Dedicated to thessiemarie08
Sana i-like nyo yung facebook page ko Author Nom (Kapag hindi niyo makita, search niyo yung Nomdeplume Wp) Salamaaaat 💜
PATRIA's POV
"Aaaaahhhhhhhhh!" Sigaw ko ng sobrang lakas. Nandito ako ngayon sa kwarto ko at bigla nalang akong napabangon dahil may naramdaman ako.
"Patria! Anong nangyayari?!" Tanong ni Doña--- Ni Ina pala. Nag-aalalang mukha ang sumalubong sa akin.
"Patria ayos ka lang ba?" Tanong naman ni ate Maria na halos mayupi na ang noo dahil sa pagkaka kunot nito.
"I'm n-not! Aaah!" Ang aga-aga ang sakit ng tyan ko. Gosh! sobrang sakit! Para akong natatae na ewan sa sobrang sakit! Inaantok pa dapat ako pero sobrang sakit kaya nawala ang antok ko.
"Ano?! Ano bang nangyayari? Hindi ko maarok ang iyong wini-wika anak!" Dagdag pa ni Ina. Natataranta namang dumating si ate Marina habang buhat-buhat pa ang saya nya sa sobrang haba.
"A-ang sakit ng tyan kooo!" Namimilipit na ako sa sakit. Ang aga-aga pero pinagpapawisan na ako. Para akong may bulate sa pwet dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung titihaya ba ako, o dadapa, o tatagilid o uupo sa sobrang sakit.
"Ano ba ang iyong nakain kagabi bukod sa ating hapunan?!" Tanong ni ate Marina. Inisip kong mabuti. Wala naman akong ibang kinain kundi hapunan at uminom lang din naman ako ng gatas.
"Ina! kailangan kong mag CR!" Ang sakit-sakit ng tyan ko to the point na lalabas na yung tae ko! Aish! Hindi ko talaga mapigilan. Para pa akong masusuka na nahihilo dahil sa sakit. Nanlalagkit na din ang katawan ko dahil sa pawis.
"Ano? Anong CR ba Patria? Ayusin mo ang iyong pananalita nang maarok namin!" Tanong ni Ina na hindi na din alam ang gagawin. Sobrang nerbyos na ang nararamdaman ni Ina na nanginginig pa ang mga kamay nya.
Aaahh! Ano ba sa tagalog ang restroom? Lalo tuloy akong nakaramdam na lalabas na dahil sa pag-iisip ko
"CR! Ano! Uhm-- kubeta?" Hindi ko alam kung tama ako kaya nag-alangan pa akong sabihin yun. Pahirapan naman ako sa pananagalog sa taong 'to. Katulad sa ganitong sitwasyon hindi ko pa maexpress ang sarili ko.
"Palikuran Ina. Palikuran ang tinutukoy ni Patria." Paliwanag ni ate Maria habang hinahagod ang likod ko. Tumango-tango naman ako habang sirang-sira ang pagmumukha ko. Ramdam kong namumula na din ang buong mukha ko dahil sa sakit ng tyan ko. First time kong maranasan ito and I hate it!
"Halika Patria. Sasamahan kita sa palikuran!" Hinila na ako ni ate Marina at agad naman akong sumunod sa kanya kahit nakayuko akong maglakad dahil iniipit ko ang tyan ko. Sobrang sakit talaga at baka bumulwak pa kung iuunat ko ang katawan ko. Alam kong hindi ganito ang mala-Maria Clara kumilos pero wala na akong magagawa dahil hindi ko na kayang unahin pa ang kahinhinan kesa sa tawag ng kalikasan.
Narating namin ang CR. Saktong pag upo ko naman ay bumulwak ang dahilan ng pagsakit ng tyan ko na narinig pa ni ate Marina dahil nagtanong sya kung ayos lang ako. Sobrang lakas non kaya alam kong narining nya pero wala na akong pakialam dahil kailangan ko nang mailabas lahat nang ito.
"Okay la---Ayos lang ako ate Marina. Puntahan mo na lang sina Ina at sabihing hindi na masakit ang tyan ko." Utos ko sa kanya. Nang lumabas kasi ay medyo guminhawa ang pakiramdam ko kahit naliligo na ako sa pawis. First time kong pawisan ng ganito. Mas malala pa kapag nag-P-PE kami kaya sobrang lagkit talaga.
Nang natapos akong magbawas, Naabutan ko na pinapagalitan ni Ina si Concela. Umaalingaw-ngaw pa ang boses ni Ina sa loob ng Mansion kaya kahit malayo pa lang ay rinig mo na.
BINABASA MO ANG
A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]
Historical FictionHIGHEST RANK: #11 in HISTORICAL FICTION ❤ December 14, 2018 +----------------------+ A girl who doesn't know how to care and give, how to help others and how to love so the god of time sent her back to 1890 for her mission to change. ***** Thanks to...