Capitulo Veinticinco

5.4K 194 30
                                    

Para sayo ito Binibining DonyaChang Nawa'y magustohan mo 😊❣












Decimonono Siglo (19th century)

Lumipas ang ilang araw ay natapos ang seminaryo para sa mga kababaihan.

Heto kami ngayon at nakasakay sa kalesa dahil pauwi na kami kasama namin ang Punong Madre na may pagka-creepy at Enchanted dahil sa mga superpowers nya. Mukhang may papalit na sa trono ni Julian bilang Mr. Enchanted -_-

"E-H-E-M" Napalingon ako sa Punong Madre na ngayon ay nanlilisik ang matang nakatingin sa akin kaya napaiwas nalang ako ng tingin.

Oo nga pala! Nakakabasa sya ng iniisip ng tao! tskk

Napalingon ako sa kanya at nakitang nag-smirk sya. O_O

Maya-maya lang ay narating na namin ang bayan ng Sto Rosario kung saan maraming tao ang nasa paligid ng munisipyo kaya medyo bumagal ang takbo ng kabayo.

"Manang! Ano pong nangyayari?" Tanong ko sa dalawang manang na nagchichismisan at magkahawak kamay pa.

"Ngayon lilitisin sina Don Rafael at Doña Isang. Nakatakas daw si Señorito Lorenzo nang hindi namamalayan ng mga Guwardiya Civil kung kaya't minadali ang paglilitis ng pamilya."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng Manang.

Bakit naman tatakas si Lorenzo?! Anong dahilan niya?! Lalo lang niyang pinatunayan na tunay silang kasapi sa grupong kumakalaban sa Espanya!!

Agad akong bumaba at nagtatakbo doon sa gitna ng munisipyo.

Napalingon sa akin si Ama at napapikit na parang naiinis.

May tumigil na kalesa sa tapat ng munisipyo at niluwa non ang dalawang Gwardiya Civil habang hawak ang nakagapos na si Don Rafael. Sumunod naman sa kanya si Doña Isang na lumuluha. Ang dating masigla, maganda at masiyahing Doña. Ngayon ay maputla, hinang-hina at nangangayayat na.

Nakita kong pumasok sila sa loob ng munisipyo. Ganon din sina Ama at iba pang may tungkulin.

Tatakbo na sana ako palapit kay Ama nang may humatak sa akin.

Napalingon ako sa Punong Madre na ngayon ay nakatitig sa malaking pintuan ng munisipyo.

"Huwag kang padalos-dalos Patria. Intindihin mong maigi ang isang bagay bago mo gawan ng aksyon. Maniwala ka sa akin, walang magandang idudulot ang walang desisyon" Litanya niya.

Napalingon ako sa tinititigan ng Punong Madre.

"Halika na. Ihahatid na kita sa inyo" Nauna na syang maglakad. Ganon din ang mga tao na unti-unting naglalakad palayo. Hanggang sa ako nalang ang naiwang mag-isa sa gitna ng laguerta ng munisipyo.

Pagdating sa bahay, agad akong nagmano kay Ina.

"Kamusta ang seminaryo niyo?" Tanong ni Ina.

"Maayos naman Ina. Marami kaming natutunan. Hindi ba Patria?" Masiglang saad ni Ate Marina.

Napalingon silang tatlo sa akin.

"Ina, wala na bang ibang paraan para mailigtas sina Don Rafael?" Pag-aalalang tanong ko.

Natahimik sila habang si Ina ay huminga lang ng malalim.

"Kilala mo ang Ama mo Patria. Hinding hindi niya babaliin ang kanyang salita..." Tugon ni Ina.

Napayuko ako at nagsimulang maglakad paakyat sa cuarto.

"Luningning! Samahan mo si Patria" rinig ko pang sabi ni Ina saka ko tuluyang sinara ang pinto.

A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon