Dedicated to Koreanangsingkit
Sana i-like nyo yung facebook page ko Author Nom (Kapag hindi niyo makita, search niyo yung Nomdeplume Wp) Salamaaaat 💜
Patria's POV
Mabilis na lumipas ang ilang araw, nung natapos ang birthday ni Ama, sinabihan lang nya ako na hindi kami pwedeng patagong magkita ni Julian. As if naman. Eh panggap-panggap lang naman yun. Hmp bakit kasi sya pa nabanggit ko eh. Si Lorenzo nalang sana para medyo katanggap-tanggap.
Pumunta si Julian dito sa bahay nung nakaraang araw. Pero hindi ako lumabas ng kwarto. Inasar pa ako nila ate Maria at ate Marina na nagtampuhan daw kami. WTH.
Sa gitna ng pag-iisip ko, nakarinig ako ng tatlong katok sa pinto ng kwarto ko.
"Pasok." Pumasok si Concela.
"Binibini, magbihis po kayo." Nakangiting sabi ni Concela.
"Bakit naman? May pupuntahan ba tayo?" Parang wala naman kasi akong matandaan na may pupuntahan kami.
"Basta po Binibini. Bilisan nyo po." Pagkasabi nya non, lumabas na sya.
Aba! so tinatalikuran na ako ng PA ko?! Langya.
Nagbihis na ako katulad ng sinabi ni Concela kahit diko alam kung saan ba kami pupunta.
Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba sa salas, pero nagulat ako dahil nandon si Julian na para bang may hinihintay."J-julian?" Tanong ko. Lumingon naman sya.
"N-nariyan kana pala Binibini." Ngiti nya. Nagbow sya as a sign of respect.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Sinusundo ka Binibini." Ngiti nya.
HA?
"Naipaalam na kita sa iyong Ama, Pumayag naman sya basta iuwi kita bago kumagat ang dilim." Ha? As in DATE ?!
Hinila ko sya palabas.
"Hoy! ano bang ginagawa mo? Para saan to?!" Bulyaw ko.
"Hindi ba't ako ang nobyo mo?" Sabay smirk nya. Aba't !
"Kunwari lang yon! wag mong seryosohin! wala lang akong choice!" Haaays napapa english tuloy ako sa sobrang gigil!
"Sige, ayos lang naman kung ayaw mo. Sasabihin ko nalang kay Don Hidalgo na kunwari lang to para ipakasal ka sa anak ng Gobernador-cillo." Saad nya at aktong lalakad papunta sa bahay kaya hinila ko sya bigla.
"Oo na! Oo na! Heto na nga oh sasakay na ng kalesa! di makapag hintay! Nagpapaliwanag lang naman." Sumakay na ako sa kalesa. Ngumiti naman sya. Psh blackmail.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.
"Sa lugar na hindi mo pa napupuntahan." Ngiti nya. Ha? Eh itong lugar nga na to first time kong mapuntahan eh.
Hinayaan ko nalang sya kabaliwan nya hanggang sa nakarating kami sa isang tahimik na lugar. Makikita mong nagkalat ang mga batang naglalaro sa labas habang abalang abala ang kanilang mga magulang. Napatingin naman ako sa paligid. Puro palay. May ilan doon na nagsasaka."Nasaan tayo?" Tanong ko.
"Ito ang lugar kung saan nagtipon-tipon ang mga taong pinagmalupitan ng mayayaman at mga gwardiya civil. Takot na silang tumira sa bayan Binibini. Nabubuhay lamang sila sa pananim nilang palay na gagawing bigas at sa mga gulay na tinanim din nila."
Natouch naman ako. Inalalayan ako ni Julian makababa ng kalesa. Nagtinginan sa amin ang mga tao.
"Ginoong Julian!" Sabay yakap ng mga bata sa hita ni Julian. Hindi naman sila madungis, Kaya lang yung soot nila, damit ng matanda kaya mahaba sa kanila.
"Siya ba ang Binibining kinukwento mo sa amin Ginoong Julian?" Tanong pa ng isang bata.
Ngumiti lang si Julian. Napatingin naman ang mga bata sa akin.
"Napaka ganda mo naman Binibini. Kaya siguro napusuan ka ni Ginoong Julian kahit...Masungit ka daw." What?! So matagal na si Julian dito?
Magsasalita pa sana ako pero may dumating na mga matatanda.
"Señorito Julian. Sino ang dilag na iyong kasama?" Tanong ng isang matandang lalaki.
"Siya si Binibining Patria Del Mundo Ka Pedring." Sagot ni Julian.
"Del Mundo?" Tinignan nya ako mula ulo hanggang laylayan ng saya ko.
"Magusap tayo Señorito." At doon ay umalis na ang matanda. Nakatingin sa akin ang iba pang matatanda at lahat naman ng bata ay nagsiyakap sa kanilang mga magulang nung narinig nila ang pag uusap nila Julian at ni Ka Pedring.
Bakit? Anong nangyayari?
Naguguluhan naman akong tumingin kay Julian.
"Sandali lamang Binibini. Hintayin mo na lamang ako sa kalesa. Naroon naman ang aming kutsero." Paliwanag ni Julian at saka sumunod sa matanda.
******
JULIAN'S POV
Nagtungo ako sa kubo ni Ka Pedring at iniwan ang Binibini sa kalesa. Pagpasok ko ay pinaupo ako ni Ka Pedring sa isang upuan at umupo ito sa tapat ko.
"Ano bang pumasok sa isip mo Julian at nagdala ka ng isang Del Mundo sa lugar na ito?!" Pigil na sigaw ni Ka Pedring.
"Ka Pedring, mabait po ang Binibini. May taglay nga itong kasungitan ngunit hindi nya maitatago ang kanyang kabaitan." Paliwanag ko.
"Hindi nababatay sa kabaitan yan Señorito. Mabait din ang ama nyang si Hidalgo ngunit nang bumango ang ngalan nito at nakaipon ng limpak-limpak na salapi, ito ang kinahinatnan ko sa kamay nya." Napayuko ako.
"Hindi natin masasabi iyan Hijo. Dugo't laman ni Hidalgo ang nananalaytay sa Binibining iyon. Alam mong isa si Hidalgo sa nagpahirap sa karamihan dito sa atin." Dagdag pa nya.
Hindi pwedeng malagay ang Binibini sa panganib. Lalong hindi sya pwedeng ikasal sa anak ng Gobernador-cillo na syang naging dahilan kung bakit narito ang mga naapi.
*****
PATRIA'S POV
Nakita kong lumabas si Julian sa kubo. Nakipagkamayan pa sya saka pumunta sa direksyon ko.
"Julian, Bakit ganon ang naging reaksyon nila?" Tanong ko.
"Hindi pa ngayon ang tamang panahon para magpaliwanag Binibini." Sagot nito. Kita kong parang matamlay si Julian.
"Huwag mong sasabihin ang lugar na ito Binibini. Kahit kanino...Lalo na sa iyong Ama."
Nagtataka man, susundin ko nalang ang sinabi nya. Una, wala naman ako sa lugar para magchismis sa lugar na to. Pangalawa, hindi ako ang totoong Patria.
Mag aalas-sais na nang hinatid ako ni Julian sa bahay. Nagpaalam na sya kay Ama at nagpasalamat.
Dumeretso lang ako sa kwarto ko at nag isip ng malalim.
"Ito na ang tamang panahon para ibigay sayo ang kwintas na ito. huwag mong tatanggalin iyan."
Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ng matanda sa akin kanina nung pumasok si Julian sa kubo.
"Kapag tuluyan nang namuti ang kwintas na iyan, tuluyan ka nang makakabalik sa pinang galingan mo." saka naglaho ang matanda.
Tinitigan kong mabuti ang kwintas. Hindi naman nag-iwan ang matanda ng clue kung para saan to. Kailangan ko lang daw paputiin. Eh kung kulayan ko to? Aish parang tanga lang.
Tinignan ko ang itsura. Para syang gawa sa babasagin pero Kulay itim na parang hugis bwan pero may mukha. Nakapikit yung mukhang nakaukit doon. hmmm feeling ko may kahati ito. Kasi parang basag yung gilid nya tapos nasa gilid din ang pasukan ng tali.
Kahit nag aalin-langan ako, sinoot ko pa din.
BINABASA MO ANG
A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]
Historical FictionHIGHEST RANK: #11 in HISTORICAL FICTION ❤ December 14, 2018 +----------------------+ A girl who doesn't know how to care and give, how to help others and how to love so the god of time sent her back to 1890 for her mission to change. ***** Thanks to...