Work of Fiction & Prólogo

27.9K 635 163
                                    

This is a work of fiction.
Any names, Characters, Places, Events and Incidents are fictitious and Products of Author's Imagination.

Any resemblance to actual persons, living or dead, Actual events is PURELY COINCIDENTAL.

Remind ko lang po na MAJOR Editing ang ginagawa ko sa storyang ito dahil SOBRANG daming TYPOS na di ko makeri kaya sana maintindihan nyo. Salamat po.

Ps. Thanks to JubeiWP dahil sa sobrang gandang book cover natin para sa aking obra. Kung nais nyong magpagawa ay i-add nyo lamang sya sa facebook Jubei Wp tapos i-follow nyo ang nakamention na account nila. Hanapin ang shop nila saka mag-fill up ng malinis na form. Salamaaaat ulit 💜

Nagmamahal,

Nomdeplume na maganda pag nakatalikod haha! ❤




PRÓLOGO


Dedicated to xeumei

Isinali ko ang librong ito sa contest kaya kaway tayo kay Twister1914

Sana i-like nyo yung facebook page ko Author Nom (Kapag hindi niyo makita, search niyo yung Nomdeplume Wp) Salamaaaat 💜

****************

7:30 am.

Nakatayo ako dito sa harap ng salamin. Nakatayo at nakatitig. Wala namang mali sa akin. Lahat ng bagay napapasa akin, Pero bakit mukhang pinagkaitan ako ng Mundo? Nasa akin din ang pinakamabait na daddy pero wala na siya. Maagang naputol ang kaligayahan ko dahil sa pagkawala niya. Si mommy naman, busy sa pagpapalago ang kompanya sa Singapore. Mag isa lang ako sa bahay at mga katulong lang ang katuwang. May nagiisa akong kaibigan. Si Anna Marie. Well, Kung ano ang ugali ko, total opposite naman kami. Matalino sya, mabait, sunog kilay. Minsan nga nasa mall kami dahil pumipili ako ng ipapalit ko sa cellphone ko. Habang namimili ako, pinag-uusapan namin yung problema nya tungkol sa bayarin na uniform namin worth 550 pesos. Sumali kasi kami sa music club at bawat club kailangan ng uniform. Then paglabas namin ng mall, may nanghingi sa aming aeta kasama ang anak nito. Nagulat ako dahil binigyan nya ng 100 pesos at binilihan niya pa ng gatas yung bata.

"Akala ko ba wala ka nang pera?" Yan ang tnong ko sa kanya.

"Mas madali naman akong makadelihensya kesa sa mga iyon. Halika na." Napataas nalang ang kilay ko sa sinabi niya kaya umalis na din kami sa mall after non.

Nabalik ako sa reyalidad nang tumunog ang cellphone ko. Pisang notification galing sa facebook kaya hindi ko na in-open. Instead, sinukbit ko na ang bag ko at saka lumabas ng bahay.

Paglabas mo ng bahay, nakita ko naman kaagad yung guard at hindi sya nakatakas sa mga mata ko.

"Kahit sinong presidente pa yan, wag na wag mong ia-approach kung may kinalaman sa akin. Understood?!" Tinaasan ko pa sya ng kilay kasabay ng paglaki ng mata ko na kinaatras naman nya.

"O-opo ma'am." Utal na sambit nya. Kahit kasi sino pinapapasok niya. Lalo kung kakilala niya kaya naiinis ako at malapit-lapit ko na din siyang patalsikin sa trabaho niya.

Sinoot ko ang shades ko bago sumakay sa kotse ko. I wore my favorite white skirt na pinartneran ko ng black sleeveless saka sinoot ang paborito kong blazer. Pinaharurot ko ang kotse ko kaya within 10 minutes ay nasa school na ako kaya agad kong pinark ang kotse sa parking area. Mabibilang lang ang mga studyanteng naka-kotse pumasok. Yung iba nagtetake ng school bus or commute.

Naglakad ako na parang model sa hall way kahit iisa ko lang ang rumarampa. Natanaw ko ang room ko na nakasara na ang pinto. Pagbukas ko palang, lahat sila nakatitig sa akin, including my Professor.

"WHAT?!" Bulyaw ko. Ganon ba talaga ako kaganda?! Halos maglaway sila eh.

"You're 10 minutes late Miss Dela Vega." What? tinignan ko ang wristwatch ko. Oh! 10 minutes nga akong late. Naptingin ako sa professor ko na naka-poker face sa akin. Ang tanda na eh di pa mawalan ng hininga! Gosh.

In-flip ko lang yung buhok ko at umupo sa assigned seat ko. What a shame.

Maya-maya ay nagsimula naman na ang Prof ko sa paglelecture. Social Studies ang subject namin na sobrang lakas talagang maka MAJOR. Ang daming assignment at quizes. Ang dami pang reports at kung anu-ano pa.
Hindi na kami natapos sa History of the Philippines na yan. Nakakaimbyerna na.

Buong klase lang akong nakatunganga at halos tumulo na ang laway sa sobrang boring ng subject nya. Palagi namang ganito at wala talagang pinagbago.

Sa pagtunganga ko, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.



BLAG!



Napatayo ako sa pagkakaupo ko.

"WHAT THE HECK?!" Kitang-kita ko na nakapoker face si Professor Soriana sakin. Pati mga kaklase ko nakatingin sa akin.

"Okay. Ngayong nakatayo kana, ano sa tingin mo ang binuwis ng Katipunan noong 19th Century? Ano ang layunin nila? Sa tingin mo ba may pinatunguhan ang pagkamatay ng ating mga bayani?." Sunod-sunod na tanong ni Mrs. Soriana sa akin. Hindi ako kaagad nakapagsalita dahil nagloloading palang ang utak ko mula sa pagkakatulog.

"Well, all I can say is I don't freakin' care about those "feeling heroes.". The hell I care about them? They're dead. And please! Bigyan nyo ng katahimikan ang kaluluwa nila. Patay na nga inuungkat pa." Napa-gasp naman ang mga kaklase ko habang napacrossed-arms naman ako at napa irap pa.

"Hindi mo naiintindihan MS. DELA VEGA. Wag mong hintaying parusahan ka bago ka magtanda." Tiningnan nya ako ng madiin. Habang tumitingin ako pabalik, nakakaramdam ako ng pagkahilo. Kinuha ko kaagad ang bag ko at sinabit sa balikat ko pero napahawak ako sa sentido ko dahil pumipintig ito ng malakas. Lumalabo ang paningin ko at tanging si Mrs. Soriana lang ang malinaw sa paningin ko na parang may binubulong pa sa hangin.



After that, Everything went black.

A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon