Capitulo Veintinueve

5.4K 197 64
                                    

Bago ko simulan ang Capitulong ito, nais kong magpasalamat sa nag add ng storyang ito sa kanilang mga library :) I Love You kina:

dianamarieberro9
jzllrs
MisyelJhanMendez6
LenLen685
LeinadDelMundo
Caneza28
crazy_snare
mimiliway
Im_mscupid92
BehBehMo9
KathleenYvonneMagtip

Maligayang pagbabasa sa inyo mga mahal kong kapatid :)

Syempre, Nais ko ding magpasalamat sa mga bumoto sa bawat Capitulo na sina:

bloody_vincent23
shielaa08
Shity_Panda
dory2017
Aihsem
SuzukiAvah
harosylleraye

Ako ay umaasa na inyo pong mababasa ito :)

Panghuli, MARAMING MARAMING SALAMAT KAY Lusterous_queen na talaga namang pursigido sa pamimilit para sa Capitulong ito. At todo kung kiligin kay Ginoong Julian :) Maaari mo na lamang imessage ang iyong tunay na pangalan. Kahit 'first name' lamang. Kung iyong pahihintulutan :)

Muli, maraming salamat :*

***

Marina Del Mundo's Point of View

Maaga pa lamang ngunit napakainit na ng ulo ni Ama. Katulad na lamang ngayon na nagsisigaw nanaman siya sa kadahilanang masama ang timpla ng kape na inihain sa kanya. Walang patid kung mayamot itong si Ama magmula noong tinangay si Patria ng mga rebelde.

"Bukas na bukas! Ay lulusob na ang mga Guwardiya Civil sa maaaring pagtaguan ng mga rebeldeng iyon! Nagdagdag na ng tauhan ang gobernador-cillo kung kaya't wala nang takas ang grupong iyon. Lalo na si Patria. Kahit saang sulok ng pilipinas ay matatagpuan siya." Nagtatagis ang bagang na wika ni Ama. Napayuko na lamang ako sa inasta nya ngunit hindi napigilan ni Maria na magsalita.

"Ama! Sa papaanong paraan ninyo ipapapatay si Patria?! Hindi ba dapat na kayo ang magbigay proteksyon sa kanya sapagkat ikaw ang haligi ng tahanang ito, at siya nama'y iyong anak!" Tinapunan ni Ama si Maria ng isang nakahahandusay na tingin saka nilapitan ito.

Isang malakas na sampal ang umalingawngaw sa mansyon.

"Ama! Ano hong ginagawa niyo? Huwag nyo pong pagbuhatan ng kamay si Maria!" Agad akong lumuhod upang alalayaan ang natumbang si Maria. Nasulyapan kong pinahid nya ang dugo sa gilid ng kanyang labi. Namula rin ang bahaging sinampal ni Ama.

"Kaya tumitigas ang ulo ng iyong mga kapatid marahil sa kakukunsinti mo! Nasaan si Patria?! Hindi ba't wala! Naturingan kang nakatatandang kapatid sa kanila ngunit wala kang kwenta! WALA KAYONG KWENTA! MAGSILAYAS KAYO SA AKING LAGUERTA!"

Matapos ang nakabibinging sigaw ni Ama ay umalis ito at tanging paghikbi na lamang ni Maria ang naririnig sa mansyon.

"Anak, patawarin ninyo ako kung sa ganitong pagkakataon ay hindi ko kayo natutulungan. Ako man ay hindi na umuubra sa inyong Ama." Wika ni Ina. Ako'y marahang tumayo upang maalalayan si Maria.

A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon