tungkol sa status natin."
I admit it, our status is really complicated. It's complicated.
"Ano nga kasi sasabihin mo?"
"You'll see, babe. Huwag ka na tanong ng tanong sa akin. Isang tanong pa ay hahalikan kita dito mismo." Tikom ang bibig niya ngayon. Kung ako lang ang masusunod ay hahalikan ko talaga siya sa maraming tao para alam nila akin lang si Callie. "Bakit hindi pala kita matawagan?"
"Nasira kasi yung phone ko."
"Tsk. Bumili ka ng bagong phone dahil hindi ko alam kung paano kita tatawagan."
"Ibigay ko na lang sayo yung address ko kasi gusto ka rin makilala ni Caleb." Kumuha siya ng tissue dahil wala namang papel dito kaya iyon na lang ang ginawa niyang papel. Sinulat na rin niya ang address niya bago inabot sa akin. "Pumunta ka na lang dito kung kailan ka pwede. Alam ko naman busy ka sa trabaho mo."
"No, you have to buy a new cellphone. And call me if you got one."
"Okay."
"Basta huwag mong kalimutan na kailangan mo mag-leave na muna sa trabaho ng isa o dalawang linggo. Hindi ko alam kung kailan ako tatagal sa states."
"I know how you missed your family." Biglang lumungkot ang mukha niya.
"What's wrong?"
"I just missed my parents."
"Nasaan sila ngayon?"
"Katulad ng sayo, nasa states rin sila kaya kaming dalawa lang ni Caleb ang magkasama. Gusto nga namin sila dito lang sa Pilipinas pero matigas ang ulo."
Tumatango ako sa kahya. I have an idea. Hahanpin ko ang magulang niya habang nasa states kami.

BINABASA MO ANG
Definitely Yours
RomansaAno na lang ang gagawin mo kung magkagusto ka sa isang lalaki na mukhang hindi seryoso sa isang bagay? Pipilitin mo pa rin ba ang sarili mo para makuha siya? O magagawan mo magmahal sa ibang lalaki na kabaliktaran ng first love mo? Meet Callie Tan a...