Capitulo Diecisiete

5.7K 218 19
                                    

Ang Capitulong ito ay para kay Binibining user09697538

Sana i-like nyo yung facebook page ko Author Nom (Kapag hindi niyo makita, search niyo yung Nomdeplume Wp) Salamaaaat 💜



Patria's POV

Dalawang araw ang lumipas magmula nang ianunsyo ni Ama na ipakakasal ako kay Lorenzo. Kaya naman dalawang araw din akong nagkulong sa kwarto.

Binisita ako ni Ina kahapon at sinabi nyang pagpasensyahan ko nalang daw si Ama. Sinabi din ni Ina na magbakasyon daw muna ako sa tiyahin ko sa Bicol kaya naman agad agad ay pumayag ako para makapahinga naman ang utak at puso ko kahit ilang linggo lang. Pinasama naman ni Ama si Ate Marina at Concela sa akin Napag desisyonan kasi nila Ama at Don Rafael na sa Mayo a diez gaganapin ang kasal. Kaya naman mayroon pa akong 1 bwan para makapag pahinga ng isip

"Anak, Handa na ba ang mga dadalahin mo? Kanina pa naghihintay sa baba ang Ate Marina mo. Pati si Concela ay naroon na" Pagbungad ni Ina.

Naimpake ko naman na kanina pa ang mga gamit ko. Tinulungan nalang ako ni Ina na buhatin ang mga gamit ko at saka kami bumaba.

Naroon ay naghihintay na sina Ate Marina at Concela. Kasama sina Ama at Ate Maria.

"Mag iingat kayo doon mga anak. Marina, ikaw na ang bahala sa kapatid mo. Sumulat lamang kayo sa akin kung sakaling magkaroon kayo ng problema" Saad ni Ama. Si Ate Marina lang ang sumagot. Dalawang araw ko nang hindi kinakausap si Ama dahil sa sama ng loob

"Sige na mga anak, at baka mahuli pa kayo ng sasakyan nyong barko, Si Anastacio na ang maghahatid sa inyo sa daungan" Paalala naman ni Ina.

Nakibeso beso lang kami kay Ina saka tuluyang lumabas at sumakay sa kalesa papunta sa daungan.

Nang makarating sa daungan ay tinulungan kami ni Anastacio na buhatin ang mga dala namin at inakyat iyon sa barko.

Hinatid naman kami sa aming silid na may katamtamang laki. Magkakasama kami sa iisang kwarto. wala namang naging problema dahil sa lapag na lamang daw matutulog si Concela habang kami ni naman ni Ate Maria ay may tig isang higaan.

Nang sumapit ang hapon ay naisipan kong mag gala sa labas ng barko. Nandito ako ngayon sa pinaka dulo kung saan tanaw ko ang malawak na karagatan. Sobrang lakas ng hangin na tumatama sa aking balat. Kasabay non ang kulay kahel na papalubog na araw na kay sarap pagmasdan.

Actually, hindi ito ang unang beses na sumakay ako ng barko. Noong 7 years old ako, natatandaan kong pumunta kami nila mommy at daddy sa Davao para ganapin ang birthday ko. Doon namin naisipang magbakasyon. Nakakalungkot lang kasi, sa murang edad ko noon ay lalaki akong mag isa. Walang magulang na kaagapay.

"Binibini......"

Parang bumagal ang ihip ng hangin nang marinig ko ang boses na yon.

Dahan-dahan akong napalingon sa likod ko at nakita ko si Julian na nakangiti sa akin.

Parang slow motion naman syang lumapit sa akin

"A-Anong ginagawa mo d-dito?" Halos pabulong kong tanong

"Napag alaman ko kay Concela na pinabakasyon ka ng iyong Ina patungong Bicol kung kaya't napag desisyonan kong sumunod sayo" Nakakatunaw ang mga ngiti nya

"Nais ko sanang mabasa mo ito binibini... Hihintayin ko ang iyong sagot" Dagdag pa nya

Inabot nya sa akin ang isang papel at agad binulsa iyon

"Don Olimpio! Nakita mo ba ang kapatid kong si Patria?" Rinig kong tanong ni Ate Marina sa malayo

"Mauuna na ako Binibini, hindi ako maaaring makita ng Ate Marina mo. Baka makarating pa sa iyong Ama. Maraming salamat sa ilang minutong kasama ka. Hanggang sa muli" At doon ay sinoot na nya ang sombrero nya saka naglakad sa kabilang bahagi ng barko

A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon