Capitulo Dieciocho

5.6K 236 27
                                    

Ika Labingdalawa ng Hunyo :)

     Ngayon ay ang anibersaryo ng kalayaan natin mula sa mga Kastila na syang nagmalupit at nagpahirap sa atin ng mahigit 300 taon. Ating gunitain ang ika-120 taon ngayong araw na ito. Kaya naman naisipan kong magdagdag ng Capitulo. At ang Capitulong ito ay para kay Binibining Princess_Rhaisa :) Katulad ng pangako ko sa aking pribadong mensahe, Ang Capitulong ito ay para sayo :)

Sana i-like nyo yung facebook page ko Author Nom (Kapag hindi niyo makita, search niyo yung Nomdeplume Wp) Salamaaaat 💜




Patria's POV


Abril Tres, Mil Ocho Cientos Noventa

Iniisip ko pa din hanggang ngayon ang napag usapan namin ni Julian noong mga nakaraang araw. Nagbakasyon na ako't lahat pero hindi pa din ako tinatantanan ng problema!

FLASHBACK

Hinila ako ni Julian patungo sa pinaka dulo ng pamilihan.

Malapit na ang dagat sa dulo ng pamilihang iyon kaya naman naisipan naming dito nalang sa dalampasigan mag usap. Alas cuatro pasado naman na kung kaya't hindi na gaanong masakit sa balat ang araw.

"Ang ganda ng dagat no? Napaka payapa" Nakangiti kong panimula kay Julian habang pinagmamasdan ang hampas ng mga alon sa dalampasigan

"Kasing ganda ng iyong pagkatao at kasing payapa ng iyong mukha" Wika nya na ikinalingon ko

Ngumiti lang sya.

"B-Binibini, nabasa mo ba ang tulang binigay ko sayo?" Pag iiwas nya ng tingin habang tinatanong iyon

"Ahh---O-oo hehe" Pag ngiwi ko naman sa kanya

"A-Anong masasabi mo?" Dagdag katanongan nya pa.

"A--ahhmmm....M-maganda...Oo! Maganda!" Ang awkward naman nito! Ayoko namang ipakita sa kanya na Gets na gets ko ang tula nya.  Para hindi naman Dalagang Filipina ang ganon.

"Nagustohan mo ba?" Tanong nya pa. Sasabihin ko bang GUSTONG GUSTO ?

Kaso parang ang weird naman nun. Halatang may nararamdaman ako para sa kanya

"Ah! O-oo! Oo naman! haha!" Pilit ko pang tawa habang medyo tumitingin ako sa kabilang gilid ko. Hindi naman kasi ako magaling magpeke ng tawa. Ano kayang kinalabasan ng mukha ko? Aish Bad move!

"Mabuti naman kung ganoon" Bigla syang napayuko.

"Bakit kaya kapag nagmahal ang puso, Palagi na lamang may hadlang? Palagi na lamang may kumokontra?" Tanong nya habang nakatingin sa dagat

Napatingin naman ako sa tinitignan nya...

"Hindi ko din alam...Teka!" Napalingon ako sa kanya nang maalala ang isang bagay

Napalingon sya sa gawi ko nang makita nyang parang may naalala ang reaction ko.

Teka, tatanongin ko ba? Hindi ba't parang napaka prangka naman kung tatanongin ko kung bakit kay Lorenzo ako pinagkasundo? Masyado naman yatang halata na ayaw ko kay Lorenzo at sa kanya ko gustong magpakasal.

"Bakit Binibini? May problema ba?" Tanong nya.

"Ano kasi. uhm, May i-itatanong lang sana ako" Wala naman akong kuto ah? Parang nangangati kasi ang ulo ko habang sinasabi ko yan

A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon