Capitulo Diecinueve

5.3K 199 9
                                    

Ang Capitulong ito ay para kay
marzkie767

Sana i-like nyo yung facebook page ko Author Nom (Kapag hindi niyo makita, search niyo yung Nomdeplume Wp) Salamaaaat 💜



Patria's POV

Seis de Abril, Mil Ocho Cientos Noventa

Nagising na lang ako isang umaga na inaalog alog ni Concela

"Binibini! Bumangon ka riyan! May masama akong balita sa iyo!" Aniya, kaya naman napabalikwas ako ng bangon

"Ano?" Tanong ko, kitang kita ko sa Expression ng mukha nya na natataranta sya

"Nagtungo ako sa pamilihang bayan kaninang alas séis ng umaga. Habang ako'y namimili, Nakasalubong ako ng kalesa, Lulan non si Ginoong Lorenzo at isang Señorita" Pagliliwanag ni Concela

"Ano?! Ano namang gagawin ni Lorenzo dito?!" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam Binibini, pero dalawang rason ang tumatakbo sa isipan ko. Kung hindi si Ginoong Julian, Ikaw ang sadya niya rito" Pagbibigay kongklusyon nya

Ako? Bakit naman ako? Kunsabagay, ako ang ipinagkasundo sa kanya. Pero bakit naman siya magdadala ng babae dito? Ano yun? Para ipamukha sa akin na kung ayaw ko sa kanya, Mas ayaw niya sa akin? Arggg! Nalilito na ako kakaisip!

"Concela! Magbibihis lamang ako, Sabihin mo kay Ate Marina na aalis ako dahil dumating dito si Lorenzo, Ngunit huwag mong babanggitin na narito rin si Julian. Idahilan mong pupuntahan ko lamang siya. Magmadali ka!"

At dahil don, Agad na lumabas si Concela ng silid ko habang ako ay nagmadaling nagbihis.

Ni hoy ni hay ay hindi ko na binanggit at sumakay na ako sa kalesa ni Tiyang Ebang. Mabuti na lamang at naroon ang kutsero kaya agad akong naka alis

Lumagpas na kami sa bayan.
Habang naglalakbay ang kalesa, ay lumilingon-lingon ako sa paligid baka sakaling maabutan ko sina Lorenzo at hindi nga ako nagkamali. Nakita ko sina Lorenzo sa isang tapat ng bahay kasama ang isang babae at si Julian. Kaya agad kong pinahinto ang kalesa. Nakatalikod sila sa akin maliban kay Julian dahil kinakausap nito ang nakatatanda nyang kapatid

Agad akong bumaba ng kalesa at nagtungo sa kanila.
Gulat na napatingin sa akin si Julian at Lorenzo habang ang babae naman ay nakatingin lang

"B-Binibini, Anong ginagawa mo rito?" Tanong sa akin ni Julian pero hindi ko sya sinagot, Sa halip ay humarap ako kay Lorenzo

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya

"B-Binibining Patria" Napatingin siya kay Julian saglit bago nagpatuloy

"Hinatid ko lamang si Señorita Laura dito. Ipinag-utos iyon ng Gobernador-cillo kay Ama kung kaya nama'y inutusan ako ni Ama na ihatid ito kay Julian dahil ako lamang ang nakaka alam kung nasaan siya" Paliwanag ni Lorenzo.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil narito na pala ang babaeng pakakasalan ni Julian at nasa harapan ko pa. Maganda siya. Maputi sya at makinis ang balat. Matangos ang ilong nya at mukhang may ibang lahi talaga siya

Nakita kong napataas ang kilay niya sa akin

"Ikaw pala si Patria Del Mundo" Ngiti niya sa akin. Pekeng ngiti

"Tunay nga ang nabalitaan ko mula kay Samuel. Na ikaw ay may taglay na karikitang maihahalintulad sa isang manyika" Napataas ang kilay ko. Si Samuel? Isa rin yon eh! talagang magkakaugali sila. Villareal nga ang dugo at laman ng isang to

A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon