Capitulo Trece

6.3K 212 15
                                    

Ang Kabanatang ito ay inihahandog ko kay Ginoong HRanzuki
Nawa'y iyong magustohan

Sana i-like nyo yung facebook page ko Author Nom (Kapag hindi niyo makita, search niyo yung Nomdeplume Wp) Salamaaaat 💜

******

Patria's POV



Filipinas Marso 12, 1890

Lahat ay abala sa paghahanda at pagluluto para mamaya. Nagpakatay si Ama ng baboy at baka kagabi, at kaninang umaga naman kinatay ang ilang manok at mga Kambing.
Mamayang gabi na kasi ang Birthday ko. Napaka unfair lang kay Patria dahil ako ang magcecelebrate non at hindi sya. Kahapon lamang ay pinatawad na din ako ni Ama. Magmula kasi nung inilapit ko ang tungkol sa Gwardiya Civil ay hindi na nya ako kinausap pa. Napilitan na lamang siguro si Ama na patawarin ako dahil kaarawan ko ngayon

"Maligayang kaarawan Patria anak, Ikaw ngayon ay ganap nang dalaga" Nakangiting bati sa akin ni Ina habang ako ay nakaupo dito sa Azotea

"Maraming salamat Ina" Umupo si Ina sa tabi ko at hinaplos ang ilang hibla ng aking buhok

"Parang kahapon lang ay musmos kapa, Kay bilis naman talaga ng takbo ng araw" Napayuko ako sa sinabi ni Ina. Oo nga, Kay bilis ng araw. Parang kahapon lang kararating ko lang dito sa panahong to, Ngayon naka 2 bwan na ako. at sa dalawang bwan na yon, kakaunti pa lang ang nalikom kong kabutihan. Kung kaya nama'y hindi ko alam kung kailan ako makakabalik sa panahon ko

"Patria, Napatulala ka na" Sita sa akin ni Ina

"Doña Talina, Señorita, Ipagpaumanhin nyo ang aking pagpuputol sa inyong usapan ngunit kayo po ay pinatatawag na ni Señor sa hapag upang masimulan na ang pananghalian" Nakayukong balita ni Aling Meling.

Napatayo naman kaagad kami ni Ina at saka dali daling nagtungo sa Hapag, Binati ako ni Ama ng maligayang kaarawan at saka sinimulan ang pananghalian

Nang sumapit ang Siyesta ay kaagad akong pinaligo ni Ina upang makapag gayak ng maaga. Si Ate Maria naman ang nakatalaga sa aking buhok upang ayosin ito

"Patria, Si Ginoong Julian ba ay dadalo sa okasyong ito?" Tanong ni Ate Maria habang may kung ano ano syang nilalagay sa buhok ko

"Hindi ko alam" Sagot ko. Alam ko namang pupunta si Julian, dahil naikwento nya kay Ka Pedring na ito raw ang dahilan kung bakit hindi sya natuloy sa Europa. Who knows na nagbago pala ang isip nya diba? Hindi na kasi kami nagkita ulit magmula nung namahagi ako sa lugar nila Ka Pedring

"Aba! Dapat lang na dumalo ang Ginoong yon! Ngayon ang kaarawan ng iniirog nya kung kaya't wala syang maaaring katwiran upang hindi sya makadalo!" Dagdag pa ni Ate Maria na animo'y isa syang Eksperto at tumugma ang kanyang teorya

Natapos akong ayosan ni Ate Maria nang walang ibang binanggit kundi ang maghimutok sa kung dadalo ba si Julian o hindi. Hindi ko naman sya masisisi dahil ang alam nila, Si Julian ay nobyo ko

Narito ako sa kwarto ko.
Napasulyap sa wristwatch ko, Alas Cinco na. Maya maya lang siguradong magsisimula na ang okasyon. Napatingin ako sa soot kong kulay pulang Gown na hanggang talampakan ang haba. May iba't ibang beads ang nakatahi dito dahilan para magmukhang kumintab ang damit. Hanggang siko naman ang manggas. Ang sabi ni Ate Maria, Binili pa raw ni Ama ang bestidang ito sa Europa 4 na bwan nang nakararaan. Yun ay nung panahong pinaghahanap pa si Patria dahil umaasa raw si Ama na babalik pa at maisosoot pa ni Patria ito. Sa kasamaang palad, ako ang nagsoot at hindi si Patria.

A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon