Capitulo Nueve

6.9K 262 23
                                    

Dedicated to Hanagucci21

Sana i-like nyo yung facebook page ko Author Nom (Kapag hindi niyo makita, search niyo yung Nomdeplume Wp) Salamaaaat 💜



Patria's POV

Maaga akong ginising ni Concela dahil isasama daw ako ni ate Maria sa palengke. Pamilihan ang tawag nila dito. Buti nga't medyo nasasanay na din akong magtagalog at nasasanay na din ako sa kultura dito.

Heto ako't nagaayos ng sarili nang pumasok si Concela dito sa silid ko.

"Binibini, pinapatawag na kayo ni Binibining Maria. Baka raw tanghaliin kayo sa pamilihan." Ngumiti lang ako saka lumabas at bumaba sa salas.

"Halika na Patria. Kanina pa naghihintay ang kutsero." Nauna na syang lumabas ng bahay kaya ayad akong sumunod sa kaniya palabas.

Una nyang nilagay ang bayong nya sa kalesa saka sya umakyat kaya sumunod na din ako.

Ilang minuto lang narating na kaagad namin ang pamilihan. Ang aga aga pa pero busy na ang lahat ng tao. Samantalang sa taon ko, naghihilik pa ang mga tao ng ganitong oras.

"Patria, tinatanong kita. Kanina kapa tulala riyan." Nagulat naman ako sa pagtapik ni ate Maria sa braso ko.

"H-huh? Ano ba yon?" Tanong ko. Masyado na pala akong nalunod sa pagiisip ko.

"Ang sabi ko, saan mo nakuha yang kwintas mo. Tila kakaiba yan ah. At ngayon ko lamang nakita yan sayo." Tanong nya habang nagbabayad ng mga binili nyang prutas.

"Ahh, wala to. Bigay lang ng isang kaibigan." Nagfake smile ako saka napahawak sa kwintas. Hindi ko naman kasi talaga alam kung sino yung nagbigay nito. Na hanggang ngayong lumipas na ang isang linggo eh nowhere-to-be-found pa din sya.

"Sa kaibigan ba talaga? O kay Ginoong Julian?" Pang-aasar nya.

"Kayo ah, kaya pala nung unang bisita nila sa Hacienda eh magkilala na kayo, yun pala lihim ang inyong pagiibigan." Dagdag pa nya. Hindi naman ako maka kontra dahil hindi ko naman pwedeng sabihin na kunwari lang yon para hindi matuloy ang kasal kay Samuel.

"Kaya nga kita isinama dito eh para matuto ka nang magtipid at mamili." Nagtaka naman ako sa sinabi nya.

"Ano? Bakit naman? Aalis ba sila Ama't Ina?" Sunod sunod kong tanong. Ano, magma-migrate sila ganon?

"Hindi. hindi sila aalis. Ikaw ang aalis sa poder nila." Ngiti nya habang tinatrato yung isdang napili nya.

"Ano? diko gets." Iritable ko namang sagot. Kaya madalas akong nahihirapang umintindi eh, masyado silang makata.

"Ang ibig kong sabihin, baka sa pag-amin mo ng pag iibigan nyo ni Ginoong Julian, Hindi magtatagal ay baka ipagkasundo ka na ni Ama sa kanya." Paliwanag nya na kinalaki naman ng mata ko. Mag rereact pa sana ako pero may biglang mabibilis na kalesa ang dumating at tumigil yun ng ilang metro mula sa amin.

"Hulihin ang Indiong yan!" Sigaw ng isang parang nakaheneral o hepe ba ang tawag dito? Hindi ko naman kasi iniintindi ang pinagsasabi ni Mrs Soriana tungkol sa mga may posisyon dito sa taong to nung nagaaral pa ako sa taong 2017. And speaking of that ugly hukluban -_- Naiinis pa din ako sa kanya, feeling ko sya ang may dahilan kung bakit ako nandito.

"Parang awa nyo na! wala akong alam sa paratang nyo sa akin!" Pagmamakaawa nung lalaki. Lahat na ng tao dito sa palengke ay nakatingin na sa kanila.

"Mentiroso!" (Liar!) Sumenyas naman yung pinaka Leader at saka pinagbubugbog ng mga gwardiya civil ang lalaki.

"No!---" Lalapitan ko na sana sya para tulungan pero pinigilan ako ni ate Maria.

"Huwag mo nang tangkain pa Patria. Wala tayong magagawa sa ganyang klaseng sitwasyon." Hawak hawak pa din ako sa braso ni ate Maria.

"Paano mo nasisikmura ang ganyang klase ng pagpapahirap?!" Pigil kong bulyaw sa kanya.

"Gaya ng sabi ko, wala tayong magagawa." Tumalikod na sya at nagsimulang maglakad.

Can't Believe this !

Sinundan ko sya hanggang sa makarating na kami sa kalesa. Nauna syang sumakay kaya sumunod na ako.

Tahimik ang buong byahe namin dahil sa pagkatulala ko at maya maya lamang, nakarating na kami sa Hacienda. Pinabuhat ni ate Maria sa Mayordoma na si Aling Peling ang mga pinamili namin at ako naman, dumeretso lang sa kwarto at humiga. Nakatulalang nakatingin sa kisame at nag iisip ng malalim.

Bigla naman akong bumangon at nagtungo sa kwarto ni Ama.

Kumatok ako ng tatlong beses. Si Ina ang nagbukas, habang ako ay sinilip kaagad si Ama.

"Oh Patria, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Ina.

"Nais ko lamang kausapin si Ama." Sagot ko.

"Halika't pumasok ka." Pagpasok ko, nakita ko si Ama na nagsusulat pa din sa silid nya.

"Ama..." Panimula ko.

Napatingin sya sa akin at tinanggal ang salaming pangbasa.

"Bakit anak? May problema ba?" Tanong nya.

This is my chance.

"Uhm--Nakakita po kasi ako ng kinakawawang lalaki sa palengke. Pinagmalupitan sya ng gwardiya civil at pinapaamin sa kasalanang hindi nya naman ginawa." Tumayo sya at lumapit sa may bintana. Nakatanaw sya sa kawalan habang nakabulsa ang dalawang kamay.

"Alam ko na ang iyong nais ipahiwatig. Hindi ko matutulungan ang mga pinaratangan." Walang gana nyang sagot.

"Pero ama, malapit ka sa Gobernador-Heneral!" Pagpipigil ko ng galit.

"Naiintindihan mo ba ang sitwasyon Patria?! Hindi madaling tumulong sa mga Indio! Kung matutulungan mo man sila, Mailalagay mo naman ang sarili mong pamilya sa panganib! Isipin mo muna ng sampung beses bago mo gawin! Kalimutan mo nalang ang nakita mo." Paliwanag nya. Nagsindi sya ng tobacco nya at saka ako tuluyang umalis.

Pumunta ako sa kwarto ko at doon nagisip isip.

Napaka unfair! Hindi man lang ba dalhin sa hall of Justice bago parusahan? Eh sa 2017 pag nanakit ka pwede kang sampahan ng physical injury! Not that I care pero kasi OA naman yung agad agad pinarusahan at sa harap pa ng madaming tao!

Naalala ko yung lugar na pinuntahan namin ni Julian, lugar kung saan nakatira ang mga pinagmalupitan ng mga may kapangyarihan. Naiintindihan ko na kung bakit natatakot na silang tumira sa bayan.

Napahawak ako sa kwintas kong itim. Tinitigan ko pero may napansin akong kakaiba.

Nagkaroon ng kulay puti na kasinglaki lang ng tuldok.

Pinunasan ko yon kasi akala ko dumi lang, pero hindi. Kahit anong gawin kong punas ay hindi sya matanggal.

Bakit nagkaroon ng puti?

Naalala ko nanaman ang nagbigay nito...

"Kapag tuluyan nang namuti ang kwintas na iyan, tuluyan ka nang makakabalik sa pinang galingan mo" saka naglaho ang matanda

Ito na ba yung sinasabi nyang puputi ang kwintas? Pero paano? Ni hindi ko naman alam kung bakit nagkaroon ng gatuldok na puti dito.








Nagkulong lang ako buong araw sa kwarto dahil sa mga posibleng iniisip ko

A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon