Capitulo Quince

5.9K 222 11
                                    

Dedicated to ME040818

Sana i-like nyo yung facebook page ko Author Nom (Kapag hindi niyo makita, search niyo yung Nomdeplume Wp) Salamaaaat 💜






Patria's POV



Kinabukasan, nagising ako sa kaguluhan na nagmumula sa salas. Tinignan ko ang relo ko. Alas siete na ng umaga.

Agad akong bumaba kahit nakapang-tulog pa ako. Nakita ko doon ang Gobernador-cillo, Ilang Gwardiya Civil, Si Ama, Si Ina at dalawa ko pang Kapatid.

"Dalawang Binibini raw ang lulan ng bangka sa baklad na dinaanan ng mga rebelde upang itakas ang kasamahan nilang binatilyo. At isang Ginoo naman ang tinamaan ng isang Gwardiya Civil." Paliwanag ng Gobernador-cillo.

"Ipagpaumanhin mo Kumpadre, Oo nga't puro babae ang aking mga anak ngunit hindi ko mapahihintulutang pasukin ng mga gwardiya civil ang kanilang mga silid. Maaari mo na lamang silang tanungin." Rinig kong sabi ni Ama.

Nang makarating ako sa kanila, Lahat sila ay napatingin sa akin.

"Mukhang napuyat si Binibining Patria kagabi at ngayon lamang nakabangon." Naka smirk na sabi ng Gobernador-cillo. Halata namang may gusto syang palabasin.

"Oo, Totoong napuyat ako kagabi." Napangiti siya sa sinabi ko na ikinalingon naman nila Ama.

"Kung gayo'y saan ka----" Hindi na naituloy ni Constantino Villareal ang sasabihin dahil binara ko na agad sya.

"Sino ba naman ang hindi mapupuyat kung sa mismong kaarawan niya ay biglang nagkaroon ng putukan? Mawalang-galang na Don Constantino ngunit kung ikaw ang siyang tatanungin, kung ang isa sa pamilya mo ba ay nasaktan, makakatulog ka pa ba ng mahimbing?" Taas kilay kong sagot sa kanya at dahil don ay sumama ang tingin nya sa akin. huh!

"Vamos!" Matigas na wika nya sa mga gwardiya civil at doon ay nag alisan na sila.

"Ako'y hahayo na upang tumulong sa paghahanap ng Ginoo." Aalis na sana si Ama pero pinigilan ko siya.

"Ama! Sasama ako!" Napalingon sa akin si Ama.
"Patria!" Saway naman sa akin ni Ina.
"Delikado anak." Seryosong wika ni Ama.
"Paki-usap Ama." Pagsusumamo ko pa.

Napapikit at napatango nalang si Ama sa kakulitan ko.
Agad akong nagbihis at sumama kay Ama.

Marami na rin kaming pinuntahang bahay na may binatilyo. Dinaanan pa namin ang bahay ng Heneral dahil gusto daw nitong sumama.

Bigla akong kinabahan nang mapagtanto kong sa Hacienda ng Concepcion ang direksyon namin.

Nang matanaw namin ang Gate ng Hacienda ay mas lalong lumakas ang kaba ko. Kung sakaling mahuli si Lorenzo ay hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko dahil ako ang nagpasok sa kanya sa gulong ito.

Narating namin ang Hacienda. Naunang bumaba ang Gobernador-cillo kasama ang heneral. Saka kami sumunod ni Ama at ilang gwardiya civil.

Pagpasok palang sa loob ay todo na ang kaba ko sa pwedeng mangyari.

"Ayos ka lang ba Patria?" Tanong sa akin ni Ama. Pansin nya yatang hindi ako mapakali. Tumango nalang ako bilang tugon.

Nang salubungin kami ni Don Rafael at Doña Isang ay walang kaabog-abog na ipinaliwanag ni Constantino Villareal ang mga pangyayari kagabi kung kaya't pinatawag sina Julian at Lorenzo.

Palapit na sina Julian at Lorenzo kung saan nagbigay-galang pa sa mga matatanda lalo na sa Heneral.

Napalingon sa akin si Julian at Lorenzo saka bahagyang ngumiti. Napalingon naman ako sa Gobernador-cillo na talagang kinikilatis ang mga parte ng katawan ng dalawang Ginoo.

A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon