Capitulo Veintiuno

4.9K 186 11
                                    

ForeverIFall24 para sa iyo ang Capitulong ito :) Nawa'y magustohan mo.

Sana i-like nyo yung facebook page ko Author Nom (Kapag hindi niyo makita, search niyo yung Nomdeplume Wp) Salamaaaat 💜



-----

Patria's POV

Si Julian....

Halos hindi ako makakurap dahil sa posisyon naming dalawa. Alam kong masyadong mapangahas ang ganito kalapit sa isang Binibini pero hindi ako makapalag.

"May kailangan kang malaman"
Seryosong tugon sa akin ni Julian na nagpabalik sa ulirat ko

Bago pa ako makapagsalita, hinila na nya ako at saka kami umalis sa Hacienda Villareal.

Tahimik na naglalakbay ang kalesang sinakyan namin sa hindi ko alam na lugar.

Gusto ko sana siyang tanongin kung bakit hindi man lang niya ako pinuntahan sa kweba pero sadyang hindi ko magawa sa hindi ko malamang dahilan.

"Narito na tayo" Saad ni Julian na agad bumaba ng kalesa. Sumunod ako sa kanya.

Narito kami sa paanan ng bundok kung saan maraming kubong nakatayo sa paligid. Bukas din ang kanya-kanyang gasera sa kanilang himpilan

Pumasok kami sa isang kubo at doon ay nakita ko si Ka Pedring kasama si Antoñito.

"Kamusta ka na Binibini? Nabalitaan ko ang nangyari sayo. Lumipat na ng lugar ang samahan pagkat hindi na ligtas sa dulo ng bayan dahil sa paghihigpit ng seguridad. At ayon na rin sa utos ng Pinuno" Paliwanag ni Ka Pedring.

"Ayos na po ako. Pinuno? Hindi po ba't kayo ang pinuno?" Nagtatakang tanong ko sa kanya

"Kanang kamay lamang ako ng pinuno kung kaya't ako ang nangangasiwa sa samahan" Paliwanag ni Ka Pedring

"Wala pang nakakakita sa pinuno. Isa lang ang nakakakilala sa kanya. Yon ay si Sitong. Hinikayat lamang ako ni Sitong sa samahang ito hanggang sa dumami ang bilang ng samahan" Dagdag pa ni Ka Pedring

"Nasaan na po si Sitong?" Tanong ko pa

"Patay nang matagal si Sitong kung kaya't ipinasa niya sa akin ang pangangasiwa ng samahan ngunit hindi nya sinabi kung sino ang Pinuno. Naikwento lamang niya sa akin na maginoo raw ang Pinuno na sadyang tumutulong sa mahihirap. Ngunit hindi nya binanggit ang ngalan nito. Nakatatanggap lamang kami ng liham mula sa kanya. Kung ano ang mga dapat gawin" Paliwanag niya pa.

"Binibini, maaari ko bang malaman kung ano ang nangyari sa iyo?" Tanong ni Ka Pedring

"Hating-gabi na noon nang makarating kami dito sa maynila. Galing kami sa Bicol. Hinihintay namin sina Ama sa daungan upang sunduin kami ng kalesa ngunit isang kalesa ang dumating at nagbabaan ang tatlong lalaki. Sinakay at dinala nila ako sa isang kweba at sinabing nagpadala na sila ng liham sa aking nobyo" Pagkukwento ko

"Nobyo? Si kuya ba? O a-ako?" Pagsingit ni Julian

"Hindi ko din alam pero sigurado akong isa sa inyo" Sagot ko

"Pero wala akong natanggap na liham. Noong gabing dinukot ka ay nasa bicol pa kami. Kinabukasan non ay siyang pag byahe namin patungo dito sa maynila kaya naman bandang gabi na kami nakarating. Kinabukasan pa namin nalaman na dinukot ka ngunit nakauwi din kaagad sa tulong ni Samuel Villareal" Pagtatakang litanya naman ni Julian

"Anooo?! paanong wala kayong natanggap na liham magkapatid eh malinaw sa pandinig ko na sinabi nung dumukot sa akin na nagpadala raw sa iyo ng liham upang sunduin ako doon" Pagpapaliwanag ko

A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon