Ang Kabanatang ito ay inihahandog ko kay Binibining CRESHAJOICE143 Salamat sa pagbabasa, Pag boto at pagbibigay kumento :)
Sana i-like nyo yung facebook page ko Author Nom (Kapag hindi niyo makita, search niyo yung Nomdeplume Wp) Salamaaaat 💜
Patria's POV
Alas dose na ng gabi pero hindi pa din ako makatulog. Nakahiga lang ako at nakatingin sa kawalan. Nakapatay na lahat ng gasera kung kaya't madilim na ang paligid. Nasaan na kaya si Julian? May kinalaman ba sya sa mga nangyari kanina? Swerte pala sya dahil hindi siya ang nagcelebrate ng birthday nya. Eh yun na yata ang pinaka worst na birthday sa buong mundo. As for Antoñito, ikinulong siya sa Hacienda ng Gobernador-cillo
Teka ! Tama !
Napabangon ako sa Ideyang pumasok sa isip ko. Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto ko at dumeretso sa kwarto ng mga kasambahay.
Hinanap ko kaagad si Concela. Mabuti nalang at alam ko ang tulugan nya dahil pinuntahan ko siya dito mismo nung isang araw
"Concela!" Bulong ko sa kanya
"Concela!" Inuga-uga ko pa ang katawan nya.
"Hmm!" tumalikod sya sa akin. Ano ba to? Ang hirap gisingin!
"Concela gumising ka! Ako ito!" Bigla siyang napabangon habang naniningkit pa ang mga mata
"Binibini! Dis oras na ng gabi, May kailangan po ba kayo?" Dere-deretso nyang sabi
"Oo kailangan kita! Halika na bilis!"
Hinila ko na sya papunta sa kwarto ko para hindi na sya makapag reklamo pa"Binibini? Bakit tila ika'y natataranta?" Pang usisa ni Concela
"Huwag kang maingay at makinig ka! pupunta tayo sa Hacienda nila Julian. Hihingi tayo sa kanya ng tulong para makausap ko ang bihag. At itanong kung bakit nya nagawa sa ate Maria ko yun" Paliwanag ko sa kanya.
Agad syang napaupo sa upuang malapit sa kanya
"Delikado ang naiisip mo Señorita. Kapag nalaman ito ni Señor siguradong parurusahan ka. At baka ako'y mawalan ng trabaho" Pag aalala nya
"Concela, pinapangako ko na hindi malalaman ni Ama. At kung makarating man sa kanya, Pangako, hindi kita idadamay. Parang awa mo na" Pagsusumamo ko kay Concela
Napahinga sya ng malalim saka namin pinlano ang gagawin.
Dumaan kami sa bintana ng kwarto ko at nagtago muna sa mga halaman. Nagmamatyag pa kami dahil mas dumami ang Gwardiya Personal ni Ama dahil sa nangyari
tumawid kami sa may manggahan at nagmatyag muna doon.
"Binibini! May alam akong daan sa dulo ng manggahang ito!" Halos isang oras din kaming nakipagtaguan sa mga tuta ni Ama.
Nang marating namin ang sinasabi ni Concela ay agad kaming umakyat sa bakod at bumagsak sa bakanteng lote.
Sa bukid kami dumaan dahil ayon kay Concela, Sigurado daw na dumami ang Gwardiya Civil sa kalsada dahil sa mga Rebelde
Sa layo nang nilakad namin ay narating din namin sa wakas ang Hacienda nila Julian.
"Makakayanan kaya nating akyatin ito Binibini? Sa tingin ko ay mas mataas ang isang ito kumpara sa bakod ninyo" Paliwanag ni Concela habang sinusuri ang bakod
"Kakayanin Concela, Dahil Kinakailangan" Agad kaming naghanap ng pwedeng sampahan. Nakakita naman kami ng trunk ng kahoy doon. Pinagtulungan naming ilapit yon sa bakod kaya madali na kaming nakaakyat
"Sigurado ka bang iyan ang silid ni Ginoong Julian?" tanong sa akin ni Concela habang nandito kami sa tabi ng puno. Hindi kami nahirapang pumuslit sa mga Gwardiya Personal ni Don Rafael dahil mas kakaunti ang bilang nito kesa doon sa Hacienda namin
BINABASA MO ANG
A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]
Historical FictionHIGHEST RANK: #11 in HISTORICAL FICTION ❤ December 14, 2018 +----------------------+ A girl who doesn't know how to care and give, how to help others and how to love so the god of time sent her back to 1890 for her mission to change. ***** Thanks to...