Capitulo Once

6.6K 287 54
                                    

Dedicated to ellacarazy

Sana i-like nyo yung facebook page ko Author Nom (Kapag hindi niyo makita, search niyo yung Nomdeplume Wp) Salamaaaat 💜







Patria's POV

"Binibining Patria! Gumising ka!" Naramdaman kong inuuga-uga ako ni Concela

"5 minutes!!" tinakpan ko ng unan ko ang mukha ko

"Ano? Bumangon ka na riyan Binibini at magayos ng sarili! Mas maganda kung makakaligo ka na agad! Kanina pa naghihintay si Ginoong Julian sa Azotea!"

Napabalikwas ako sa narinig ko.

Akala ko ba nasa Europe si Julian?! Anong ginagawa nya dito?!

Agad agad akong nagbihis at pumunta sa azotea. Nakita ko syang nakaupo doon habang nagiisip ng malalim

"Ginoo. Akala ko ba nasa Europa ka na?" tanong ko sa kanya habang umuupo sa tabi nya

Ngumiti sya

"Kung gayon ay nabasa mo na ang liham ko" medyo nailang naman ako sa ngiti nya.

Ano bang nginingiti-ngiti nya jan?

"Oo. nabasa ko nga. So bakit nandito ka?" Balik-tanong ko

"Nang magpadala ako ng liham sayo, Nasa maynila pa ako nang oras na yon. Ibinalita ni Antoñito na nagtungo ka raw sa Lugar ni Ka Pedring kaya hindi na ako tumuloy. Nais ko lamang sanang kamustahin ka" Litanya ni Julian. Si Antoñito? Yun yung kutserong nagpahabol pa ng salita sa akin diba?

"Ah---Ganon ba? wala namang ginawang masama si Ka Pedring. Nag usap lang kami" Muling nanumbalik ang takot ko nang maalala ang nanlilisik na mata ni Ka Pedring

"Maaari ko bang malaman ang napag usapan nyo Binibini?" Usisa nya.

Dapat ko bang sabihin? Kung sabagay, may kinalaman naman sya dito

"Sige. Pero hindi dito. Magkita tayo mamayang takip-silim sa may burol" Sagot ko. Mukhang alam naman nya na hindi pwedeng marinig ng iba

"Sige. Mauuna na ako Binibini. Hihintayin kita doon"

Parang nagkaroon naman ng ibang meaning ang hihintayin kita doon nya

Aish! ano ba krishnel! hindi ito ang tamang panahon jan! kaloka

Umalis na si Julian.

Dali-dali akong naligo. Mamaya pa naman yung hapon. Pero gusto ko nang maligo dahil parang nag iiba na ang amoy ko galing sa higaan EEEEWWW

Pagkatapos kong naligo, Sinoot ko ang berdeng saya ko.

"Binibini, May pupuntahan po ba kayo?" tanong ni Concela

"Oo. May paguusapan lang kami ni Julian" Sagot ko

"Ay sus, alam ko na yang ganyan binibini. Hula ko, aalokin ka na ni Ginoong Julian na magpakasal" Pang eechos pa ni Concela

Ngumiti nalang ako. Kung pwede ko lang sabihin na hindi naman kasal ang paguusapan eh kundi ang mga kasakiman ni Ama.

Nagmuni muni muna ako sa kwarto ko. Binuksan ko ang bintana. Doon nakita ko ang malawak na taniman ni Mang Roberto. Ang tatay ni Concela. Natanaw ko din ang mga tagapangalaga ng gulay at prutas

Napahawak ako sa kwintas ko.

Gumawa ng mabuti

AHA!

A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon