Capitulo Seis

8K 353 52
                                    

Dedicated to evonniix

Sana i-like nyo yung facebook page ko Author Nom (Kapag hindi niyo makita, search niyo yung Nomdeplume Wp) Salamaaaat 💜





Patria's POV

Sa mahigit isang linggong pag stay ko dito, naging abala ang lahat dahil sa nalalapit na birthday daw ni Ama. January 10 ngayon, at sa 13 naman daw ang birthday nya.

Pinatawad na din ako ni Ama nung ginabi kami umuwi. And about Julian, talaga namang hindi muna ako naglalalabas ng kwarto ko dahil namasyal sila dito sa bahay nung isang araw. Luckily, wala yung kuya nyang palagi akong kinukulit -_-

Sinabihan ko din si Concela na dadagdagan ko ang sahod nya basta wag lang nyang sabihin ang nakita nyang nangyari sa amin ni Julian. In'explain ko sa kanya ang nangyari at mukhang kumbinsido naman syang hindi yon sinasadya.

"Maria!" Nandito ako ngayon sa tinatawag nilang Azotea. Mabuti nga't medyo may alam na ako sa Spanish Language paea medyo nakakarelate ako kahit papano.

Napalingon naman ako, Nakita ko si ate Maria na papalapit kay Ina. Hooo! akala ko ako yung tinawag ni Ina. Haays! yun din kasi ang tawag sa akin ni mommy sa year 2017 eh. Kahit si Anna Marie, yung bestfriend ko yun din ang tawag sa akin, kaya kapag tinatawag si ate Maria, talagang napapalingon ako.

"B-binibini dumating na po ang pamilya Concepcion. Dito raw po sila maghahapunan." Napalaki naman ang mata ko sa sinabi ng P.A ko. Pamilya Concepcion?! diba yun yung surname nila Julian?! WTH!

Nagmamadali akong umakyat sa hagdan pero huli na dahil tinawag na ako ni Ama.

"Patria anak! halika't magmano sa aking kumpadre." Dahan-dahan naman akong napababa. Haaays! Akala ko makakapag tago ako. Ayon nga, wala akong ibang nagawa kundi mag bless sa dalawang Don at Doña na kararating lang.

"Magandang hapon sa iyo, Binibining Patria." Sabay na sabi ng dalawang magkapatid na Concepcion. Yes, Unfortunately, present silang dalawa dito -_-

"Halikayo't maupo sa salas." Pagyaya ni Ama. Sumunod naman ang pamilya Concepcion.

Pag upo namin, nagsimula na silang magkwentuhan ng kung anu-ano. Pansin ko namang nakatitig sa akin si Julian tapos nakangiti namang nakatingin sa akin si Lorenzo. WHAT THE HELL! hindi na ako makagalaw sa inuupuan ko dagdag pa na tinutusok ako ni ate Maria at ate Marina sa tagiliran ko. Pinagitnaan kasi nila ako at binibigyan nila ako ng 'ayiee-kinikilig-sya' look. Ewan ko pero uso na pala sa panahong to ang kalandian.

"Kumpadre, mamayang alas cinco naman ay darating ang Gobernador-Cillo at ang kanyang pamilya." Sooo may bago nanaman akong kikilalanin?! Nahihilo na ako sa mga pangalan dito. Napatingin ako sa relo ko. 4:30 palang. Sinenyasan ko si Concela na kunin ang pamaypay ko. Nagets naman agad nya kaya dali-daling kinuha nya yun at binigay sa akin.

Tinapat ko sa mukha ko ang pamaypay saka mahinang pinaypay ito.

"Patria! Ayusin mo ang paggamit ng abaniko!" Saway ni ate Maria.

Huh? May mali ba sa pagpaypay ko?! Kanina pa ako tinititigan ni Julian eh kaya kailangan kong takpan ang mukha ko. Napaka-creepy din ang pagtingin ni Lorenzo sa akin kaya naiilang na ako.

Nakita ko namang napa smirk si Julian at napangiti naman ng todo-todo si Lorenzo. Bakit ba? Ano bang problema ng dalawang to? May lahi ba silang baliw? Down syndrome or what?

"Patria! Ibaba mo ang iyong abaniko! hindi tama iyan lalo't nasa harapan ng mga Ginoo!" Bulong sa akin ni ate Marina.

So bawal magpaypay ng mukha sa harap ng lalaki sa panahong to?! Kaloka! Lahat nalang issue.

A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon