Capitulo Dos

11.9K 409 155
                                    

Dedicated to JamiL_092104

Sana i-like nyo yung facebook page ko Author Nom (Kapag hindi niyo makita, search niyo yung Nomdeplume Wp) Salamaaaat 💜





PATRIA'S POV

"Patria, Gumising ka na riyan. Narito na tayo." Napabalikwas naman kaagad ako dahil sa tapik na naramdaman ko. Sadly, nandito pa din ako sa 19th century dahil tumambad sa mukha ko ang mukha ni ate Marina na ginigising ako.

"Nasaan tayo?" Tanong ko habang dinungaw ko ang mukha ko sa bintana ng kalesa.

"Narito na tayo sa Hacienda. Halika na't tayo'y hinihintay na nina ama't ina." Bumaba na si ate Marina sa kalesa kaya sumunod na agad ako sa kanya. Sobra akong na-amaze dahil bumungad sa akin ang super duper laking bahay pero gawa sa kahoy. Mataas ito kaya mahahalata na may second floor ang bahay.
Pagpasok ko, nakatingin at nakangiti sa akin ang mga babae na nakasuot ng kulay puting bistida na abot hanggang paa at meron pang puting tela na nakapatong sa ulo nila. Palagay ko ay uniform nila dahil pare-pareho sila ng suot.

"Maligayang pagbabalik, Señorita Patria." Sabay-sabay nilang sabi sa akin kasabay ng pag bow ng kanilang mga ulo habang magkahawak ang kamay.

Napatingin ako sa dining table kung saan nandoon nakaupo na ang mag-asawang Del Mundo at nakangiting nakatingin sa akin. I hate attentions. Hindi uso sakin yun sa 2017 at ayoko talaga yung ganitong pinagtitinginan ako kaya napapaiwas ako ng tingin.

"Meling, iyo munang bihisan ang aking anak marahil ay mukhang hindi kaaya-aya ang kanyang kasuotan." Napa-irap ako sa narinig ko. Iniinsulto ba nitong empachadong 'to ang damit ko? wala syang kataste-taste ha?! Ang sexy ko kaya.

Lalapit na sana yung tinawag na Meling sa akin pero nagsalita na ako.

"Hindi na kailangan, mamaya na ako magbibihis. Kakain muna ako." Naglakad na ako papunta sa dining table at umupo doon. Tumabi ako sa mga kapatid ko at nagsimulang sumubo ng pagkain.

"Let's eat." Iritable kong sabi. Madaming nakahain sa lamesa at lahat iyon nilagay ko sa plato ko. Konti lang naman kada putahe at konting kanin lang din para kahit papano ay hindi ako tumaba sa panahong 'to.

Nagsimula na akong kumain. habang nakatingin silang lahat sa akin kaya napaisip ako kung masama bang kumain nang iba't-ibang naklagay na ulam sa plato.

"What are you waiting for?" Kumain ulit ako na parang wala sila sa harap ko. Nagugutom talaga ako ngayon at yun lang ang iniisip ko. Tsaka ko na iisipin kung bakit nasa 19th century ako kapag busog na ako nang mas gumana ang isip ko.

"Mukhang nawala rin sa ala-ala ni Patria ang pananalangin bago kumain." Napatigil ako sa sinabi ni Don Hidalgo. Uh-oh Oo nga pala. Sa sobrang gutom ko, nakalimutan kong nasa 1890 pala ako. Binitawan ko ang hawak kong spoon and fork na kulay ginto. May design sa hawakan na hindi ko maintindihan dahil symbols lang sya na parang sa mga Egyptians.

"Sorry." Sabi ko sabay tungo. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng hiya for the first time.

"Hindi na bale anak. Sa susunid ay huwag mong kalilimutang magpasalamat sa diyos bago kumain. Kumain na tayo." Wika ni Doña Talina nang nakangiti. Kanina pa sya ganyan. Palagi syang nakangiti sa akin. Nawe-weirduhan tuloy ako.

Nagsimula na silang kumain kaya kumain na ulit ako. Masarap ang pagkakaluto ng adobong manok na 'to kesa sa 2017. Ibang-iba ang lasa kesa sa mga nabibili sa food court.

"Anak, maaari bang magtanong kung paano mo natutunang magwika ng Ingles?" Sabi ni Empachado-- este ama. Dapat sanayin ko nang Ama dahil baka makahalata na sila. Napatikhim muna ako bago sumagot.

A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon