HAPPY 1,000+ READS 😊🙈 *KillingSpree* OMG! HINDI KO MAWARI ANG SAYANG AKING NADARAMA SA INYONG PAGSUPORTA. MARAMING MARAMING SALAMAT SA INYO MGA KAPATID ❣❤ PARA SA INYONG LAHAT ANG CAPITULONG ITO 😘
Mayo Once, Mil Ocho Cientos Noventa
Ikalawang araw namin dito sa bayan ng Sto Domingo. Kahapon ay nagkaroon kami ng pamamahayag ng ebanghelyo buong araw bilang pahinga dahil nung isang araw ay parang binatak ang katawan ko sa pagsasanay ng gawaing-bahay. At ngayong araw naman, Alas Siete y Media ay nagsimula na kami mag gantsilyo. Pananghalian lang ang pahinga namin at deretso ulit sa gawain. Ang hirap. Nakakalito pero paunti-unti ko namang natutunan dahil sa alalay ng Punong Madre kung paano magliko ng tela.
Isang plain blazer ang ginawa ko na siya namang pinagtakahan ni Ate Maria at Ate Marina.
"Saan mo naman natutunan ang disenyong iyan Patria?" pagtataka ni Ate Marina
"Oo nga. Tila ngayon lamang ako nakakita ng ganyang kasootan para sa Binibini" Gatong naman ni Ate Maria.
"Ah--Ehh n-naimbento ko lamang. Ayy! Ang gaganda naman ng punda at cobre kama na gawa ninyo!" Puri ko sa mga gawa nila para maiba ang usapan.
Ngumiti lang silang dalawa habang hinihimas naman ni Ate Marina ang gawa niyang Cobre Kama.
"Ibibigay ko ito kay Ina pagkat mahilig siya sa mga ganitong bagay" Nakangiting wika niya.
Napangiti lang ako sa kabaitan ni Ate Marina.
"Maaari nyong iuwi ang inyong mga gawa upang maipakita sa inyong mga magulang" Wika ni Madam Poling. Ang kanang kamay ng Punong Madre.
"Kapag nakita ko si Itay, ito naman ang ireregalo ko sa kanya" Malungkot namang wika ni Luningning. Isang bolso ang kanyang ginantsilyo para sa kanyang Itay.
"Hayaan mo Ningning, tutulungan kitang mahanap ang iyong Itay" Nasa mababang tono kong saad.
"Salamat Binibini" Pilit na ngiti lamang ang binigay nya sa akin.
"Magsipanaog na ang ilan upang makapag meryenda na" Anunsyo ng Punong Madre na agad namang sinunod ng ilang kababaihan.
Puno na ang hapag sa ikatlong palapag kaya pababa na kami ngayon sa ikalawang palapag nang bigla akong hilahin ng Punong Madre.
Napatingin naman ako kaagad pati narin sina Ate Marina.
"Kailangan nating mag-usap" Seryosong tugon ng Punong Madre.
Napatingin ako kina Ate Maria na napatango lang saka ako sumunod sa Punong Madre na ngayon ay umaakyat na sa ikaapat na palapag kung saan doon nakapwesto ang Cuarto niya at iba pang kasamahang Madre.
"Maupo ka" Agad niyang pahayag nang makarating kami sa loob ng kanyang silid.
Nagaalangan naman akong umupo dahilan upang muntik na akong hindi masalo ng silya. Buti nalang at nakahawak ako kaagad.
"May Ginoong nakiusap sa akin kaninang umaga. Kailangan mo raw magtungo sa kanilang lugar bukas ng alas siete ng gabi. Hindi ko man maipaliwanag sa sarili ko kung bakit tila magaan ang pakiramdam ko sa binatang iyon kaya naman pumayag ako."
Pahayag ng Madre habang nakatingin sa labas ng vintana.
"Nagpakilala po ba ang sinasabi niyong binata?" Tanong ko. Maaari ngang siya pero kailangan kong kumpirmahin.
"Julian....Julian Concepcion ang kanyang pagpapakilala"
Nagtataka man ngunit hindi ko mapigilang hindi mapangiti nang marinig ko ang pangalan niya.
BINABASA MO ANG
A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]
Historical FictionHIGHEST RANK: #11 in HISTORICAL FICTION ❤ December 14, 2018 +----------------------+ A girl who doesn't know how to care and give, how to help others and how to love so the god of time sent her back to 1890 for her mission to change. ***** Thanks to...