Maraming salamat sa pagbabasa @in_in. Hindi ko maimention dahil hindi ko mahanap yung account mo bebe. Pero kung nabasa mo to, comment ka nalang para makita ko 😊 Labyuh. Sa lahat ng nagbabasa, mahal na mahal ko kayo.
Maraming salamat din kina, Myth Cridge(?) at Tiffany Rain na nag PM sa messenger account ko. Labyu all
And also, thanks to alexandramar1e who made our cover for this chapter :)
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at tumambad sa harapan ko ang kumpol ng mga kugon kung saan ginawang bubong. Tumingin ako sa paligid. May lamesang kahoy sa gitna at nakabukas na din ang mga bintana at pinto dahilan ng pagkasilaw ko kanina.
Agad akong bumangon at tumayo. Naglakad ako papunta sa pintuan habang sumalubong naman sa akin ang amoy ng inihaw na isda. Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya agad akong pumunta sa mga grupo ng kababaihan na nagiihaw sa ilalim ng puno.
"Oh Ija, Mukhang napasarap ang iyong pagtulog." Bungad sa akin ng isang matandang babae.
"Si....Julian po?" Nagaalalangan kong tanong.
"Sila'y umakyat upang mangahoy. Maya-maya lamang ay narito na yon. Halika't ika'y kumain na." Saad niya habang kumukuha ng pinutol-putol na puno ng saging na ginawang plato at sinandukan yon ng kanin at isang inihaw na tilapia saka yon inabot sa akin na agad ko namang nilantakan.
"Wow! Ang sharap naman po tong ulam na niluto nyo! Kahit walang sawsawan eh masarap! Hanggang sa laman eh malasa! Ang taba pa ng tilapia!" Kumento ko habang patuloy na nilalantakan ang pagkaing hawak ko.
"Dahan-dahan lamang anak at baka ika'y mabulunan." Inabutan ako ng isang basong tubig ng matanda saka ko yun ininom.
"Oh hayan na pala sila Ginoong Julian!" Pagkasabi nya non ay agad kong naibuga ang tubig na iniinom ko at bumalandra sa mukha nya kasama ang ibang butil ng kanin at konting laman ng tilapia.
"Ayy! Sorry po! Sorry po!" Agad-agad kong binitawan ang hawak kong plato na saging at lumapit sa kanya.
"Heto po. Dito niyo na lamang ipunas ang nabasang parte ng inyong mukha!" Natataranta kong sabi habang inaabot ang laylayan ng gown kong suot.
"Hindi, ayos lamang ako. Mayroon naman akong bimpo rito." Biglang naglapitan sina Julian kasama ang iba pang kasamahan nila.
"Ayos ka lang ba aling Adeling?" Nag-aalalang tanong ni Julian sa matanda.
"Ayos lamang ako. Mabuti nalang at hindi pa ako naliligo." Paliwanag naman ni aling Adeling.
"Ohh maari na kayong maligo nyan tiyang! HAHAHAHA!" Biro ni Antoñito.
"Heh! Tumahimik kang bata ka!" Sabay padabog na umalis si aling adeling.
"Binibini...Maayos na ba ang iyong pakiramdam?" Hinawakan ni Julian ang noo ko na siya namang kinaatras ko.
"Uhm--Nasaan ba tayo?" Pasegwey kong tanong.
"Narito tayo sa Samar Binibini. Dito muna tayo pansamantalang tutuloy." Nagsimulang maglakad si Julian kaya sumunod na din ako.
"Ikaw ba'y tunay na umiibig kay Ginoong Samuel?" Deretsahang tanong nya.
"Ha? Bakit mo naman natanong yan?" Gulat na tanong ko.
"Dahil kung hindi kami lumusob, tunay ngang magpapakasal ka sa kanya." Napayuko ako sa sinabi nya.
"Kami ngayo'y naghahanda na para sa susunod na laban. Sapagkat aming nasisiguro na hahanapin ka ng iyong ama ano man ang mangyari." Kumuha si Julian ng bato at saka binato sa lawa.
BINABASA MO ANG
A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]
Historical FictionHIGHEST RANK: #11 in HISTORICAL FICTION ❤ December 14, 2018 +----------------------+ A girl who doesn't know how to care and give, how to help others and how to love so the god of time sent her back to 1890 for her mission to change. ***** Thanks to...