Dedicated to itsmhimhi
Sana i-like nyo yung facebook page ko Author Nom (Kapag hindi niyo makita, search niyo yung Nomdeplume Wp) Salamaaaat 💜
Patria's POV
Kapapasok lang ng february ngayon, Hindi ko pa din makalimutan ang sagot sa akin ni Ama noong isang linggo about dun sa lalaking ginulpi ng mga gwardiya civil. Hindi pala sapat na kilala lang ni Ama ang Gobernador-Heneral, Hindi din sapat kahit pa ikasal ako sa anak nito kung meron man.
"Bakit binibini? May problema ba?" Tanong sa akin ni Concela. Napa-sigh nalang ako.
"Wala naman. Basta concela ah, Kapag tinanong ako nila ate Marina ang sabihin mo, namalengke ako." Napatango-tango naman si Concela.
"Ah Binibini, maaari ko bang malaman kung saan ka pupunta? Baka mapahamak ka ulit." Nag-aalalang tanong ni Concela.
"Hindi, ayos lang ako. At kaya ko na to. Basta yung binilin ko sayo."
Naisipan ko kasing puntahan ang lugar na pinuntahan namin noon ni Julian. Na ayon sa kanya, doon nakatira ang mga pinagmalupitan ng mga may kapangyarihan.
Wala naman sila Ama at Ina ngayon dahil inaayos nila ang angkatan na pagmay-ari namin sa kabilang bayan. Okay namang palusot ang naisip ko dahil mukhang gusto naman ni ate maria na matuto akong mamalengke.
Nagpaalam na ako kay Concela at kaagad na hinanap si Anastacio para magpahatid sa bayan.
Pagdating doon, hinintay ko muna syang makaalis bago ako nagrenta ng ibang kalesa papunta sa lugar na yon. Tinuro ko nalang ang daan sa kutsero since diko naman alam ang pangalan nung lugar na yon.
Ilang minutes lang naman at nakarating kaagad kami sa lugar na yon. Kaagad akong nagbayad sa kutsero at hinintay ko muna syang makaalis bago ako tuluyang pumasok.
"Anong ginagawa mo dito Binibini?" Tanong ng isang binata sa akin. Tantya ko eh kaedaran ko lang sya.
"Ahh, hinahanap ko sana si Ka Pedring?" Sagot ko.
Tinignan nya muna ako at saka sya nagsimulang naglakad.
"Sumunod ka sa akin." Tugon nya. Sinundan ko lang sya hanggang sa marating namin ang pinaka sentro ng lugar nila. Dadaan ka muna kasi sa mga malalaking talahib bago makarating sa kanila.
"Señorita! nasaan si Ginoong Julia?" Tanong ng isang batang babae sa akin. Katulad ng dati, ganon pa din ang gawain nila. Nagkalat ang mga naglalarong bata, tapos nagtatrabaho naman ang mga magulang.
Napatingin pa ang ilang matanda nung tanungin ako ng bata.
"Ahh, nasa Europa na ang Ginoong Julian bebe. Mag-aaral na ulit sya eh." Parang nalungkot yung bata sa narinig nya. Hindi naman nagpaalam sa akin si Julian ng personal, sinabi lang nya sa sulat. Naloka nga ako eh. Dikit dikit yung sulat nya. halos di ko mabasa.
"Halika na binibini. Tumungo na tayo sa himpilan ni Ka Pedring." Agad naman akong nagsign ng byebye dun sa bata atsaka sumunod sa binata.
"Anong pangalan mo? Sa tingin ko mabait ka, Pwede ba tayong maging magkaibigan?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi na importante ang pangalan ko binibini, at hindi maaaring magkaroon tayo ng ugnayan sa isa't-isa." Luh? tinatanong ko lang naman kung pwedeng maging magkaibigan! Ugnayan agad! tskk pa-famous to!
Bago pa ako manggalaiti, kumatok na sya sa isang kubo, natatandaan kong ito nga yung kubong pinasok ni Julian nung tinawag sya ni Ka Pedring.
"Ohh Antoñito, Hindi ba't nakatalaga ka sa----" Napatigil sya sa pagsasalita nung makita nya ako. Napalingon pa ako sa likod ko kasi ang creepy nya makatingin! Para akong kakatayin! Grrr
BINABASA MO ANG
A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]
Historical FictionHIGHEST RANK: #11 in HISTORICAL FICTION ❤ December 14, 2018 +----------------------+ A girl who doesn't know how to care and give, how to help others and how to love so the god of time sent her back to 1890 for her mission to change. ***** Thanks to...