Capitulo Veinte

5.4K 196 17
                                    

Credits to YAMMIE'S COVER SHOP ni Binibining Sweet_Yammie sa paggawa ng Cover natin hihih ❣

Kung nais niyong magpagawa ay pumunta lamang sa kanyang profile at makikita niyo na ito doon :) Hindi siya proffesional ngunit napaka husay ng kanyang mga gawa :)

Subukan niyo ding basahin ang kanyang Obra na pinamagatang

I Secretly Fell Inlove

Isang napaka gandang obra mula sa kanya :)

BUENO ,

Ang Capitulong ito nama'y nakalaan para kila
Binibining DORAYXD
Binibining Nancymomoland13 at
Ginoong lfreet

Salamat sa paglagay ng storyang ito sa inyong babasahin :) Nawa'y magkaroon kayo ng oras para sa obrang ito at inyong magustohan. Gracias¡ Mi Amigo, Amigas :'*

Ps. Sana i-like nyo yung facebook page ko Author Nom (Kapag hindi niyo makita, search niyo yung Nomdeplume Wp) Salamaaaat 💜


********

Patria's POV

Abril a-Diez, Mil Ocho Cientos Noventa

Ilang araw akong hindi lumabas ng Hacienda ni Tiyang Ebang dahil sa pagdating ng mapapangasawa ni Julian. Idagdag na din na ayokong makita ang kalandian niya kay Julian. Nagulat nga ako non ehh, Masyado siyang clingy. Akala ko conservative lahat ng mga tao sa panahon na ito. Mapa-mahirap man o mayaman.

"Patria, naihanda mo na ba ang iyong tampipi? Ilang minuto mula ngayon ay darating na ang maghahatid sa atin sa daungan. Mag gayak ka na"

Napatango nalang ako sa sinabi ni Ate Marina sa akin. Babalik na kami sa maynila dahil may dadalohan seminaryo si Ate Marina sa Intramuros kaya hindi maaaring maiwan ako rito. Kabilin-bilinan iyon ni Ama. Pabor din naman sa akin ito, nang sa gayo'y maiwasan ko na si Julian.





Agad kong binitbit ang tampipi ko saka nilisan ang kwartong pinahiram sa akin ni Tiyang.

"Ohh. Mag iingat kayo. Nawa'y gabayan kayo ng Diyos Ama" Napa-sign of the cross na wika ni Tiyang Ebang

"Opo Tiyang. Kayo din po. Sa susunod na magbabakasyon kami dito, isasama na namin si Maria" Tugon ni Ate Marina.

Nag bless kami kay Tiyang bago pa kami ihatid sa daungan.

Kagaya ng dati, Halos isang araw lang ang byahe patungo sa kamaynilaan.





Hating-gabi nang marating namin ang maynila. Nag aabang kami nila Concela at Ate Marina dito sa gilid ng daungan dahil susundoin daw kami nila Ama't Ina gamit ang Kalesa namin.

Malamig na hangin ang tumatama sa aking mukha na nagmumula sa dagat kaya napahawak ako sa balabal na nakapaikot sa balikat ko.

Wala nang katao tao rito da daungan. Tanging kami nalang tatlo ang nandito at Sinag ng bwan lamang ang nagbibigay ilaw sa paligid.

Maya-maya pa ay may narinig kaming takbo ng mga kabayo kaya napatayo kami dahil inakala naming sina Ama na iyon.

Nang makahinto sa harap namin ang kalesa ay napa atras kami ni Ate Marina at Concela dahil naglabasan sa loob non ang tatlong lalaki na naka soot ng balabal sa mukha at saka sumugod sa amin

A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon