"Maria...." Napatingin ako sa lalaking tumawag sa pangalan ko. Naka black tuxedo ito at puting polo na nagsisilbing pangilalim. Bumagay sa itsura nya ang buhok na semi-brush up ang dating. Lumapit sya sa akin at hinawakan ako sa pisngi. Damang-dama ko ang init ng palad nya na humahaplos sa aking pisngi.
"Julian...." Napamulat ako at napagtantong nasa kwarto pala ako. Hinahabol ko ang hininga ko dahil sa panaginip na iyon. Mula nang makabalik ako sa taon ko, palagi ko nalang napapanaginipan si Julian. Lagi nyang tinatawag ang pangalan ko sa hindi ko malamang dahilan dahil lagi ding napuputol ang panaginip ko.
Bumalik ako sa ulirat nang tumunog ang cellphone ko. Sunod-sunod na text ang nabasa ko mula kay Ana Marie na tinatanong kung saan na ako. Bigla kong naalala na mamayang hapon na pala ang punta namin sa Isabela. Muli nanamang tumunog ang cellphone ko. Binuksan ko ang message ni Ana:
"Wag ka nang umalis jan. Papunta na kami. Kasama ko na si Kiane."
What the?! Akala ko ba hapon pa? Agad akong tumakbo sa cr at nagmadaling maligo mabuti nalang at nagempake na ako ng mga gamit ko nung isang gabi kaya wala na akong aasikasuhin ngayon kundi pagligo lang. Agad akong nagbihis at hindi na nag-abala pang magblower ng buhok.
Pagbaba ko, nakita kong nakaupo sina Kiane at Ana sa sofa habang masayang nagkukwentuhan at kumakain ng cookies. Agad namang umakyat ang anak ng yaya namin sa kwarto ko para kunin ang mga gamit ko.
"Ang tagal-tagal mo naman! Kanina pa ako text ng text sayo eh." Reklamo sa akin ni Ana.
"Eh akala ko hapon pa tayo babyahe eh? Malay ko ba." Sagot ko naman sa kanya.
"Ang laki naman ng bahay nyo ate Krishnel. Ang ganda pa ng design." Papuri ni Kiane habang lumilingon-lingon sa paligid.
"Tara na at baka umabot pa ito sa MMK." Natawa ako sa inasta ni Ana. Kahit kelan talaga ay makulit ang babaeng ito.
Napapailing na inistart ko ang kotse ko. Konting cool start lang ay nagsimula na kaming bumyahe.
In-connect ko ang cellphone ko sa kotse via bluetooth at nilakas ang volume. Sumabay pang kumanta si Ana ng pagkalakas dahilan para matawa kami ni Kiane.
Dumaan kami saglit sa isang restaurant at doon nananghalian pero agad din kaming bumyahe pagkatapos. Mag aalas dos palang pero tulog na ang dalawang kasama ko. Ewan ko, hindi ako dinadapuan ng antok. Naeexcite ako na ewan.
Halos padilim na ng marating namin ang Isabela. Ginising ko na si Kiane dahil hindi ko naman alam kung saan ang bahay nya. Napag-usapan kasi naming doon na muna makituloy sa kanila.
"Deretso lang tapos kumaliwa ka." Sinunod ko ang sinabi ni Kiane. Pagliko sa kaliwa ay mapuno ang lugar, may mga pananim na palay din ang makikita sa paligid. May ilang tao ang naglalakad. Ang iba naman ay nakaupo sa gilid ng kalsada. May ilang street lights naman na nagsisilbing liwanag sa daan.
"Ayun sa dulo ang bahay namin. Tumbukin mo iyong manggang iyon. At doon mo nalang ipark ang kotse." Turo ni Kiane.
Nung una ay naghehesitate ako kung dapat bang ipark dito ang sasakyan dahil medyo malayo pa ang bahay na tinuro ni Kiane pero sinabi naman niya na walang gagalaw ng kotse ko dahil kilala naman daw nila lahat ang tao dito at wala din akong choice dahil ito lang ang bakante dahil sagabal na kung sa daan ko pa ipapark.
Agad naming hinakot ang mga gamit namin. Habang naglalakad kami ay hindi maiwasan ng mga tao ang tumingin sa amin.
"Ganyan talaga ang mga yan. Bago lang kasi kayo sa paningin nila. Ang gaganda pa. Pero wag kayong mag-alala, mababait naman sila." Turan ni Kiane sa amin ukol sa mga nakatambay.
BINABASA MO ANG
A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]
Historical FictionHIGHEST RANK: #11 in HISTORICAL FICTION ❤ December 14, 2018 +----------------------+ A girl who doesn't know how to care and give, how to help others and how to love so the god of time sent her back to 1890 for her mission to change. ***** Thanks to...