Nomdeplume❤
Hindi pa dapat ako magdadagdag ng panibagong Capitulo ngunit naisip ko na baka mawala sa isip ko ang ideya na ito na naisip ko pa noong nakaraang araw. Kaya minabuti ko nalang na isa-publiko agad ang parteng ito.
Maraming salamat sa mga naglalaan ng oras na mabasa ang storyang ito.
Lalo na kay Ginoong Ju4nit0 at LastOrder_07 isang malaking karangalan sa akin ang iyong nilalaang oras para sa Obrang ito. Kaya naman para sa iyo ang Capitulong ito 😉Mayo Cinco, Mil Ocho Cientos Noventa
Ilang araw na akong iyak ng iyak dahil sa kinahinatnan ni Concela.
Napakabuti nyang tao. Lahat ginagawa niya para sa akin at tinutulungan niya ako sa lahat ng bagay. Pero ang isang masaklap na pangyayari ang sinukli ko.
Tumulo ang luha ko habang nakatanaw sa maliit na kwadradong bintana na kasing pantay ng lupa.
Ikinulong ako ni Ama dito sa baba ng bahay dahil sa nangyari. Alam ni Ama na sumama talaga ako kay Julian at hindi rebelde si Concela pero wala siyang nagawa dahil sa iniingatan nyang pangalan sa bayang ito.
"Anak" Rinig kong boses ni Ina.
Napalingon naman ako sa kanya kung saan pababa palang sya ng hagdan. Mismong sahig kasi ng bahay ang pinto ng kwartong ito.
Agad kong pinunasan ang luha ko na kanina pa tulo ng tulo.
"N-Napadalaw po kayo?" Tanong ko kay Ina na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko.
"Hindi matutuloy ang pag-iisang dibdib niyo ni Samuel ngayong Ocho. Inatras iyon ng iyong Ama at gaganapin iyon sa unang araw ng Hunyo"
Nabuhayan naman ako ng loob sa sinabi ni Ina. Matagal-tagal pa.
"Huwag mong sasabihin sa iyong Ama na nagtungo ako rito at sinabi sa iyo ang bagay na iyan" Pagpapa-alala nya.
Napatango naman ako sa sinabi niya.
"Anak, kinausap ko ang Ama mo tungkol sa pagkulong sa iyo rito ngunit hindi siya nakinig. Awang-awa na ako sa iyo, Anak ko" Umiiyak na sabi ni Ina.
Niyakap ko siya habang umiiyak din ako. Hindi ko alam pero natutuwa ako na kahit hindi talaga ako ang totoong Patria, Nararamdaman ko pa din ang pagmamahal ng isang Ina.
"Ina, hindi po totoo ang lahat ng sinabi ni Samuel. Gawa-gawa lamang niya ang lahat! Hindi totoong narito si Julian nung araw na dinukot ako. Nasa Bicol sya nang panahong iyon. At nais ko pong ipaalam na si Samuel ang nagpadukot sa akin" Umiiyak ako sa harapan ni Ina habang sinasabi ko yan.
"Tahan na anak. Naniniwala ako sa iyo" Nakayakap na sabi ni Ina.
Wala akong ibang ginawa kundi umiyak sa balikat nya na para bang isang batang inagawan ng candy.
"Aakyat na ako anak. Baka dumating na ang iyong Ama. Hayaan mo't kakausapin ko ulit siya patungkol dito" Hinalikan ako ni ina sa noo bago siya umakyat sa Hagdan.
At kasabay ng pagsara ni Ina ng pinto ay ang pag ilaw at paglabas ng matandang mahiwaga sa kwintas ko.
"Krishnel" Tawag niya sa pangalan ko.
"Mabuti po at dumating kayo. Hindi ko na po alam ang gagawin ko" Pagsusumamo ko.
"May inosenteng nadamay dahil sa kahinaan ko. Paano na? Paano na ako makakabangon muli?" Dagdag ko pa.
BINABASA MO ANG
A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]
Historical FictionHIGHEST RANK: #11 in HISTORICAL FICTION ❤ December 14, 2018 +----------------------+ A girl who doesn't know how to care and give, how to help others and how to love so the god of time sent her back to 1890 for her mission to change. ***** Thanks to...