Capitulo Veintiseis

5.1K 175 12
                                    

Ang Capitulong ito ay para kay culelat 😊 Nawa'y magustohan mo 😘

















Isang linggo mahigit na ang lumipas magmula nang sapitin ni Doña Isang ang pait ng buhay niya.
Heto ako ngayon at nakatanaw sa bintana. Magmula nang araw na yon ay hindi na ako gaanong lumalabas sa kwarto ko. Galit na galit ako kay Ama to the point na maiiyak na lang ako. Si Lorenzo, Hindi na siya nagpakita. O hindi ko lang alam kung magkasama ba sila ni Julian dahil hindi na din nagparamdam pa sa akin si Julian. Ni sulat ay wala.

Humiga ako sa higaan ko at matamang tumitig sa kisame.
Tuloy na tuloy na din ang kasal ko kay Samuel na hindi naman nagpapakita sa akin. Ang kwintas ko naman, malapit nang mapuno pero pakonti-konti lang ang pagdagdag nito.

"Binibini" Rinig kong pagtawag ni Ningning kasabay ng tatlong katok sa pintoang kahoy ng kwarto ko.

"Nais mo bang sumama sa pamilihan? Masama ang hindi nasisikatan ng araw..." Dagdag niya pa.

Oo. Tama nga si Ningning. Hindi na ako nasisikatan ng araw. Kaya tama siguro na sumama muna ako kahit ngayon lang.






Ilang minuto naming narating ang pamilihan. Katulad ng dati, busy ang mga tao sa pagtitinda at pag-aalok ng mga paninda nila. Napatingin ako sa batang nagtitinda ng mga porselas, kwintas at kung ano ano pa. Nakalatag ang pulang tela sa lupa kung saan nakalagay ang mga paninda niya habang hawak ang kinakaing kakanin sa kanang kamay niya.

Umupo ako at tinapatan siya. Namili ako ng kwintas doon at saka dumukot ng pera.

"Magkano?" Tanong ko sa bata. Sa tingin ko 7 o 6 years old lang siya.

"5 centimo lamang Binibini" Nakangiting saad niya.

Inabot ko sa kanya ang 10 pesos na kinagulat naman niya.

"Wala po akong isusukli rito Binibini" Sabi niya habang naglalakihan ang dalawang pares ng mata niya.

"Ayos lang. Sa iyo na ang sukli niyan. Ibili mo na lang ng pagkain" Saad ko.

Inikotan niya ang paninda niya saka ako niyakap ng mahigpit pero sandali lang.

"Maraming salamat Binibini. May makakain na kami mamayang gabi." Masayang sabi niya.

Pagkatapos non ay nagpaalam na ako sa bata at tinulungan na si Ningning na mamili.

Sa kalagitnaan ng pamimili namin sa isang bahay na gawa sa kugon ay nagkaroon ng sigawan sa hindi kalayuan. Kita kong natumba ang lalaki habang hawak ang tagiliran kung saan bumubulwak na ang dugo sa maputi niyang pangitaas. Hindi nagtagal ay nawala ang pamimilipit nito hanggang sa tuluyan nang nalagutan ng hininga na kinasigaw ng karamihan.

"Anong nangyayari? Binibini! Halika't tayo'y pumasok na muna rito!" Natatarantang sigaw ni Ningning habang tinuturo ang kubong pinagbibilhan namin.

Hihilahin na sana ako ni Ningning ngunit nahagip ng mata ko ang taong hindi ko inaasahang makita sa ganitong pagkakataon.

Si Julian.

Si Julian na nanlilisik ang mata habang hawak sa kanang kamay ang patalim na puno na ng dugo.

Kasabay ng pagpatak ng dugo sa lupa mula sa patalim na iyon, Ay ang pagtulo ng luha ko.

Hindi. Hindi ganito ang nararapat na buhay para kay Julian.

Nakatitig pa din ako sa kanya habang siya ay nakatingin lang sa lalaking nakahandusay na sa Lupa. Nagulat ako nang iangat niya ang tingin niya at dumapo yon sa akin. Nagtama ang paningin namin. Hindi ko alam pero wala akong ibang nakikita doon kundi galit.

A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon