HIGHEST RANK:
#11 in HISTORICAL FICTION ❤
December 14, 2018
+----------------------+
A girl who doesn't know how to care and give, how to help others and how to love so the god of time sent her back to 1890 for her mission to change.
*****
Thanks to...
Ang Capitulong ito ay nakalaan para sa kay bait ay kay gandang dilag na si Binibining Sweet_Yammie
Kagaya nang nabanggit ko sa isang Capitulo, Siya ay may obrang pinamagatang I Secretly Fell Inlove ❤ Maaaringsilipin ang kanyang Obra at matatagpuan iyon sa kanyang profile :) Siya din ang gumawa ng banner natin sa Capitulong ito. Gracias Señorita!
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Isang linggo akong kinulong ni Ama sa kwarto ko. Hinahatidan lang ako ng pagkain twing umaga, tanghali at gabi. Ngunit ngayon ay heto ako't nakaharap na sa hapag dahil pinakiusapan ni Ina si Ama na palabasin ako pero hanggang dito lang sa hapag at hindi pwedeng lumabas ng bahay
"Ako'y hahayo na" Walang ganang tugon ni Ama saka siya umalis.
Linggo na din kaming hindi nag uusap ni Ama buhat noong sinagot ko siya.
Pumasok ako sa silid ko at saka naupo sa kama.
Hindi nagtagal ay kumatok at pumasok si Concela
"Binibini, May ibabalita ako sa iyo" Sabi sa akin ni Concela na halos natataranta pa
Umayos muna siya ng upo saka nagsimula.
"Kanina, bago ako magtungo sa pamilihan, Dumaan dito ang Gobernador-cillo. Hindi ko sinasadyang marinig ang kanilang usapan patungkol sa pag-iisang dibdib niyo ni Señorito Samuel"
Naalerto naman ang kaugat-ugatan ko sa sinabi niya kung saan napa-ayos pa ako ng upo
"Napag-alaman kong wala silang balak ianunsyo kung kailan ito gaganapin. Ngunit narinig kong ngayong Mayo a-ocho ang pinlano nilang petsa" Paliwanag ni Concela.
Nanlumo naman ako sa narinig ko dahil Mayo uno na ngayon at pitong araw na lamang ay ikakasal na pala ako.
"Pero may maganda akong balita sa iyo Binibini" Nakangiting pahayag ni Concela na siyang ikina-buhayan ko ng loob
"Nang makarating ako sa pamilihan kanina, Nakita ko si Ginoong Julian"
Agad akong napatulala nang marinig ko ang pangalan niya
"At pinapaabot sa iyo ang liham na ito at iyong dapat basahin sa lalong madaling panahon"
Agad inabot sa akin ni Concela ang liham na galing kay Julian
"Iyo nang basahin ngayon Señorita. Ako'y papanaog na"
Nagbow lang si Concela saka lumabas ng silid ko.
Tinitigan kong maigi ang liham.
Hindi ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman sa liham na ito